Di ko mawari ang pagiisip
Bakit ikaw pa rin ang ninanais
Sa tuwing nakikita, anong saya ang nadarama ko
Ilang beses mo ng sinaktan
Pero andito pa rin umaasa sa wala
Sabi mo, ako lang pero tila may kahati
Naguguluhan na ako sa nangyayari
Kung maaari lang malaman ng buo
Nang sa gayon di ako nagkakaganito
Mahirap lumaban sa isang tao
Na ilang beses ka ng sinaktan
Bumalik siya, nangiwan
At babalik ulit, ganito na lang ba.?
Isang tanong na nais ng kasagutan
Hanggang kailan pa ba ito?
O baka naman hanggang dito na lang?
Hindi na ako lalaban pa kahit kailan
Ang puso ko ay wala ng buhay
Wala ng lakas para ipaglaban
Ang isang laban na sa simula pa lang talo na
Ititigil ko na ang kahibangan na ito
Ilang taon akong nagpabihag
Ngayon kakawala na sa pagkakatali
Lilisan at walang iiwanang bakas
Hindi na ako babalik sa nakaraan
Tama na siguro ang minsang paglaban
Hayaan ng isuko na ito
Hayaang matalo sa labanan na walang panalo
Masakit at mahirap gawin ngunit kailangang gawin
Dati ko pa ito ginagawa pero ngayon ibang sakit ang nadarama
Isang sakit na nagpagising sa buong pagkatao ko
Tama na ! Tigil na !
Wala rin akong mapapala

BINABASA MO ANG
TULA
ŞiirIdedescribe ko pa ba?. Sasabihin ko pa ba na nasasaktan na ako.? ~>> Gagawa na lang ako ng TULA para SAYO. 💘💞 enjoy reading🙌