Chapter Three

53 2 0
                                    

MATAPOS ang ilang araw mula ng magkausap sina Joy at Alex sa elevator, naging magkaibigan sila. Sa wakas, ito na rin ang pinakahihintay niya na mangyari sa kanyang buhay. For now at least. Hindi sila ganoon ka-close pero okay na din dahil mas nakakapag- usap na sila ng maayos at mas matagal pa.

"In fairness ah, close kayo ng papa ko." wika ng nakangiting si Joy.

"Oo naman, atsaka matagal na rin kaming magkakilala ng papa mo. 'Nung maliit ako tuwang- tuwa nga sa akin iyon eh." pagbibida ni Alex.

"Wala kasing lalaki sa aming magkakapatid eh, lahat kami puro babae. Kaya siguro ganoon natutuwa si papa sa iyo."

Natuwa si Joy sa sinabi ni Alex na iyon. Dahil sakto silang dalawa, siya ang paboritong anak ng kanyang ama at si Alex naman ay paboritong bata rin ng kanyang ama. Eh bakit hindi nalang tayo ang magkatuluyan, tutal andito na naman tayong dalawa sa bahay namin eh. Siguro 'yung magiging anak natin mas lalong magiging paborito ni papa.

Tupakin talaga 'tong si Joy kung minsan, kung anu- ano nalang ang mga naiisip. Pati bad words nasasabi na niya. Ganoon ba talaga kapag nagkakaroon ng gusto sa isang tao. Lahat kayang isipin as long as para sa kanilang dalawa iyon. Paano pa kaya kapag nagmahal ang isang ito?

"Buti hindi siya naghahanap ng lalaki sa inyo?"

"Hindi naman. Tanggap din naman kasi ni papa ng puro kami babae." Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Alex. Mukhang natuwa ito sa sinabi niya. Masaya siya.

"Hi Alex!"

Nilingon nila ang nagsalita. Ate pala ni Joy iyon na kabababa palang ng hagdan. Close sila?

"Hi Ate Annie." nakangiting bati ni Alex.

"Grabe ka naman. Annie nalang masyado kang magalang eh. Halika may sasabihin ako sa iyo."

"Wait lang Joy ah." paalam ni Alex.

Ngunit mukhang may hindi siya magandang nase-sense, kapag nagpupunta kasi doon si Alex sa kanilang bahay, ang kadalasang kasama nito ay ang ate niyang si Annie. Then something just hit her. Holy crap! May gusto ba si Alex sa ate niya? May gusto rin kaya ang ate niya kay Alex? Aaaahhh! Hindi pwede 'to! Sa akin na si Alex!

Pero pag nakita na nito ang kanyang ate ay nagpapaalam ito sandali sa kanya at nag-uusap ang mga ito. Ang mas lalo pang nakaintriga sa kanya ay lumalayo ang mga ito sa mga tao. Lumalayo sila sa kanya. Tila ba ay nakapapribado ng kanilang pinag- uusapan. Parang may sekreto silang tinatago.

"Anong pinag- usapan niyo ni ate?" tanong ni Joy nang tapos na mag-usap ang dalawa. Lumapit sa kanya si Alex.

"Ah wala iyon." iyon lang at nagpaalam ng itong umuwi sa kanila. Sa kabilang subdibisyon lang nakatira si Alex at pwedeng- pwedeng lakarin iyon. Pero 'pag inaabot siya ng alas sais ng gabi sa kanilang bahay ay sinusundo siya rito.

"Ba't ayaw niyang sabihin sa akin?" tanong ni Joy sa sarili.

Ilang araw pa ang lumipas ngunit nagpaulit- ulit ang mga pangyayari iyon. Hindi man niya sinasadyang isipin pero wala na siyang magawa, pinagdududahan na niya na may relasyon ang ate niya at si Alex. Eww. Kadiri ka naman Alex, andito naman ako doon ka pa pumatol sa ate kong mas matanda sa iyo. Pero bigla niyang binawi ang iniisip. Wala siya sa posisyon para pag- isipan sila ng masama. Kaya nag- sorry din siya sa kanyang sarili. Peace.

Pero sa kabila ng kanyang mga naiisip sa mga ganoong bagay, hindi niya mapigilan na hindi mas lalong magustuhan si Alex. She couldn't hate Alex whenever she wants. Dahil sa tuwing pupunta ito sa kanilang bahay ay may mga dala itong chocolate para sa kanila. Mga paborito niya pang chocolates iyon.

Circle of Fifths 1: Alexis ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon