LABIN-WALO

20K 350 11
                                    

Zane's POV

TAHIMIK kaming kumakain ng hapunan sa kusina ng condo unit ko. Sa condo kami dumiretso ng umalis kami sa Mansion. Hindi na kami nakapaghapunan sa Mansion kanina dahil sa dami ng nangyari kaya dumaan nalang kami sa isang drive thru para bumili ng makakain.

"Malaki pala itong bahay mo, lalaking-lalaki ang design at kulay." Basag niya sa katahimikan. I smile at her at hinawakan ang isang kamay niya. I know, gusto lang niyang pagaanin ang loob ko. Pinisil ko ang kamay niya.

"Pagkasal na tayo, payag ka ba na dito tumira?" Maya-maya ay tanong ko. Lumiwanag ang mukha niya.

"Oo naman!" Galak na sagot niya  "Pero paano ang apartment ko?" Balik tanong niya ng maalala ang apartment. Nag-isip muna ako.

"Pwede namang paupahan mo nalang din yun para madagdagan ang kita mo, mapapakinabangan mo din." suhistyon ko.

"Sabagay pwede rin, pero gusto ko sanang may magbantay sa apartment para masigurong okay ang lagay ng mga nangungupahan doon." Aniya.

"Pwede naman tayong maghire ng security kung gusto mo babe."

"Hmm, pwede rin. Tama! Yan nalang siguro, pero, san ako kukuha ng security? May kilala ka ba?" Tanong niya.

"May kaibigan akong nagmamay-ari ng security agency. Pwede tayong magpatulong sa kanya." Sagot ko. Lumiwanag ang mukha niya at yumakap sa akin.

"Salamat Zane!" She stated. Kahit na gulong-gulo ang isip ko, makita ko lang ang ngiti niya, alam kong magiging okay ang lahat. Pinisil ko ang dulo ng ilong niya at tumitig sa mga mata niya.

"Thanks to you, babe. Buti nalang nandito ka. Nakakaya ko at kakayanin ko ang lahat for you and our baby." i sincerely said. Her eyes become teary at gulat ako ng tawirin niya ang pagitan ng mga labi namin. She kissed me with full of emotions. Rinig ko ang pigil ng hikbi niya sa pagitan ng mga halik namin. I don't want her to feel this emotions right now, makakasama ito sa pagbubuntis niya pero hindi ko sya masisisi dahil maging ako ay apektado. Ganoon paman, i won't let her feel this difficulty. Gagawin ko ang lahat para mawala sa isip niya ang problema.

Then, we made love that night like there is no tomorrow.

KINABUKASAN, nagising ako ng maramdaman ang pabalikwas na bangon ni Rica. Patakbo niyang tinungo ang banyo. I chuckled seeing her fully naked habang tinatakbo ang banyo. Bumangon ako at sumunod sa kanya. Kinuha ko ang bath robe at ipinasoot sa kanya. Todo suka siya sa harap ng lababo. Hinagod ko ang likud niya, buntis nga talaga ang babaeng pakakasalan ko. Napangiti ako.

"Nakangiti ka pa habang ako rito, parang mamamatay na!" Palatak niya at inirapan ako sa harap ng salamin. I hugged her thin waist and smell her hair. Napapikit ako habang inaamoy-amoy ang mabango niyang buhok.

"Masaya ako kasi totoo nga na buntis ka." i stated. Hindi siya sumagot.

"Babe, i think you need to see a Doctor. Para mapacheck din natin si baby." Saad ko habang hinahaplos ang tyan niya. Flat pa rin ito pero alam kong nasa loob nito ang munting bata na tatawag sa akin ng Daddy. Muli akong napangiti. Iba ang saya na binibigay sa akin ng isiping magiging Ama ako, na ilang buwan lang ay may kakargahin na ako't pagtitimplahan ng gatas, paliliguan at patutulogin. God! I can't wait it to happen.

"Si Pat nga ang nagsabi noong nakaraang araw na baka buntis ako." Sagot niya at humarap sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko.
"Pat? Sino sya? Lalaki?"

Natawa siya.
"Hoy babae yun, Patricia is the name. She's my bff and she's a Doctor, nakita mo na sya, kasama ko lagi yun noong college. Sa kanya nga ako nagpacheck-up kasi nagtataka ako kung bakit ako nahihilo at nagsusuka. Akala ko over fatigue lang ako kasi madalas akong napupuyat kapag andyan ka. Over night kasi ang gusto mo!" Makahulugan ang tono niya sa huling sinabi.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon