Rica's POV
Nasa terrace ako ng condo ni Zane ng hapong yun. Tanaw ko ang malawak na syudad.Hindi mawala sa isip ko ang lahat ng sinabi ng Ina ni Amara kanina. Anong gagawin ko kung totohanin niya ang kaso sa amin ni Zane. Hindi mahirap gawin yun sa taong maraming pera. Ayokong bigyan pa ng isa pang pasanin si Zane dahil sa akin. Hindi pa nga naaayos ang problema niya sa mga magulang niya, dadagdag pa ang kasong isasampa sa amin. Nakakastress dahil ako ang dahilan ng lahat. Nakakahiya kay Zane. Hindi ko man lang sya magawang tulungan.
Ano bang gagawin ko? Masyado na ba akong pabigat sa kanya? Tinalikuran niya ang mga magulang para sa akin, at ngayon, ipakukulong sya dahil din sa akin? God! Anong gagawin ko? Ayokong masira ang buhay niya. Mariin akong napapikit at naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi. Ang hirap! Ang hirap-hirap! Dapat ba na iwanan ko nalang siya para sa ikatatahimik ng lahat? O mananatili ako pero kapalit nito ay ang pagkasira ng buhay niya?
"Babe.." anas niya at yumakap mula sa likuran ko. Ipinulupot niya ang mga braso sa bewang ko. Nagtanim siya ng maliliit na halik sa leeg ko. Pikit-mata kong ninanamnam ang kiliting hatid ng ginagawa niya.
Mamimiss ko 'to! Sambit ng puso ko. Muling nahulog ang mga butil ng luha sa aking mga mata.
I'm sorry for everything Zane. Mula pa noon, wala na akong tamang nagawa para sayo, para mapasaya ka. Since the day we met, I'm always hurting you. Hindi ko na kayang makita kang nahihirapan sa pagtulog, natutulala dahil sa lalim ng iniisip. Nakita ko ang mga sakripisyo mo para sa akin, ang mga paghihirap mo, maging ako ay nasasaktan din para sayo. Ayokong kalimutan mo ang pamilya mo dahil sa akin, nais kong maging masaya ka. Naniniwala ako na totoo ang pagmamahal mo, naniniwala ako sa lahat ng pangako mo. I'm sorry kung nagduda ako sayo noon. Lihim na sigaw ng puso ko. Sumasakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng mga hikbi na gustong umalpas mula sa lalamunan ko.
Zane, mawala man ako sayo, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko para sayo. Buong buhay kitang iibigin at hindi ko malilimutan ang araw na umibig ako sayo.
Alam kong magagalit ka, pero kailangan kong gawin to para sayo at sa pamilya mo. Alam ko din na magkakaanak na tayo pero kailangan ko syang ilayo sayo para mawala na ang gulo sa isip mo at ang problema na nagpapabigat sa kalooban mo. Kung mali man itong desisyon ko ngayon, kailangan kong gawin ito dahil ayokong maghirap ka pa.
I promise to take care of our child at hinding-hindi ko ipagkakait sa kanya ang mga alaala mo. Na meron syang mapagmahal, maalaga at mabait na Ama. Hindi man sya lumaki na kasama ka, pangako ko, iuukit ko ang alaala mo sa puso niya. Sigurado ako na lalaki syang tulad ng Ama niya. Sigaw ng puso ko.I'm sorry Zane, I have to do this for all good. Saad ng puso ko. Hinarap ko siya at inangkin ang labi niya. Kusang umalpas ang hikbi sa lalamunan ko.
Mahal kita Zane. Mahal na mahal kita.. my heart cried out.
Zane's POV
NAGISING ako ng umagang yun dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. I slowly opened my eyes at tinignan ang alarm clock sa side table ko. It's already 8 in the morning. Napangiti ako, ang haba na pala ng tulog namin. Marahil ay napagod ko sya ng husto kagabi kaya hindi pa sya nagising ngayon.
BINABASA MO ANG
BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETED
RomanceRica Evans, isang simpleng babae na lihim na nagmamahal sa bestfriend niyang si Wayne Gutierrez. Mula pa noong highschool sila ay may pagtingin na siya sa lalaki. Lage siyang nasa tabi ng binata sa lahat ng oras. Sa Junior and Senior's Night ay si W...