DALAWAMPO'T DALAWA

20.4K 378 11
                                    

Happy 5k mga kaMBB..🎉🎉

At dahil mabilis ang pagbabasa ninyo at 5k celebration natin ngayon, kahit kakapublish ko lang ng Chapter 21, ibo-bonus ko ang chapter na ito..

At dahil sa Martial Law,
SPG ang kasunod nito kaya asahan ninyong detalyado..💦💦🙈 hehehe..

Mwuah😘😘

~~~~~~~~~~~^_^~~~~~~~~~~~

Zane's POV

I WAS scrolling on my phone habang nakahiga na sa kama. Hindi ako dinadalaw ng antok kahit nakailang bote na ako ng beer. I saw her averywhere, ang buong bahay ay puno ng mga alaala niya. Ilang araw na rin akong naghahanap sa kanya, nagpatulong na ako sa kaibigan kong private detective at nagpadala na sya ng mga tauhan sa mga bansa o lugar na pwedeng puntahan ni Rica.

Nagtataka ako dahil sa iniulat ng kaibigan ko kanina, wala daw nagngangalang Rica Evanz na lumabas ng bansa. Maharas akong napabuntong hininga.
Halos hindi ko na binabasa ang mga nakapost sa news feeds ng Facebook ko ngunit hindi nakaligtas sa akin ang video ng kaka-upload palang ni Monneth. Nakatag iyun kay Grace, Patricia, Fatima at kay Rica. I click the screen at nagsimula itong magplay.

Hindi ko alam ang kanta na kinakanta niya sa video pero ramdam ko ang damdamin na binibigay niya sa bawat lyrics ng kanta. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang pagkislap ng butil ng luha sa gilid ng mata niya.

Tinignan ko ang location ng video. Irish KTV Bar. I clenched my jaw. So hindi nga siya umalis ng bansa.

Damn it! Malutong akong napamura. Malapit lang ang Irish KTV Bar dito. Bakit hindi ko siya mahanap gayong gumagala pala siya kasama ang mga kaibigan niya. Agad akong bumangon, pupunta ako sa KTV Bar, ilang minuto palang naman ang nakalipas ng ma-upload ni Monneth ang video. Nakasulat pa sa caption na "When you are broken 💔".

Mahanap lang kita Rica, sisiguroin ko na habang binubuo kita ay mawawasak ang pagkababae mo! Pilyong saad ng isip ko. Ilang minuto lang ay nasa KTV Bar na ako but unfortunately nakaalis na sila. Nakuyom ko ang kamao.
Shit! Bakit ba ang malas ko?? Marahas akong napahilamos. Laglag ang balikat na bumalik ako sa loob ng kotse.

"Okay Doc, opo nakabalik na ako sa Irish! Yes, nakuha ko na." Saad ng isang babae habang hawak ang cellphone na nakatapat sa tenga nito.

"Sa lahat ba ng makakalimutan, yung laptop pa?" Natatawang saad nito.
"Okay, sige na Pat, ihahatid ko nalang sa clinic mo bukas. Okay, bye bye.." anito, nilingon ko siya. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala siya.

"Monneth??" Anas ko. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse at hinabol siya.
"Monneth!!" Tawag ko sa kanya. Agad siyang napalingon. Namilog ang mga mata niya ng makilala ako.

Nakiusap ako sa kanya na tulungan ako. Noong una ay tikum ang bibig niya. I explained to her everything, kung bakit umalis si Rica, ang pagkunwari nito na pagpunta sa Amerika, ang pagkaayos namin ng mga magulang ko at ang paglutas ko sa problema ni Amara. Natuwa siya ng malaman ang lahat.

"You mean, wala ng kontrabida sa inyong dalawa ni Madz?" Puno ng tuwa ang kislap ng mga mata niya. I nodded and smile.

"Thank God!!" Halos lumundag siya dahil sa tuwa.
"Road to forever na talaga itey!!" Tili niya. Natawa ako.
"Kung alam mo lang Zane kung saan sya nakatira ngayon." Makahulugan ang ngiting nakaguhit sa mukha niya.

"Saan?" Seryosong tanong ko. Tama, yun ang pinunta ko dito, ang malaman kung nasaan sya.

Agad kong pinasibad ang kotse ng sabihin ni Monneth na nasa Reign Hotel si Rica. What the Hell! Nasa tapat lang yun ng Condominium building na tinutuluyan ko. Mapatiim bagang ako. Makakatikim talaga sa akin ang babaeng yun. Halos mabaliw ako kakahanap sa kanya, nasa tapat lang pala sya? Ang tanilo nya din dahil hindi ko naisip hanapin siya sa hotel na malapit sa akin. Ilang minuto pa ay nasa hotel na ako.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon