SIYAM

23.7K 439 4
                                    

Happy 1k mga kaMBB 😊
Maraming thank you sa pagsubaybay nyo, kaya ito ang paburger kong update🍔🍔

Happy 1k mga kaMBB 😊Maraming thank you sa pagsubaybay nyo, kaya ito ang paburger kong update🍔🍔

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ay hindi pala to burger, pandesal pala 😍😍😋
Hope you enjoy kahit puro tsismisan lang 'to.😂😂

—————————————————

Rica's POV

NAPATILI ako ng may biglang sumulpot sa harap ng pintoan ng kwarto ko.

"Over te? Ano ako, chaka para makasigaw ka ng ganyan?" Reklamo ni Paris. Palabas ako ng kwarto dahil magluluto ng agahan sa kusina ng sumulpot ang bruha.

"Bakit kasi pasulpot-sulpot ka lang, nakakagulat ka! Kung may sakit ako sa puso baka mamatay ako dahil sayo." Bulyaw ko kay Paris.

"Grabe sya, ginawa mo pa akong killer. Hay nako! halika na nga at may chika ako sayo." Sabi nito sabay hila sa akin papunta sa sala.

Umupo kame sa sofa dahil parang dibdiban ang chismis na nasagap ni Paris.
"Ano ba yun?" Naiintriga na tanong ko sa kanya.

"Wait lang, parating na si Grace. Antayin nalang natin kasi nasa kanya ang proof." Anito habang nagbabasa ng mensahe sa cellphone.

"Loka ka, inaapora mo ako tapos aantayin pa pala natin si Grace. Bruha ka talaga." Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Wait nga lang, huhuhu kung alam mo lang depressed na depressed ako dahil dito. Jusko! Save me from this misery!!" Hopeless na dalangin ni Paris.

"Ano ba kasi yan?" Inis na tanong ko.

"Hintayin nga muna natin si Grace dahil nasa kanya ang proof, kulit naman nito." Saad nito at humalukipkip. Ilang sandali pa ay hingal na hingal na pumasok sa apartment ko si Grace. Agad kaming napalingon sa kanya ng buksan nya ang pinto.

"Tubig!! I need water please!" Habol ang hininga na anas ng pinsan ko. Patakbong tinungo ni Paris ang kusina at kumuha ng tubig. Agad niya itong inabot kay Grace. Parang 15 years na hindi nakainum ng tubig ang datingan ni Grace ng laklakin niya ang pitsel. Hindi man lang gumamit ng baso. Nakaupo lang ako sa sofa habang pinapanood ang trip ng dalawa sa harapan ko.

"Dala mo ba ang pinapadala ko sayo Grace?" Kinakabahang tanong ni Paris. Nahihiwagaan na talaga ako sa kinikilos ng dalawa. Ano kayang meron sa mga bruhang 'to?

Humihingal parin si Grace. Inilapag niya ang pitsel sa mesa at lumunok ng ilang beses.
"Oo nandito sa bag ko." Anito at may dinukot sa shoulder bag niya. Isang litrato ang inilabas ni Grace sa bag niya.

"Ano yan?" Naiintrigang tanong ko. Kinakabahan silang tumingin sa akin na para bang nanonood ng horror movie. Umarko ang isang kilay ko dahil sa kawerdohan ng dalawa.

"Anong nangyayari sa inyo?" Bulyaw ko. Nahuli ng mga mata ko ang ilang beses na paglunok nila. Siniko ni Paris si Grace kaya ito na ang nagsalita.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon