Prologue

3.1K 22 11
                                    

Habang nag- aayos ng gamit sa bag niya ay napansin niya ang isang papel. Ni hindi niya matandaan kung saan galing at biglang susulpot sa notebook niya.

"Ang buhay parang nobela kahit kadalasan kabaligtaran ang mga nangyayari. Kung minsan pa nga aakalain mong ikaw yung nasa libro. Paraan lang yun ng isang writer para kumawala sa mundo. Isang paraan na hindi maintindihan ng kahit na sinuman. Bawat letra kasi na sinusulat may kahulugan. Binubuhos lahat ng emosyon. Daan kasi namin ito sa pampalakas ng loob.  Lahat yata ng mga nangyayari sa aming mundo, nasusulat namin dito. Palibhasa kasi wala namang taong nakakakilala sa'yo. Bawat pangyayari, nakadetalye kahit yung iba kathang-isip lamang. Dugo't pawis binubuhos namin sa pagsusulat. Lahat ng atensyon at oras ay nakatuon sa ballpen at papel naming hawak. Kung nagkakatotoo lang sana ang sinusulat kong nobela, sana hindi na ako magkukunwaring ganito. Sana nasabi ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Hayy! ang hirap talaga pag nagmahal ka. UGH!! Mahal ko siya pero kahit anong gawin ko di nya ako kayang mahalin.

                                                                                                                                 Kaydee "

"Sino ba itong Kaydee na to at bakit pinasok niya sa bag ko itong basurang ito?" Pagtatakang sambit ni Zed habang binabalik sa bag ang papel. 

The Girl Ghost Writer (Book 1- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon