PANGALAWA

30.5K 517 18
                                    

Rica's POV

"PIPIKUTIN mo si Wayne." Pahayag ni Paris.

Laglag ang panga namin ni Grace dahil sa sinabi nito.

"Hano? Nabubuang ka na ba?" Hindi makapaniwalang bulaslas ng pinsan ko.

"Nakashabo ka ba ha? France?" Naiinis na sabi ko. Anong pinagsasasabi ng baklang to? Imbes na makatulong ay pinagtitripan pa ako. Lukaret talaga!

"Ang slow nyo talagang mga bruha kayo. Sa tingin nyo? Magjojoke pa ba ako na 50-50 na ang situation nyang heart mo ha?  Rica? Mga shonga!" Inis din na sabi ni Paris sabay irap.

"Mag-isip ka nga bakla ka? Pipikutin ko si Wayne? Papaano ko naman gagawin yun?" Taas na ang boses na tanong ko sa kanya.

"Easy!!" He answered. Pinitik nya pa ang mga daliri sa hangin.

Umarko ang isang kilay ko.
"Papaano nga?"

Ngumiti ng pagkapilya-pilya si Paris.
"With a little help of beer." Sagot nya na nagpabagabag sa buong pagkatao ko.

Zane's POV

DAYS pass by so fast and tomorrow will be the beginning of the photo shoot. Ngayon palang ay isa-isa na kameng dumating sa resort kung saan iseset ang photo shoot. Para makapagpahinga pa kame at makapaghanda para bukas. Kasama ko ang team ng client, pero hindi nila alam na hindi ako si Wayne, si Mr. Rosales na mismong client lang kasi ang nakausap namin ni Wayne kaya hindi alam ng staff na ako ang kapalit ni Wayne. Pero may isang tanong sa isip ko.

Alam kaya ni Rica na ako ang makakasama nya at hindi si Wayne?

Naglabas ako ng malalim na buntong hininga. Alam ko mula pa noon na may nararamdaman si Rica para kay Wayne. Alam kong alam din yun ni Wayne pero sadyang kapatid lang ang tingin niya para kay Rica. Kaya din siguro hindi binanggit ni Wayne kay Rica na kahit kelan ay hindi nya kayang gantihan ang pagmamahal nito para sa kanya dahil ayaw nyang saktan si Rica at masira ang pinagsamahan nila sa loob ng mahabang panahon.

Sinubukan ko din na magpapansin kay Rica pero ako na mismo ang nag-uutos sa sarili ko na lumayo dahil ayokong masira ko ang buhay at pagkatao niya. Hindi ang tulad ko ang nababagay na lalaki sa kanya. She deserve someone that could love her more than i can and never hurt her. Di tulad ko na past time lang ang pananaw sa usapang pag-ibig.

Muli akong napabuntong hininga.
What a pathetic life Zane. Sigaw ng isip ko.

Rica's POV

HAPON na ng dumating kame nina Grace at France dito sa resort. Habang bumabyahe ay nagpaplano na kame kung ano ang gagawin at sasabihin ko kapag nakaharap ko na si Wayne at sa totoo lang, kinakabahan ako.

Kinakabahan ako dahil unang-una, hindi ko pa nagagawa ang makipagtalik, this will be my first time at hindi ko alam kong kaya ko bang gawin ito sa kanya. Napaka selfish ko kung itutuloy ko to dahil sarili ko lang ang iniisip ko. Pero sa isang banda, ito nalang ang natitirang pag-asa ko.
Kaya ko bang itaya ang puri at dignidad ko para lang makuha ang pag-ibig ni Wayne? Kaya ko bang lunukin ang pride at hiya ko para sa kanya. At tama ba itong gagawin ko? Kung ano man ang maging resulta ay bahala na si Batman.

Zane's POV

I WAS standing in front of the window habang nakatingin sa mga bagong dating sa resort.
Then I saw her, and she doesn't change. Ganoon parin ang epekto nya sa buong sistema ko. Even though hindi nya ako nakita, pakiramdam ko tinititigan nya ako. God! How could this woman turn me on ng walang ginagawang kahit ano? She's a drug to me na para bang gusto kong lunurin ang sarili ko kahit sa presensya nya lang until i reach ecstasy.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon