Chapter Nine

48 2 0
                                    

 

"GOOD MORNING." Si Rafael ang bumungad sa kanyang pinto ng umagang iyon.

"Good morning." bati niya rin.

Inimbitahan kasi siya ng buong barkada para sa isang three days vacation sa resort nina Alex. 'Nung unang punta niya doon para sa date nila ni Alex nagustuhan na niya ang ambience ng paligid. Kaya naman pumayag siya na sumama sa kanila.

Dalawang araw palang ang nakakalipas matapos ang date nila Alex. Hindi na sila nagkita 'nun dahil naging busy sila. Pero lagi naman silang magka-text at magkausap sa phone kapag may free time sila.

"Pasensya ka na wala si Loverboy." Si Alex ang tinutukoy nito. "Nagkaroon kasi ng emergency meeting kaya ako na ang nagsundo sa iyo. Susunod nalang daw siya. I hope you don't mind."

"Not at all. Tara na?"

"Ako na." Binitbit ni Rafael ang isang bag niya.

Sumakay sila sa dalang Pajero nito. "Tayo lang ba?" tanong niya.

"Oo tayo lang. Nagsolo kasi iyong iba. Don't worry, I'm a gentleman." nakangising sagot nito.

Natawa naman siya sa sinabi nito. "Wala akong sinasabing ganyan. But I'm glad to hear that." Ngumiti lang ito.

Habang binabaybay ang Costal Road hanggang sa Aguinaldo High-way, panay ang tawanan nilang dalawa. Masarap kasama si Rafael. Maraming kwento. And he is a gentleman alright. Kaya siguro maraming babae ang nahuhumaling dito.

"Ba't di ka nagdala ng ka-date?" tanong niya.

"Unfair daw kasi kina Rum at Christian kung may date ako 'tas sila wala."

"Eh, bakit di sila magdala ng sarili nilang ka-date." kunot-noong tanong niya. Mga gwapo naman ang mga kaibigan nila. Base na rin sa mga kwento ni Alex sa kanya, habulin pa nga raw ang mga iyon. Kaya nagtataka siya kung bakit wala silang ka-date.

Nagkibit-balikat ito. "Mga choosy iyon eh."

"Sila pa choosy ah."

"Gwapo eh." natatawang sabi nito.

"Malayo pa naman ang biyahe natin, 'di ba. Matutulog muna ako ah."

"Mabuti pa nga. Gigisingin nalang kita kapag dumating na tayo."

Malayo-layo pa ang biyahe nila kaya natulog muna siya. Napagod siya sa kakatawa sa mga kwento sa kanya ni Rafael. Mula sa pagkabata nito hanggang sa pagkabinata, lahat ng kalokohang ginawa ay ikinuwento nito sa kanya.

Naramdaman ni Joy na may tumatapik sa balikat niya. "Joy, we're here." Nakangiting mukha ni Rafael ang bumungad sa kanya.

Circle of Fifths 1: Alexis ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon