Chapter Seven

53 2 0
                                    

"'TOL, ANO bang balak ninyo ni Lannie sa kasal ninyo?"

"Gusto sana namin ng garden wedding sa Tagaytay. Rum, di ba may bahay ka sa Tagaytay, pwedeng bang mag-stay doon kahit dalawang araw lang, maghahanap lang kami ng venue."

"Oo naman pare, ikaw pa."

Katatapos lang magrehearse ng banda nina Alex sa bahay ni Rum na kanilang gitarista kaya naman nagpasya muna sila tumambay doon at magkaroon ng usapang lalaki. Kahit pa mga successful businessman na ang mga ito, hindi pa rin nila nakakalimutan kung saan nagsimula ang kanilang samahan--- ang pagbabanda.

Laging hectic ang mga schedules nila pero sinisigurado naman nila na may nakalaang time para sa kanilang rehearsal. Talagang mahal nila ang musika kaya hindi nila kayang basta- basta nalang mawala iyon ng ganoon.

"Dude, may naisip na ba kayong date ng kasal?" tanong ni Christian habang nakatutok ang mata sa laptop.

"Hmm, wala pa eh. Bakit?"

"I'll be gone by the next five months. Baka bigla kayong magpakasal ng wala man lang ako."

"Saan ka na naman ba pupunta?"

"Sa Italy."

Si Christian Santiago ang isa sa mga supplier ng mga alak---especially wine--- sa buong mundo. Matagal na sa negosyo ang kanilang pamilya. Actually, siya na ang pang limang henerasyon na hahawak ng kompanyang iyon nila. Kaya naman marami na sila lupain sa Europe na puro taniman ng wine grapes.

"'Tol, anong palagay mo dito, gwapo ba?" tanong ni Caleb habang natatawang ipinakita kay Rafael ang camera.

"Ewan ko 'pre, hindi ako mapalagay." sabay tawa. May nakuha kasing stolen shot si Caleb habang natutulog si Christian na bahagyang nakabuka ang bibig.

"Oy! Wala namang ganyanan!" inagaw ni Christian ang camera ng makita ang litrato. Ngunit nailayo na iyon ni Caleb bago pa niya mahawakan.

"Kiss muna."

Tumakbo si Caleb sa labas at hinabol ni Christain. Ang tatlong naiwan naman ay nakamasid lang sa kanila habang tawa ng tawa. Hindi na talaga nagbago ang mga lalaking ito. Mga isip bata pa rin.

"Lex, kamusta na nga pala si Joy?" tanong ni Rum sabay lantak sa chicharon na pulutan nila.

"She's doing great actually. She's planning of putting another branch for her coffee shop."

"Tanong mo naman kung gusto nila akong kuning supplier. I'll give her a discount." Nasa loob na muli ang dalawang naghabulan sa labas. Hinihingal pa ang mga ito.

Binato ni Rum ng chicharon si Christian. "Tange, coffee shop 'yun, hindi bar."

"Malay mo."

Binato pa muli siya nito ng chicharon. Ngunit imbes na maasar ay kinain nalang nito ang binato.

"Speaking of bar, may isa akong na-discover na bar sa may Pasay. I'll take you guys there some other time. Okay 'yung atmosphere at drinks nila." ani Caleb na hinihingal pa rin.

"Paano ba malalaman kung inlove ka, 'pre?" tanong ni Rafael kay Caleb sabay akbay.

Biglang natahimik ang apat na kalalakihan sa tanong nito at nakamasid lang. Hindi nila alam kung nagbibiro lang ba ito.

"Bakit inlove ka ba?"

"Aba malay ko, kaya nga nagtatanong eh."

"Well, you have a point. I almost forgot that you're stupid when it comes to women." Playboy kasi itong si Rafael.

"Nagsalita ang conservative."

Naningkit ang mga mata nito. "Do you still need my opinion or not?"

Circle of Fifths 1: Alexis ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon