Missions
-
SHANTINA'S POV
Tadhana nga naman talaga biruin mo yung pogi at aroganteng yun? kapatid si Shine na mabait?
"Ambilibabol." sabi ko.
*Flashback!*
Pauwi na ako sana ako bahay namin galing park ng may narinig akong umiiyak kaya naman hinanap ko.
Iginala ko ang mata ko at hinanap ang umiiyak, ng makita ko ay agad ko siyang nilapitan.
"Nawawala kaba?" agad na tanong ko.
"O-opo huk!" sagot niya.
"Anong pangalan mo? Sinong kasama mo? San ba ang bahay nyo? ihahatid na kita." sabi ko na hinihimas pa ang likod nya para tumahan siya sa pag iyak.
"Shine Marie Melark po, sa *toot* village po ako nakatira. K-kasama ko po ang driver namin, pero hindi ko a-alam kung nasaan siya huhu." sagot niya naman.
"Sige hahanapin muna natin ang driver nyo at ihahatid na kita. sabi ko.
Mission number one: hanapin si manong driver.
Mission number two: ihatid si Shine Melark.
"Nasan ba ang kotse ninyo?" tanong ko habang tumitingin tingin sa paligid.
"Malapit po sa park yun eh. Naglaro lang ako tapos po huk! hindi ko na alam pabalik." umiiyak paring sabi nya.
"Park? Ah alam ko yun! Doon oh. halika puntahan natin baka hinihintay ka lang ng driver nyo dun." hawak ko pa ang kamay nya habang patakbong lumalakad kami.
Nung medyo malapit na kame ay may isang matandang lalake na mukhang hindi mapakali at mukhang nag aalala rin siguro yun na yung driver. Napalingon naman sya sa pwesto namen.
"Ms. Shine san po ba kayo nagpupunta?" lumapit sya sa amin. "Buti nalang po ay nandito na kayo baka kung anong gawin sakin ng Kuya mo pag hindi kita nakita eh."
'Siya nga si Manong driver.
"P-pasensya na po Kuya Ernesto hindi na po mauulit." sabi ni Shine na pinapahid ang luha .
Tumingin naman sa akin si manong driver.
"Iha! Maraming salamat ha?" sinserong sabe nya sabay ngiti,
hinawakan na nya sa kamay si Shine. Ipapasok na sya sa kotse.
"Wala pong anuman." tugon ko.
"Ate! Ate!" hinihila ni Shine ang laylayan ng damit ko "Sama ka po sa bahah namen ipapakilala kita kay Kuya." natutuwang sabe nya.
"Sige." masayang sabi ko syempre yun yung mission number two ko ang ihatid sa bahay si Shine.
*End of flashback!*
Missions accomplished.
Kaya ito ako ngayon papasok na sa bahay namen. Pagpasok ko ang kapatid kong baliw agad ang bumungad sa akin.
"Hello to my dearest sister. How's your day?" sabe nya habang hinihimas ang buhok kong kulot at mahaba.
"Hi naman sa napakapanget kong kapatid na baliw na baliw na baliw. Maganda na sana kaso nakita kita eh." natatawang sabe ko sakanya kaya kinurot nya yung tagiliran ko.
"Arawch huh! It hurts you know!"
"Che! Kumain kanaba? Kung hindi pa magpahanda ka kay yaya. Magbihis kana din ng damit mo!" sigaw nya sa akin pero halatang concern naman.
Ayan naman ang gusto ko sakanya kahit medyo baliw at sintu sintu minsan, pagkatapos ng harutan namen ay nag aala nanay ko sya.
"Oo sige kakaen ako magbibihis lang ako." nakangiting sabe ko sakanya.
"Sya nga pala ate! Sabe ni Daddy mag aral ka daw ng mabuti." sabi nya habang inaayos yung mga nagkalat na magazines.
Oh diba sabi sa inyo eh minsan nag aala nanay ko yan kahit ganyan yan.
"Okay, thank you nay." natutuwang sabe ko at hinalikan ko sya sa pisngi at tumakbo paakyat sa hagdan.
"Hoy kadiri ka ate! germs ugh!" maarteng sabi nya na pinahid pa ang pisngi. "At anong nay? pakyu ka to the moon and back ate!"
Ganyan kame ka close ng kapatid ko kung gaano ako ka palabiro at masayahin. Siya namang kina mature at maalaga nya. Sa maniwala man kayo o maniwala kayo, magaling magbigay ng advice yang kapatid ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko, naligo na agad ako at nagbihis. Bumaba ako at kumain. Mabilis din akong natapos at agad akong bumalik sa kwarto ko.
"Hay!" buntong hininga ko.
Ang hirap kayang maging agent hahaha. Kahit dalawang missions lang yun. Tapos yung Kuya ni Shine na si Gabriel? My gosh.
Ang pogi lang nya sayang lang at mukhang pamangkin sya ni satanas dahil sobra, ay hindi pala nuknukan ng sungit.
Mga isang oras na ang nakalipas pero dilat na dilat parin ang mga mata ko. Pupuntahan ko nalang yung kapatid ko sana gising pa sya, kumatok ako.
Pero dahil hindi nya binuksan ang pinto ay ako na ang nagbukas. Nung makita ko syang nakahiga ay lumapit ako sakanya. Tulog na sya kaya hinimas ko ang buhok nya papunta sa pisngi nya. Ang ganda ng kapatid ko.
"Alam kong kahit kailan ay hindi ako naging ate sa'yo. Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita kahit baliw at madaldal ka. Nagmana ka saken eh. Tandaan mo nandito lang lage si Ate para sa'yo ah?" sabi ko sakaya kahit natutulog na sya.
Hindi ko kasi kayang sabihin pag gising sya eh. Baliw kase talaga 'yan iniisip lage akong nagbibiro kaya hindi sya naniniwala sakin.
Pagkatapos ng ginawa kong kadramahan ay hinalikan ko ang ulo nya at bumalik na sa kwarto ko at natulog dahil bukas maaga pa akong gigising.
-
If you liked this chapter, please consider giving it a vote.
Thank you for reading!
(Author's Note)
Tulad ni Shaina may ate din ako :)
Super magkasundo kame, pero promise gusto ko talaga mag karoon ng kuya! kayo? May mga ate ba kayo?
BINABASA MO ANG
Perfect Don't Exist [On-Hold]
Umorismo"I saw that you were perfect and so I loved you. Then I saw that you were not perfect and so I loved you even more." I said looking at him straight in the eyes. -