Zane's POV
I EXPECT a grateful morning dahil solve na lahat ng problema ko. I talked to Charles last night and i almost killed him dahil sa pagmumura niya at walang pakialam sa kalagayan ni Amara. But in the end, he choose to asked Amara's hand and marry her. Masaya si Amara at masaya na din ako para sa kanila. And she promised me na siya na ang magpapaalam ng totoo sa mga magulang niya. She apologize dahil sa lahat ng gulong naidulot niya, wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin ang paghingi niya ng tawad. Kaya ng umuwe ako kagabi, i thought makakatulog ako ng maayos and at peace, pero mali ako. Buong gabi akong nangulila sa kanya.
I even woke up this morning with emptiness. Ang tahimik ng bahay, ang luwag ng kama, puno ng lungkot ang puso ko.
Rica.. I missed you like hell. Nasaan ka? Sigaw bg puso ko habang nakatanaw sa kawalan.
Marahas akong napabuga ng hangin.Rica's POV
TANAW ko si Zane mula sa bintana ng hotel na tinutuluya ko. Katapat ng ito ng condo niya, at pinili ko ang mismong kaharap ng unit niya para kahit papaano ay makita ko siya. Kahit palihim.
Pinalabas namin na nangibang bansa ako para hindi na niya ako hanapin, yun talaga sana ang gagawin ko pero noong nasa airport na ako ay hindi ko magawang humakbang patungo sa eroplano, hindi ko kayang iwanan siya. Kaya kahit sa pagtanaw nalang sa kanya mula sa malayo, kahit ito nalang ay sapat na sa akin. Masiguro ko lang na maging maayos parin ang buhay niya. Ayokong makulong siya o di kaya ay madawit sa kahihiyan ng dahil sa akin. Titiisin ko ang pangungulila masiguro lang ang kabutihan niya. Siguro ganito nga ang tunay na nagmamahal, kahit nagmumukha kang tanga, nagmumukha kang kawawa, okay lang, basta para sa taong mahal mo.
Nangilid ang mga luha sa mga mata ko. Hinawakan ko ang maliit na umbok sa puson ko.
"Baby, yun ang Daddy mo oh, ang gwapo nya no? Kahit sa malayo." Naluluhang saad ko sa sarili ko na para bang naririnig ako ng munting supling sa loob ng tyan ko.
"I'm sorry Anak, for making this hard for you, gusto lang ni Mommy na maging maayos si Daddy mo kaya hindi nya tayo pwedeng makasama." Naglandas ang mga luha ko sa pisngi ko. Napahikbi ako. Ang hirap parin magpigil ng emosyon, lalo na kung maiisip ko ang magiging anak namin. Paano kung hanapin niya si Zane? At kung maging handa na ako na ipakilala siya kay Zane, paano kung may sarili na itong pamilya? Si Zane, si Amara at ang pinagbubuntis nito.Nayakap ko ang sarili na parang niyayakap ang bata sa loob ng tyan ko. Napahagolhol ako, naaawa ako sa anak ko. Ayokong lumaki siyang walang Ama. Hindi ang ganitong sitwasyon ang nais ko para sa kanya. Alam kong walang sino mang anak na nangarap ng broken family. Hindi na matatawag na pamilya kung watak-watak kayo dahil ang totoong pamilya, sa saya man o sa hirap ay mananatiling matatag.
"I'm so sorry baby, hindi din alam ni Mommy ang gagawin para sa ating dalawa." Napipiyok na saad ko.
"I love your Dad so much kaya ko nagawang lumayo sa kanya. Mahal na mahal din kita anak kaya kahit anong mangyari, sisiguradohin ko na magiging malusog ka, ikaw ang kayaman na iiwan sa akin ng Daddy mo kaya kahit kapalit man ng lahat, itataguyod kita. Kahit mag-isa." I said and touched my womb.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETED
RomansaRica Evans, isang simpleng babae na lihim na nagmamahal sa bestfriend niyang si Wayne Gutierrez. Mula pa noong highschool sila ay may pagtingin na siya sa lalaki. Lage siyang nasa tabi ng binata sa lahat ng oras. Sa Junior and Senior's Night ay si W...