Chapter Five

57 2 0
                                    

IT'S ALREADY seven-thirty in the evening. At ang usapan nila ni Alex ay susunduin siya nito ng eight o'clock sa kanyang bahay. Napakabilis talaga ng mga pangyayari. Kahapon lang, they just met again after a gazillion years, then niyaya siya nitong mag-breakfast kanina at ngayon, pupunta sila sa party ng isang hindi kakilala kasama ito. Weird to describe, but she is so happy that everything went well.

She was wearing a purple silky dress above the knee, showing her white flawless thigh. Pinatungan niya na rin ito ng itim na bolero para di naman masyadong daring ang dating. Ready na siya at si Alex nalang ang hinihintay niya.

"Darating na iyon any minute." wika ni Joy sa kanyang sarili habang inaayos ang five inches heel.

Ilang saglit pa ay may narinig na siyang pumaradang sasakyan sa labas ng kanyang bahay. Then a knock on her door came afterwards.

"Ready?" bungad ni Alex pagbukas pa lamang ng pinto. Nagningning ang mga mata nito ng pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Naka-business suit pa ito at halatang galing sa trabaho. But still, he looks dashing on his suit.

"Ako pa." she said.

Sa isang condo sa Ortigas nakarating sina Joy. Paglulan ng elevetor, pinindot ni Alex ang twenty-eight button, ang palapag na kanilang pupuntahan. Sumagi sa isipan ni Joy ang nangyari sa kanila ni Alex sa elevator noong bata pa sila. Iyon ang unang-unang pagkakataon na nakausap niya ito ng matagal. Napangiti siya.

"Bakit?" tanong ni Alex.

"Anong bakit?" Napalingon siya dito. Nakakunot ang noo nito.

"Why are smiling?"

"Ah. May naalala lang ako."

"'Yun bang mga bata pa tayo? 'Di ba sa elevator tayo 'nun unang nakapag-usapan ng matagal."

Nabigla si Joy sa mga sinabi nito. Hindi dahil sa nahulaan nito ang iniisip niya, kundi naaalala pa nito ang pangyayaring iyon. Which is a good thing, right? Dahil kung siya ay hindi nalimutan iyon, dapat maging si Alex ay hindi rin ito kalimutan.

"You still remember that?"

"Oo naman. Sharp ang memory ko, at hindi ako basta-basta nakakalimot sa isang bagay."

So it means na hindi niya talaga kinalimutan iyon? Cool. Pero wait, kung hindi basta nakakalimot si Alex sa mga bagay- bagay, it means na baka naaalala pa nito ang nangyaring tensyon sa pagitan nila dati. Oh no, baka hindi niya pa nakakalimutan iyon.

Pagbukas ng elevator sa isang palapag ay may pumasok na babae. "Hey Alex." bati nito sabay beso kay Alex. The girl was wearing a black dress also showing her white flawless thigh. Kahit mukhang sopistikada ay mukha rin naman itong mabait at masayahin.

"Hey, Gelie how are you?"

"Still looking pretty, usual." Napatingin sa kanya ang babaeng tinawag sa pangalang "Gelie".

"By the way this is Joy. Joy, this is Gelie." pakilala ni Alex.

"Hi." bati sa kanya. "Bilib rin naman ako sa taste mo pagdating sa babae." baling nito kay Alex.

"Oh no, we're not together. Friends lang kami." singit ni Joy.

Nagtakang tiningnan lang siya nito. "Ganun ba? Well you two have to work on that."

Bumukas na naman ang pinto ng elevator, nasa twenty-eight floor na sila. They turn right on the hallway at iyong last na pinto ang pinasukan nila. She never expected na isang malaki palang kwarto iyon. Pwedeng mag-gather ng isang party o di naman kaya isang seminar. Isang malakas na tugtog ang bumungad sa kanila. Mukhang nag-start na 'yung party at lahat ay makikitang sumasayaw at nagsasaya.

Circle of Fifths 1: Alexis ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon