Chapter 1 Park

164 15 9
                                    

Park

-

I decided to woke up early because I wanna go to some places before the school starts. Panigurado kasing magiging busy ako dahil college na ako sa pasukan.

Hours passed, and the last place I want to go to is  where happy, sad and unforgettable memories happened. high school university.

Bumaba ako sa kotse ko at dere-deretsong pumasok sa loob. Feel ko ang sama kong estudyante dahil hindi ko pinansin si manong guard, tinatawag kase ako hahaha.

"I will miss this place. The rooms, teachers, janitors, students, the foods and everything!" I crazily shouted.

Bakit ba moment ko 'to.

Naglakad lakad pa ako at dinaanan ang mga rooms. Wow ang linis hahaha. Nakakamiss umupo at matulog--I mean makinig sa guro.

But this is the truth, minsan mas masarap matulog kaysa makinig sa guro. Naalala ko tuloy 'yung mga moments namin.

Kakain sa loob ng room habang hindi nakatingin ang teacher, uupo sa may likod para makipag chismisan. Doodle sa likod ng notebook. Mang hunting ng pogi.Nakakamiss. Sarap balikan.

Mahigit isang oras din akong naglibot sa school. Pagkatapos ay umalis nadin ako, next kong pinuntahan ay ang park. Walking distance lang galing school. Dito kase ako madalas pumunta bago umuwi para magpahangin.

Walang katao tao, siguro ay busy sa pamimili ng mga gamit nila para sa pasukan. Umupo ako sa isang swing at tumayo rin agad. Wala eh may pagkabaliw ako kaya tumayo agad ako.

Nilapitan ko 'yung mga bagong tubong mga bulaklak dahil ang gaganda nila.

"Ang taray te! ang ganda mo!" I amazingly said. Sabi kasi nila kapag kinakausap mo ang bulaklak ay maganda ang magiging paglaki nila, magiging kasing ganda ko sila.

Tumayo ako at nilapitan naman 'yung malaking puno na lagi kong sinisilungan at niyakap ko.

"Biggy mamimiss kita promise." I said. I gave him the name Biggy dahil ang laki nyang puno eh. "Ikaw? mamimiss mo ba ako ha?" I asked assuming that it's going to answer.

Sa hirap at ginhawa ay kasama ko ang punong ito. Gusto ko na nga siyang pakasalan eh. Charot lang.

"Eh kung putulin ko nalang kaya to at ilagay sa kwarto ko?" I asked myself. Ang ganda ng idea mo, nakakaloka.

"Hey miss, are you okay?"

Oh my gosh sino yun? Dahil yakap ko si Biggy, tanging tiningnan ko lang ay ang harap. Don't tell me, nagsasalita si Biggy?

"Biggy ikaw ba 'yung nagsalita?" I asked but I didn't receive any response. "Nahiya ka pang puno ka sa akin ah, arte mo."

"You're crazy."

"Biggy, hindi ako crazy okay? ayaw mo ba 'yon? makakasama mo ako. Choosy. Alam ko namang may hidden desire ka sakin."

Niyakap ko na lang ulit si Biggy pero may kumalabit sa akin. Kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap kay Biggy at tiningnan muli ang paligid--oh my gosh!

"And who are you?" kunot noong tanong ko.

"Well, kinakausap mo lang naman ang punong 'yan. Napagkamalan mo pang nagsasalita."

Tinatanong ko kung sino sya, tapos ayan ang sinagot. Boom tanga.

"Eh, b-baket? sino ba 'yung nagsalita?" I asked, stuttering.

"Me." he replied.

Shemay. May naka witness ng kabaliwan ko. Buti sana kung bata lang eh kaso binata pa. Take note ang pogi pa. Parang gusto ko tuloy maghukay at ilibing ang sarili ko. Pero naisip ko, masyado akong maganda para ilibing ng buhay.

"So? kapag maganda talaga ganun. Iba iba trip, kung inggit ka gumaya ka!" pagtataray ko. Pero tiningnan nya lang ako mula ulo mukhang dyosa.

"Maganda ka?" He asked laughing."You know what? It's kinda hard to find what part of you is pretty."

Automatic na kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Ngayon palang gusto ko na syang sapakin at sabunutan. Mahirap hanapin kung saan? Eh kahit san moko tingnan ay maganda. May katarata ata 'to eh.

"Excuse me? tanga ka ba?" sabi ko at tiningnan din sya mula ulo mukhang paa "Mukha ka namang pagong." I said.

Kita ko naman sa mukha niya ang pagkabigla. Ha! take that!

"Me?" He asked pointing himself.

"Ay hinde, sya!" turo ko sa damo.

"Tch. You're nonsense, ako mukhang pagong? sa gwapo kong to?" Ang hangin mo!

"Hindi ako bulag, isa akong diyosa!" pagmamayabang ko.

"Ikaw isang diyosa?"

"Medyo paulet ulet tayo nu?" I sarcastically replied. "Idiot."

"Wala kang kwentang kausap."

"Eh wala naman kasing nagsabi sayo na kausapin ako, adik."

Sa panahon ngayon, ang daming epal sa mundo. Hindi mo naman kinakausap pero kakausapin ka.Kasama na 'tong pagong na nasa harap ko.

Inirapan ko muna siya bago ako tuluyang umalis. Alam kong gusto nya narin umalis kaya inunahan ko na sya hahaha!

Naglakad ako pabalik sa harap ng school dahil doon naka park yung kotse ko. Pero hindi pa man ako nakakapasok ay nilingon ko ulet yung park at yung lalake, mukhang tanga na nakatayo parin.

Kase naman, sakin pa talaga nya nakuhang mag sungit. I'm Shantina Yuzon Gonzales--16 and a goddess.

You've read it right. Goddess. Dyosa. Maganda. Nakakaakit. May alindog at higit sa lahat may asim pa.

-

If you liked this chapter, please consider giving it a vote.

Thank you for reading!

Perfect Don't Exist [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon