Chapter 15

434 2 2
                                    

Kakaibang pakiramdam ko. Ewan ko ba. Dapat excited ako kasi babalik ako ng school.Pero ba't ganito? Ba't parang kinakabahan ako? 

"Dee?? Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Kaye.

"Ha? Oo. Ayos lang."

"Kanina ka pa kasi ganyan. Daldal ng daldal itong si Kaye pero ang lalim ng iniisip mo." ani ni Tom.

"Wag nyo na lang akong pansinin. Ni reready ko lang sarili ko."

"Ano ba kasi nangyari kahapon sa inyo ni Zed? After nun magkaganyan ka na." pang uusisa ni Kaye.

"Wala no! Hehehe. Ano ba kayo. Ok lang ako. Hehehe."

Nakarating kami sa school pero lumulutang pa rin utak ko.. Ay ewan.. Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito.. Tsss...

Nakita ko si Zed sa chair nya.. Parang walang nangyari lang.. Hindi umiimik at hindi namamansin.. Ganun pa rin..

Pag upo ko sa chair, nakita ko ang isang box. Isang regalo? Sino namang magpapadala sa akin ng regalo ng ganito kaaga? Nakakapagtaka..

Binuksan ko yung regalo at........

"AAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!" napatili ako sa gulat... Isang palaka ang tumambad sa harapan ko.. I HATE FROGS!!!!!! ANO TO?? JOKE???

Lahat napatingin sa akin at nagsitakbuhan yung iba.. Yung iba pumatong sa mga chairs nila.. Nakita ko sa gilid, si Zed, tawa ng tawa.. ABA!!!!!!! NAKAKA!!! ARRRGGGHHHHH!!!

"HOY!!! ALAM KONG MAY SALING DEMONYO KA!!! ABA!! KUNG IKAW KAYA TAPUNAN KO NG IPIS HA??/" nakasigaw ako pero tawa pa rin sya ng tawa..

"Kasalanan ko bang takot ka sa palaka ha?/ Para palaka lang ganyan ka na maka react... Tsss.."

ABA!!!!! PATAY SA AKIN TO MAMAYA.. LINTIK LANG ANG WALANG GANTI... Tsss...

"Anong nangyari dito? Tsaka ba't may frog sa desk mo?" tanong ni Tom habang kinukuha yung palaka sa desk ko..

"HOY ZED!!!! Ang aga pa!! Nambubwesit ka na? Aba! Iba ka rin ah!!" Ani ni Kaye..

Di na ako umimik kasi nag bell na.. HAHAHA.. may pinaplano ako mamaya.. Tingnan natin kung di ka matakot sa gagawin ko.. HAHAHAHA!!!

Break time na.. Pumunta ako sa old gym.. May kukunin ako.. Teka.. San na ba yun? Hmm.......

Hinalukay ko yung mga nakatambak na chairs dun at yun! Nakita ko rin ang hinahanap ko.. HAHAHA!!!! Nilagay ko ito sa isang sobre.. HAHAHA!!! PATAY ka ngayon...

Nakita ko sya sa corridor, umuupo habang nakalean sa wall.. Nilapitan ko sya at inabot ang sobre sa kanya..

"A-ano yan?" tanong ni Zed..

"Peace offering ko.. Gusto ko lang mag sorry.. Tsaka.. Pinapatawad na rin kita sa ginawa mo sa akin kanina.."

"Bakit? Nag sorry ba ako? Neknek mo.. Tsaka ano yan?"

"Hello? Obvious ba? Eh di sulat.. May nagpapabigay lang.. Tss... Admirer mo ata.."

"Ba't ikaw pinabigay?/"

"Aba! ewan ko.. oh!" inabot ko sa kanya.. Kinuha rin nya ito.. HAHAHA!! Magugulat ka... 

Binuksan nya ang sobre at..................

"WOAH!!!! AAHHHHH!!! !&%#&(^@$(^$@())q^(^$(q^$(*^^$@)@^$)!^$" napatili sya at nag mura IN MY FACE.. ABA!!!! Walang moral conduct tong taong to talaga...

A meanwhile, ako sa gilid, tawa ng tawa habang sya, inis na inis pa rin.. Namula na nga mukha nya eh.. HAHAHAHAA...

Hinawakan ko na yung tyan ko kakatawa sabay turo sa kanya..

"Buti nga!!!! HAHAHAHAHAHAHAHA!!!" tawa pa rin ako ng tawa.. Halos mangiyak-iyak na nga ako kakatawa.. Ang sakit na ng panga ko eh.. :)))))

Bigla na lang nya akong hinigit sa braso at tinulak sa wall.. He pinned me on the wall.. Hinawakan nya yun kamay ko at 

"A-anong ginagawa mo?"

He has this fierce eyes na animoy mangangagat ng tao.. Nakakalurky!!

"P-pag d-di mo ko binitiwan at p-pinakawalan, s-sisigaw ako.. Makikita mo.."  nanginginig yung boses.. Kasi naman eh!!! Nakakatakot sya...

"Fine.. Sumigaw ka.. Para pagtinginan tayo ng mga tao dito.." habang tinaas nya yung isang kilay nya..

"Ganun ha.. MA..........." di na ako nakasigaw dahil inilapit nya yung mukha nya na animoy hahalikan ako..

"Anong gagawin mo? T-teka!!! Wag!!! Please!! Wag!!! Virgin pa ako.. Ayokong magka FIRST KISS sa isang maniac na kagaya mo.." nangangatal pa rin ang boses ko..

He leaned closer.. Closer... Closer... Hanggang magkatama na yung mga ilong namin.. I can feel his breathing.. Nagkabangga na nga yung mga ilong namin.. Pinikit ko lang yung mga mata ko..

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!!!!!!!!!" narinig ko na lang yung malakas nyang pagtawa..

Binuksan ko yung mga mata ko at nakita kong tawa sya ng tawa..

"Yan!! Namumula ka na.. Akala mo ba hahalikan ko ang isang tulad mo?? ASA KA PA!!! HAHAHAHAHA!!!"

Ba't ganito yung naramdaman ko.. Nasa wall pa rin ako.. Naka lean.. Na shock ako sa pangyayari.. Hindi ako makapagsalita.. 

"HAHAHAHA!!!! Alam mo.. Nakakatawa ka.. Heto pa nga oh! May picture ka pa.. Pinicturan kita habang nakapikit ka.. Nakakatawa.. HAHAHAH!!!!"

Hindi ako umimik at tumakbo na palayo sa kanya.. Ba't ganito? Ba't parang napahiya ako? Di ba dapat magalit ako? Pero ba't tila nasasaktan ako? Ba't ganito? Ba't nasasaktan ako?

"Uie Debby!! Kanina pa kita hinahanap.. San ka ba nagpunta? Iniwan lang kita sa locker kanina ha.." tinanong sa akin ni Kaye habang patuloy pa rin ako sa paglalakad..

"Hoy Dee!!! Nakikinig ka ba??" nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at iniwan na nga si Kaye..

<KAYE>

Hinanap ko buong break si Debby.. Iniwan ko lang kasi sya sa may locker room kanina eh.. Sabi nya may kukunin lang daw sya.. Tapos pinabili nya ako ng siopao.. Hay naku!! Heto talagang si Dee.. Bigla-biglang nawawala.. Tsss..

Hinanap ko sya sa school at nakita ko syang kasama si Zed.. Teka! Tama bang nakita ko?? Magkasama sila? Tapos may iniabot na sulat si Dee kay Zed..

"Hay naku! Kung nagkakainlove.an naman ang dalawang ito, hindi naman nila kailangang itago eh..

Hinayaan ko na lang silang dalawa.. Pinapanood ko sila.. Bigla na lang hinigit ni Zed yung mga kamay ni Debby at pinin nya ito sa wall.. Makaalis na nga dito.. Baka kasi sumigaw ako sa kilig eh..

Sa may ground na ako naghintay kay Debby.. Nakita ko syang papalapit.. Hindi kumikibo..

"Uie Debby!! Kanina pa kita hinahanap.. San ka ba nagpunta? Iniwan lang kita sa locker kanina ha.." patuloy pa rin sya sa paglalakad.. Halos harangin ko na sya sa daan..

Ano bang nangyari? Ang ganda pa nga ng nakita ko kanina eh.. Kinilig pa nga ako..

"Hoy Dee!!! Nakikinig ka ba??" nagpatuloy pa rin ako sa paghahabol sa kanya at tuluyan na rin akong iniwan..

"Ano kaya nangyari dun? Sana pinanood ko na lang sila.." napabulong ako sa sarili ko.. 

The Girl Ghost Writer (Book 1- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon