Funny day
-
SHANTINA'S POV
Today is the second day. Syempre maaga na naman akong gumising. Bumangon agad ako sa kama ko at ginawa ang aking morning routines.
Bumaba na ako at sumabay sa pagkain. Ang saya lang kumpleto kaming kumain. I'm so happy, pagkatapos ay nagpaalam na kami kay Mommy at Daddy.
Habang nasa daan kami biglang huminto ang kotse.
"Kuya Jun anung nangyare?" tanong ko.
"Eh mukha pong nasiraan, malayo pa naman ang pagawaan dito." sagot niya.
"What? Bakit ngayon pa? Ilang minutes na lang oh." sabi ko sabay tingin sa relo ko.
Bumaba ng kotse si Kuya Jun kaya bumaba rin ako. Binuksan niya yung harap ng kotse at tiningnan ko naman.
"Mukha naman pong okay ah?"
"Mukhang okay lang ma'am, pero hindi po. Tulad sa pag-ibig--"
"Okay sige po."
Ang daming alam ni Kuya Jun, grabe anong kinalaman ng makina sa pag-ibig?
Kunot noong pinagmasdan ko nalang yung makina ng sasakyan. Peste ka, sarap mong kotongan. Medyo mainit narin kaya naman nagsisimula na akong pagpawisan.
*Beep*
*Beep*
Bigla namang may bumusina kaya tiningnan ko kung saan galing 'yun.
Sa lahat ng pwedeng dumating para tumulong samin baket 'yung mayabang pa? Baket?
"Good morning ate Shantina, sabay na po kayo sa amin." masayang bati ni Shine.
"Okay lang ba 'yun?" tanong ko sakanya.
"Opo naman, are you with someone pa po ba?"
"Oo eh, 'yung kapatid ko." sabi ko at bumaba naman ng kotse agad ang kapatid ko.
"Hello, sasakay na ako ah?" ani Shaina at sumakay na nga, hindi manlang hinintay na sumagot si Shine.
Hindi muna ako sumakay at humarap muna ulet ako sa driver namin. Sinabi kong tumawag siya ng pwedeng gagawa at iuwi na lang ang kotse sa bahay.
Pagkatapos kong makipag usap ay binuksan ko na ang pinto ng kotse at umupo sa tabi ni bakla.
"Thank you at sorry sa abala." sabi ko pero hindi naman siya umimik.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harap na kame ng school na pinapasukan ni Shaina. Magka school mate pala sila ni Shine.
Nagtuloy sa pagmamaneho si Gabriel at ako naman ay sinimulan kong mag retouch dahil pinawisan ako kanina. Naglalagay na ako ng lipstick ng biglang ipreno ng malakas ni Gabriel ang kotse niya at nagkalat ang lipstick sa mukha ko.
"Why did you freakin do that?" inis na tanong ko.
"I didn't do anything, can't you see? traffic kaya." kalmadong sabi niya, engot magdahilan talaga ng mga lalaki nakakainis.
Traffic? Eh halos kotse niya lang ang dumadaan sa way na dinaan namin. Bistado kang bakla ka, agad ko namang itinaas ang kaliwang kilay ko.
"Bwisit ka!" sabi ko nalang.
Kumuha naman ako ng tissue sa bag ko at agad na pinunas ang lipstick na nagkalat sa mukha ko.
Nang makarating kami sa school ay pinark niya agad ang magarang kotse niya. Bumaba naman agad ako at nilakasan ang pagsara ng pintuan ng kotse niya.
*Blaaaag!*
"May balak ka bang sirain ang pintuan ng kotse ko?" sabi niya ng naka kunot ang noo.
"Actually wala, baket ipapasira mo ba kotse mo? Go ako diyan." sabi ko pero hindi na niya ako pinansin.
Nauna na siyang naglakad at iniwan ako. Magkaiba ang daan namin kaya nagpapasalamat ako hahahaha.
Ligtas naman akong nakarating sa room namin. Hindi ako na late kaya masaya ako dun. Nagsimulang magturo ang prof. namin at nakinig nalang ako.
Ilang oras ang lumipas at uwian na namin.
"Dolly, wanna go somewhere?" tanong ko.
"Sure, tara sa mall."
At nagpunta nga kami sa mall gamit ang kotse niya. Una naming pinuntahan ang sikat na brand ng mga damit at bumili kami.
Pagkatapos ay pumunta kami sa food court. Nakakasawa kasi yung mga pagkain sa mga mamahaling restaurants.
"Dolly, nakailang boyfriend kana?" tanong ko.
"No boyfriend since birth ang peg ko, you?"
"Isa palang." nakangiting sagot ko.
"Really? and who is he?"
"Si Zac Efron. Hahahahahaha!" biro ko.
"Naging boyfriend mo yun? Utusan ko lang sa bahay namin si Zac eh." sabi niya naman. Akalain mong pinatulan pa ang biro ko?
"Ganun? Eh kilala mo ba si Lee Min Ho?" tanong ko ulet.
"Oo crush ko yun eh." sagot niya.
"Crush mo yun? Hahahaha. Taga hugas lang namin ng pinggan sa bahay yun eh." biro ko ulet sabay tawa.
"Ito ito, kilala mo ba si Mariah Carey? si Dolly.
"Oo naman, ang galing galing na singer nun eh."
"Magaling na singer nga kaso, taga linis lang ng kuko ko yun eh hahahahaha!"
Nagbiruan pa kaming dalawa sabay tawa ng malakas. Mga baliw lang.
"Wait! Shan, look nakikita mo ba yung babaeng yun? yung naka dress na color pink?" tanong sa akin ni Dolly at itinuro yung babae. Nakita ko naman kaya tumango ako.
"She's a bitch. Actually dati kaming magkaibigan, but then nalaman kong sinisiraan niya pala ako." sabi niya.
"How?"
"I have a really handsome suitor way back in highschool. Eh kaso type niya, kaya siniraan ako sa manliligaw ko. I was about to answer Louie, my suitor pero kung anu ano ang sinabi niya sa akin." kwento niya.
Tiningnan ko naman ulet yung babae at palapit siya sa pwesto namin.
"Ano resbakan natin?" taas kilay na tanong ko.
"Kadiri ang word na ginamit mo Shan, hahaha! sige para naman sumaya ako." sang ayon niya at lumapit kaming dalawa dun sa babae. Napansin niya ata kami kaya naman..
"Oh, hello Dolly. Remember me?" maarteng tanong niya kay Dolly.
"Of course.. hindi sino ka nga ba ulet?" sabi naman ni Dolly.
"Hahahaha! ano ka ba naman, I'm Roxanne friend mo nung highschool."
"Ay ganun ba? Sorry hindi kita nakilala. Nag evolve ka kasi." sabi naman ni Dolly sakanya.
"Really? Nag evolve ako, it means lalo akong gumanda?" ani Roxanne at ngumiti ng malawak.
"No, dati kasi mukha kang hipon ngayon sugpo na."
"What?" gulat na tanong ni Roxanne.
"What? Eh kung what-whatin kaya kita?" si Dolly.
Gustong kong humalakhak sa pagtataray na ginagawa ni Dolly kay Roxanne hahahaha. Mukha siyang matanda sa sobrang kunot ng noo niya kaya 'yun nag walk out siya.
"You're so mean, Dolly."
"Tama lang sakanya 'yun. She deserve it, anyway. Let's go na Shan?"
"Ah where?"
"Uuwi na tayo ano kaba!"
-
If you liked this chapter, please consider giving it a vote.
Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Perfect Don't Exist [On-Hold]
فكاهة"I saw that you were perfect and so I loved you. Then I saw that you were not perfect and so I loved you even more." I said looking at him straight in the eyes. -