LABIN-ISA

22.1K 454 12
                                    


Happy 2k mga kaMBB👏👏

Aba, aba, aba!! Bumabanat yata kayo ah?? Ginagalingan ah!!👏👏
😂😂Hahaha

Kaya dahil ganyan kayo, ito ang update ko para sa inyo..

At pahabol!! Yung kasunod nito, naku!! Rated R na naman..huhuhui

Kaya patnubay ng asawa ang kailangan, yung patnubay ng jowa pwede rin pero siguroing si jowa ang poporeberen, hahaha😂😂

Chos!!!😘😘

*unedited pero ipa-publish ko na, saka na yung edit😁😁

----------------

Zane's POV

We're on our way pauwe sa apartment ni Rica. Kakatapos lang ng party at heto nga't ihahatid ko na sya.

"Thank you for coming with me babe." Nakangiti akong lumingon sa kanya.
Ginantihan niya ng matamis na ngiti ang ngiti ko. Ibinalik ko ang tingin sa daan at masayang minamaneho ang kotse ko.

"Alam mo Zane, sa totoo lang, ako nga ang dapat magpasalamat dahil isinama mo ako sa Party na dapat ay sa pamilya at malapit na kaibigan nyo lang." Sagot niya.

"Ofcourse, kailangan ka sa party because you're my girlfriend, you're a friend of my twin and besides malapit ka na ding maging parte ng pamilya." Makahulugan kong saad. Kitang-kita ko ang pamumula ng cheeks niya sa front mirror ng sasakyan.

"You're so beautiful when you're blushing babe." Anas ko. Lalo syang pinamulahan ng mukha.

"Wag ka nga!!" Nahihiyang suway niya sa akin habang mahinang hinahampas ang braso ko. I chuckled.

Rica's POV

Ang sarap sa pandinig ko ang tawa nya, para akong isang sanggol na nakarinig ng lullaby, parang ang sarap matulog. Bahagya kong ipinilig ang ulo ko, siguro ay pagod lang ako't inaantok na kaya naiisip kong lullaby ang tawa nya.

Ilang minuto ang lumipas at nasa apartment na kame. Pinagbuksan nya ako ng pinto at inalalayan pababa.

"Salamat." Nakangiting sabi ko sa kanya. Gumanti siya ng ngiti sa akin.
"Ah, gusto mo bang pumasok muna sa loob?" Paanyaya ko sa kanya.

"Okay lang ba?" Nag-aalangan na tanong niya.

I smiled and nodded.
"Oo naman, bakit hindi eh boyfriend naman kita." Sagot ko, hindi ko alam pero parang ako pa ang kinilig dahil sa sinabi ko. Hindi naman siguro masama na gawin ko ng official ang relasyon namin. Tutal, girlfriend na naman ang pakilala niya sa akin sa lahat ng taong nagtatanong tungkol sa aming dalawa. Chochoosy pa ba ako e ang gwapo at ang hot na ng nakahain😳😍.
Pero nagulat ako ng mapansin kong natigilan si Zane.

"Z-Zane? Okay ka lang? May nasabi ba akong masama?" Nagtataka ako dahil nakatulala lang sya habang titig na titig sa akin. Kinakabahan ako sa isasagot niya. Mali bang mag-assume ng bongga? Baka naman pacharot-charot lang yung pagpapakilala nyang girlfriend niya ako??

Ito na nga ba ang sinasabi ko!! Handa ka bang masaktan Rica?? Ang tanga-tanga mo kasi, si Zane yan!! Sermon ng utak ko.

"Anong sabi mo?" Biglang anas niya. "Bo-Boyfriend mo ako?" Mahinang tanong niya. Nagtataka ako sa mga asal niya kaya clueless akong tumango.

"Pwede mo bang ulitin ang sinabi mo?" Pangungulit pa niya sa akin. Hindi ko alam kung anong emosyon ang kumikinang sa mga mata niya, hindi ko mapangalanan.

BESTFRIEND SERIES: BOOK I - My Greatest Fantasy (Zane & Rica) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon