ANIM

28.3K 461 22
                                    

Rica's POV

"Aahhh!! Dahan-dahan!!" Ungol ko ng mapindot ni Zane ang ugat ng kumikirot kong paa. Bigla akong natahimik dahil sa tugtugin na kinakanta ng pinsan ko sa video k ng cottage kung saan nagtipon-tipon ang lahat ng staff.

"Oops! Teka lang, wag muna dyan. Oops! Teka lang, hinay-hinay lang. Wag mong piliting ipasok sa damdamin ko ang init ng iyong pagmamahal." Rinig kong maharot na kumakanta ang pinsan ko di kalayuan sa bench na inuupoan ko. Ang init ng pisngi ko kaya alam kong namumula na ako. Pesteng pinsan 'to!! Sa lahat-lahat ng kinanta, yung kay Ara Mina pa!! At ang galing ng timing.

He chuckled kaya napatingin ako sa kanya.
"What's funny?" Pinataray ko talaga ang boses ko. Pero lalong lumakas ang tawa niya.

"Zane!!" Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Okay--okay!! I'm sorry." Aniya sabay taas ang kamay simbolo ng pagsuko. "Namumula ka kasi. Just wondering kung anong dahilan." Makahulugang saad niya. Naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi ni Zane.
Inirapan ko siya ng matindi.

"Buti nalang hindi nakakamatay ang irap ano?" Pang-aasar niya.

Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin.
"Kung bu-bwesitin mo lang ako, wag ka nalang magsalita." Mataray kong saad.

He grind wickedly.
"Bakit ba napakasuplada mo? Last time na magkasama tayo halos sambahin mo ako habang dinadala kita sa alapaap."

Bigla ang pag-init ng buo kong katawan. Pakiramdam ko ay isa akong bombang sasabog na dahil sa kahihiyan at sa inis. Pasalamat lang talaga ang lalaking 'to na masakit ang paa ko, dahil kung hindi ay nasipa ko na talaga siya. Pinili kong tumahimik nalang at wag siyang kausapin para hindi na humaba ang pag-uusap o sa tamang sabi ay pang-aasar niya sa akin.

Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to. Ang sarap niyang sakalin hanggang mamatay. Marahas akong bumuga ng hangin para mawala ang inis na nararamdaman ko. I have to calm myself and stay on the unaffected zone. Tama, dapat kong alalahanin lagi na unaffected ako sa presensya o sa kahit na anong gagawin niya.

Right!! Pasya ng isipan ko.

Zane's POV

ILANG BEER na din ang naubos ko dahil panay ang bigay ni Grace sa akin ng beer. Alam kong nasa akin ang boto ni pinsan ni Rica, pati din si Paris na kaibigan nila ay butante ko din dahil talagang pinagtabi nila kame ng upo ni Rica. Katabi ko sa couch si Rica, sa kaliwa ko naman ay si Grace at sa kanan ni Rica ay nakaupo si Paris. Nakaharap kame ngayon sa video k habang nagkakantahan. Si Grace parin ang kumakanta, mula pa kaninang 7pm hanggang ngayon na mag-aalas onse na ng gabi. Napangiti nalang ako dahil sa pagkaaddict sa kantahan ng magiging cousin in law ko. Hihihi😁

"Anong ibig sabihin ng ngiting yan?" Mahina pero rinig ko na sabi ni Rica. Nilingon ko siya, hindi siya nakatingin sa akin, nakatutok siya sa monitor ng video k pero bakit nya alam na nakangiti ako? Lalo akong napangiti. Sinusulyapan nya din pala ako ng palihim. Pahard to get talaga ang babaeng 'to.

Inakbayan ko sya at inilapit ko ang labi ko sa bandang tenga nya para ibulong ang rason kong bakit ako natawa. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Natawa lang ako sa pinsan mo. Video k Queen pala 'to." Natatawang bulong ko. She smile at humarap sa akin at pariho naming hindi inasahan ang paglapat ng mga labi namin. Namilog ang mga mata niya at bigla siyang napaatras. Maging ako ay nagulat din sa nangyari but that wasn't my plan. Hindi ko sinadya iyon at siya naman ang gumawa ng moves para magkahalikan kame.

"Woah!! Intense!!" Tili ni Paris habang pumapalakpak na nakatingin sa amin. Then i figure out na lahat pala ng staff ay nakita ang nangyari. I look at her and bull's eye, pulang-pula sya. Pati yata buhok niya ay nagkulay red dahil sa pagbablush niya.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon