Chapter Four

49 2 0
                                    

"GUYS, ready na ba ang lahat?"

Araw ng biyernes noon, excited na si Joy sa opening ng kanyang coffee shop sa Makati, ang Un Buen Café . Napili niyang sa Makati ito itayo dahil sentro ito ng mga workaholics na mahilig magkape. At syempre ginawa niyang cool at fresh ang buong paligid para sa mga young and hardworking proffesionals. At para masarap din sa feeling ang ambience ng coffee shop. At isa pa, tamad rin siya magbiyahe minsan kaya ito na rin ang napili niyang lugar, malapit lang sa kanila at sa bahay niya sa Rockwell.

Ang maganda pa dito, two blocks away lang ang distansya ng kanilang kompanya sa kanyang coffee shop. Kaya naman kinausap na niya ang mga empleyado doon na sa kanya magkape ang mga ito. Pumayag naman sila.

"Hija, we're here." bungad ng kanyang ina na kabababa pa lang ng sasakyan.

"'Ma, I'm glad you'd make it."

"Aba oo naman, I don't wanna miss this special occasion you know. Maliban pa sa wedding mo of course." biro ng kanyang ina. Nasa edad na rin naman kasi si Joy kaya pwede ng mag- asawa ito.

"'Ma naman!"

Successful ang naging opening ng kanyang shop. Maraming tao at patok ang mga kape niya. Andoon din sa naturang lugar ang kanyang pamilya, except sa dalawa niyang kapatid na nasa London ang isa na ngayo'y isang nurse at Australia na may pamilya na. Wala din doon ang kanyang ama dahil may meeting ito sa kanyang mga kliyente.

Pero syempre, hindi rin mawawala ang kanyang mga kaibigan na sina Donna at Meann. Si Donna ay isa na ngayong sikat na singer at si Meanne naman ay isang journalist sa sikat na magasin, ang Familia Magazine. Natutuwa siya sa tuwing naiisip niya na successful ang mga pinili nilang mga career.

"This is great Joy." wika ni Meann. "Kakausapin ko 'yung boss ko para i-feature 'tong shop mo."

"Thanks Meann, pramis pag lumago pa 'tong shop ko dahil sa iyo, libre na ang kape mo araw- araw.

"Sige ba, sabi mo yan ah." Si Meann lang ata ang kilala niyang pinaka-adik sa kape. Kaya nitong umubos ng limang kape sa loob lamang ng isang araw.

Bago pa muli sumagot si Joy ay biglang nag-ring ang cellphone nito. "Hello 'Pa." Ang kanyang ama pala ang tumawag. Hindi na ito makakahabol pa sa okasyon dahil may isa pang meeting ito.

"Hija, I'm really sorry I couldn't be there." sabi ng papa niya sa kabilang linya. "Biglang tumawag ang kliyente ko at nagset ng isang emergency meeting eh."

"'Pa, it's okay. Huwag mo na akong intindihan, successful naman ang kinalabasan ng opening eh. I really wish you were here, but I perfectly understand."

Kaya gustong- gusto siya ng kanyang ama ay dahil napaka- understanding niya. Hindi siya matampuhin sa kanyang ama kahit pa subsob ito sa trabaho at hindi na nagkakaroon ng oras sa kanilang pamilya. But she completely understands. Alam niyang para sa kanila ang ginagawang iyon ng kanilang ama.

"Andyan ba ang mama mo?" tanong ng kanyang ama.

"Yes 'Pa, andito siya kanina pa." Nang lingunin niya ang kanyang ina ay nandoon ito sa counter at nakikipagkwentuhan. Ngayon niya lang napansin na andoon din pala ang mga amiga ng kanyang ina at nagkakape din.

Matapos kausapin ang ama sa cellphone ay muli niyang nilingon ang shop mula sa ikinatatayuan niya. Lumabas kasi siya dahil maingay sa loob gawa ng madaming tao ang dumalo sa opening. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito at ang mga masasayang customers sa loob. Mukhang satisfied naman ang mga ito.

Finally, natupad na naman ang isa sa mga pangarap ko.

Pagsapit ng twelve-thirty ng tanghali ay kaunti nalang ang mga customers niya. Nabagot siya sa loob ng kanyang office kaya nagpasya siyang lumabas at makipagkwentuhan sa mga empleyado niya.

Circle of Fifths 1: Alexis ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon