Rica's POV
Nagmulat ako at puro kulay puti ang sumalubong sa akin. I thought nasa langit na ako at payapa na ang lahat.
"Girl!! Mabuti naman at awake ka na!!" Bulaslas ni France. Tinitigan ko ang mukha niya.
"Nasan tayo? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko, babangon sana ako pero pinigilan niya ako.
"Magpahinga ka nga muna babae ka! Jusko! Bigla-bigla ka nahihimatay, sa Mall pa talaga! Jusmiyo!!" Talak niya. Muli akong napahiga.
Tama! Nasa Mall nga pala ako kanina, sa children's wear ako't tumitingin-tingin ng mga gamit pambata. At nakita ko siya. Muli kong naramdaman ang sakit. Parang libo-libong kutsilyo ang tinatarak sa dibdib ko hanggang sa tuluyan akong bawian ng buhay dahil ang hirap huminga. Muling binasa ng mga luha ko ang magkabilang pisngi.
"Grace?! Jusko! Nasan ka na ba? Nauna pa ako sayo, babae ka!! Okay! Oo, gising na sya. Bilisan mo nga!! Hay naku!! Okay, sige na!! Bye!" Binaba ni France ang tawag. Muli siyang umupo sa gilid ko. Maya-maya pa ay dumating na si Grace.
"Ahv!! Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Puno ng pag-aalala ang mga titig niya sa akin. Agad akong napahagolhol ng iyak at napayakap sa kanya.
"May problema ka ba? Sabihin mo sa amin." Malumanay na sambit niya habang hinahagod ang likud ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak.Gulong-gulo ang isip ko. Sasabihin ko ba sa kanila na buntis ako't si Zane ang Ama? Sasabihin ko ba na nakita ko si Zane kanina sa Mall na may kasamang ibang babae at ang masaklap, buntis pa ito. At alam kong wala akong laban sa babaeng yun dahil mas nauna siyang nabuntis sa akin, sigurado akong siya ang pipiliin ni Zane. Pakiramdam ko, isa akong kabit at natuklasang may original pala ang lalaking naghahanap lang ng ibang flavor. At kaya siguro nagkunwari itong mawawala ng tatlong araw dahil yun na ang simula ng pamamaalam niya sa akin. Paano niya nagawa sa akin ang bagay na'to? Ang hayaan akong mahulog ng husto at umiibig sa kanya tapos sa huli ay iiwan lang din pala.
Ang sama mo Zane! Ang sam-sama mo!! Sigaw ng durog-durog kong puso.
Zane's POV
NAGTATAKA ako kung bakit walang tao ang apartment ni Rica. Sabi ni Aleng Sandy, isa sa nangungupahan sa Apartment, bandang alas otso pa ng umaga umalis si Rica, nagpaalam daw na maggo-grocery. Pero mag-aalas dos na ay wala parin sya. Kanina ko pa din tinatawagan ang cellphone niya pero nakapatay naman. Nag-aalala na ako kung nasaan na sya. Gusto ko syang puntahan sa grocery store pero hindi ko naman alam kung saang grocery store siya nagpunta, isa pa, maraming grocery store sa city kaya aabutin ako ng siyam-siyam sa paghahanap sa kanya.
Babe! Nasan ka na ba? Bakit patay ang telepono mo? Bulaslas ng utak ko habang panay sa pagredial ng number niya. Maya-maya ay bigla kong naalala na tawagan si Grace. Baka kasama niya ang pinsan ngayon. Yes, tatawagan ko siya. I dialed her number. Nag-ring!
"Grace, pick it up, please!!" Bulong ko habang hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya.
"Hello!" Maya-maya ay sagot nito sa kabilang linya.
"Grace! Thank God you answered! Alam mo ba kung nasaan si Rica?" I asked and hoped na sana ay kasama niya si Rica ngayon. Ilang segundong hindi nakasagot si Grace.
"Grace? You still there?""Yes, she's with me Zane, at nasa hospital kami ngayon." Anito.
Biglang nagmagnet ang kilay ko.
"Hospital? Why? May nangyari ba sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ko. I heard her released a deep sigh."No, wala naman. Pauwe na din kami, if you want to talk to her, pumunta ka nalang sa apartment niya, doon mo nalang kami hintayin."
"Yes, nandito na nga ako kanina pa. I'll wait here."
![](https://img.wattpad.com/cover/96763166-288-k42528.jpg)
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETED
Roman d'amourRica Evans, isang simpleng babae na lihim na nagmamahal sa bestfriend niyang si Wayne Gutierrez. Mula pa noong highschool sila ay may pagtingin na siya sa lalaki. Lage siyang nasa tabi ng binata sa lahat ng oras. Sa Junior and Senior's Night ay si W...