Chapter 4 First day

113 11 12
                                    

First day

-

Isang linggo ang dumaan at isa lang ang ibig sabihin niyan.

"First day." sabi ko at humarap agad sa malaking salamin na nasa kwarto ko. "Good morning, Dyosa!" nakangiting bati ko sa sarili ko.

Maaga talaga akong gumising dahil ayaw kong malate. Syempre first day of being a college student ko na ngayon. Hahaha shet, ang sarap pakinggan na college na ako.

Bumangon na ako sa kama ko at agad na pumunta sa banyo para maligo.

"We are never ever getting back together, you go talk to your friends talk.. to my friends talk to me. But we, are never ever ever getting back together."

"I'm really gonna miss you picking fights, and me falling for screaming that I'm right. And you, will hide away and find your piece of mind, with some indi records that's much cooler than mine."

Dahil maganda naman ang boses ko walang biruan. Lagi akong kumakanta, nag coconcert rather sa banyo. Hindi niyo naman tinatanong pero idol ko si Taylor Swift.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako syempre, alangan mag stay pako sa loob ng banyo? Hahaha charot lang.

Ayun nga lumabas na ako at dumiretso sa aking walk in closet. Kinuha ko yung floral dress ko na hanggang tuhod. Kinuha ko din yung favorite wedge ko. Oo hindi ako katangkarang babae, oo na. Mamaya pa kase ibibigay ang mga uniforms namin kaya naman naka sibilyan lang ang mga new students like me.

Naglagay din ako ng light make up syempre kailangan fresh ako.

Kinuha ko na din ang sling bag ko at bumaba na.

Umupo agad ako at kasabay kong kumain ang aking oh-so-daldal na kapatid.

"Hello sister, ingat ka sa school ah. Panigurado ang daming mga babaeng maarte dun tsk! At syempre may mga gwapings din dun kyaaahh." sigaw nya na kinikilig pa.

"I know right." pag sang-ayon ko sakanya "Excited na nga ako eh pero syempre aral naman ang ipinunta ko doon at hindi ang mga boys nu." dagdag ko pa.

"Buti alam mo."

Nagdaldalan lang kame at sabay din kameng natapos wala si Daddy, nasa trabaho na kaya naman hindi namin sya kasabay kumain.

Nagpunta na kaming dalawa sa kotse at syempre may driver. Fourth year palang si Shaina Mae ang kapatid ko kaya naman mas unang nadaanan ang school nya.

"Bye sister love you. Mag aral kang mabuti ah!" bumaba na sya ng sasakyan at hinalikan ang pisngi ko. Ang sweet, nakakadiri hahaha!

"Oo ikaw din ah, wag puro landi." I repliee

Umalis narin kame at nag patuloy sa pag byahe. Pagdating ng kotse namin sa harap ng school hindi muna ako bumaba. Nag inhale exhale muna ako.

"Ms. Shantina okay lang po ba kayo? May hika po ba kayo?"  our driver, Kuya Jun suddenly asked.

Lumingon ako sakanya, gusto ko naman matawa dahil sa sinabi niya.

"Ah wala po kinakabahan lang ako Kuya Jun. I can do this."

"Iha, hindi naman sa giyera ang pupuntahan mo eskwelahan 'yan kaya wag ka ng kabahan diyan. Hala sige na pumasok kana at baka malate ka." malumanay na sabi ni Kuya Jun.

'Oo nga naman Shantina, eskwelahan 'yan.

"Hehehe.. sabi ko nga kuya eh papasok na ako."

Paglabas ko umalis na rin ang sasakyan namin. Ngumiti muna ako habang papasok.

Perfect Don't Exist [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon