Apple of the eye
-
After our classes, Dolly and I decided to go to a coffee shop near our school.
Pero kanina pa ako salita ng salita dito pero parang wala siyang naririnig. Iniisip kong hindi niya lang ako marinig dahil marami ding tao, pero ang babae ngumingiti pa.
"Hoy, kanina kapa text ng text diyan ah? Sino ba 'yang katext mo?" I asked.
Tiningnan niya lang ako at parang kinikilig pa sya. Oh my gosh! don't tell me.
"May boyfriend kana?" tanong ko pero tiningnan niya lang ako gamit ang nagniningning niyang mata.
'Para syang adik!
"I'm asking you, do you have a boyfriend na?"
"Wala!" she replied.
"Eh ano 'yang ginagawa mo? Sinong katext mo? Gusto mong weeds para mabaliw ka? Meron ako dito, pinitas ko kanina sa garden." I joked.
"Shabu, katol, rugby, medyas at floorwax? No thanks, Shan. Because there's this guy and he's already got me going crazy."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga linyang 'yan, agad niyang tinakpan ang bibig niya at pumikit na akala mo pinipigilang sumigaw.
I arched a brow.
"Who's your apple of the eye then?"
"Si ano, si Marky hihihi."
"Oh my gosh!" bulalas ko at napatayo pa ako, napatingin tuloy sa'kin ang ibang mga customers.
"Kilala mo?" tanong ni Dolly habang pinapaupo ako.
"Hindi, sino ba 'yun?"
"Grabe, kung maka react ka enu? Isa siya sa mga basketball players natin sa school."
"Nakakatext mo siya?"
"Hindi, yung kaibigan lang niya. Tinetext ako nung friend niya kung ano ang ginagawa niya, ganito ganyan hahahaha!"
"Nakakakilig na 'yun for you? hindi naman pala siya ang katext mo."
"Whatever, palibhasa ikaw wala kang crush."
"Dolly, I don't need one. Okay na ang maganda ako. Hahaha!"
Lumabas na kame ng coffee shop, at saktong paglabas namin biglang tumili si Dolly kaya tinakpan ko yung tenga ko. Napakaingay talaga nito.
"Si ano oh. Si M."
Sino daw? Umayos ka, Dolly.
"Sino, Dolly?"
"Si M-marky!" sagot niya at umaktong parang nahihimatay. Grabe sa kaartehan ang bestfriend ko.
Tumingin ako sa lugar kung saan siya nakatingin, at dun nakita ko yung Marky na tinutukoy niya. Matangkad, syempre ayon kay Dolly basketball player daw. Artistahin ang itsura at mukhang mabait.
"Alam ba niyang crush mo siya?" I asked and she said no.
Hindi alam? kaya naman hinila ko ang braso ni Dolly, papunta dun kay Marky. Nagpupumiglas siya pero hindi ko sya binitawan, If I know pakipot lang 'to gusto nya rin naman. Nakatayo lang siya at parang may hinihintay.
"Hi, ikaw ba si Marky?" tanong ko nang makalapit kami.
"Yes." he smiled.
"Ah. you see my friend here, crush ka kasi niya." pagbubuking ko kay Dolly, pinandilatan naman niya ako ng mata. Pakipot ka pa eh!
"Really? Hello, I'm Marky." sabay lahad ng kamay, si Dolly parang unggoy na nakawala at nagtitimpi lang dahil halatang kinikilig siya.
"H-hello, my name is D-dolly Sevani. Ang pogi mo talaga."
"Thank you, what year are you now?"
"First year hehe. Ano ah, pakapalan na ng mukha, can I get your number?" sabi ni Dolly sabay yuko.
"S-sure." said Marky. Iniabot ni Dolly ang phone nya kay Marky at inilagay naman nya ang number niya.
"Thank you."
"You're welcome, by the way I need to go. Nice to meet you." ani Marky sabay alis.
Tumingin ako sa kaibigan ko at ang babae, nakatulala lang. Niyugyog ko siya dahilan para mabalik siya sa ulirat.
"Oh my gosh! did you see that Shan, ang bait niya talaga! I'm so kinikilig."
"Oo nakita ko malamang, tss! thanks to me!"
"At dahil diyan may libre kang--"
"New shoes?"
"Hug galing saken! Hahaha."
Pagkatapos ay naisipan na naming umuwi. Hindi na'ko sumabay kay Dolly, at pinauna ko na siya. Dahil feel ko rin naman ang maglakad ngayon. Minsan lang naman 'to kaya go lang ng go.
Tiningnan ko ang wrist watch ko, seven o'clock na pala. I need to hurry, maraming masasamang loob ang sumasalakay kapag gabi. And speaking of masasamang loob, I can feel that someone is following me.
Medyo natatakot na'ko at nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko. Wala akong nadadaanang sasakyan, kapag kasi meron ay may chance akong makita kung may sumusunod nga ba sa akin gamit ang salamin.
"Holdap 'to miss, wag kang gagalaw."
Bigla nalang may humawak sa leeg ko at sinabi ang mga katagang 'yan. Alam kong holdaper siya dahil promise halata sakaniya.
"Wag niyo po akong sasaktan." pagmamakaawa ko kahit wala pa siyang ginagawa.
Shit lang talaga. Akala ko sa mga movies lang 'to nangyayari. I need help. Naramdaman kong may itinusok siya sa tagiliran ko kaya napa aray ako. Ang sakit. Parang kutsilyo.
"I said don't hurt me! I'll give you everything I have right now. Just.. just don't hurt me." umiiyak na sabi ko.
Una niyang hinablot sa'kin ang bag ko kaya ibinigay ko. Akmang kukunin nya narin sana ang bracelet ko kaso pumalag ako. My sister gave me this! Kung kanina sinabi kong I'll give him everything, binabawi ko'na.
Tinulak ko siya pero dahil nga holdaper siya ay hinila niya ako pabalik at sinasaksak. I can feel super duper pain right now.
Bumagsak ako at doon ininda ang sakit. Pesteng holdaper 'to. Sana manlang 'wag niya akong patayin.
"T-tulong." mahinang sabi ko, gusto kong isigaw 'yan but I can't.
Medyo malabo na ang paningin ko at blur na lahat. Syempre malabo nga. Naaaninag ko na may dumating at sinuntok 'yung holdaper. Isa pang mga peste 'to.
Akala ko sa movies lang din dadating ang mga tagapagligtas kung kailan, mamatay matay na ang bida. Dito rin pala sa buhay ko.
"Shit! Shantina, don't worry okay? I'll get you to the hospital."
Isang pamilyar na tinig ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
-
If you liked this chapter, please consider giving it a vote.
Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Perfect Don't Exist [On-Hold]
Humor"I saw that you were perfect and so I loved you. Then I saw that you were not perfect and so I loved you even more." I said looking at him straight in the eyes. -