<DEBBY>
Natuyo na rin itong skirt ko. HAAAAYYY SAAAALLLAAAAMMMAAAATTT!!! Nakakaasar talaga yung mayabang na kutong lupang yun. Ergh! ASAR!!! Makikita nyang hindi lang sya yung may banat. Pati rin ako noh! WAHAHAHAHA!!!!
Papasok pa lang ako ng classroom ng dumugin ako ng mga classmates ko. WOW HA! CONCERN ATA SILA NGAYON! Ano kayang nakain ng mga yun? Hmmp!
"Okay ka lang ba?" nanginginig na tanong ni Keri. Bakit ba sya nanginginig? Eh hindi naman sya yung gumawa ng karantaduhang yun.
Paulit-ulit nilang tinanong sa akin kung okay lang ba ako o may masakit ba sa akin. Paulit-ulit ko rin sinasabi sa kanila na okay lang ako at walang masakit sa akin. D*MN IT! Nababasag na tenga ko kakarinig ng paulit-ulit na tanong ha? di ba sila nakakaintindi ng salitang OK?! OK LANG BA SILA??!! ERGH!!! KAASAR!! BINUBWISIT NILA ARAW KO!! KAINIS!!
Habang kinukulit nila ako, nakita ko na lang si Kaye sa tabi, nag smile lang sya habang tinitignan nya ako. Anong pinag smismile nya? May dumi ba mukha ko? o masyado lang talaga akong CLOWN sa paningin nya kaya natatawa sya bigla? Take note: CLOWN!
Patuloy pa rin akong kinukulit ng mga kaklase ko. Sari-sari yung naging reaction nila sa ginawa ni Zed.
"Ba't nya ginawa yun?".. "Akala ko mabait sya.".. "Ang sama nya!"... "Ano bang nangyari sa inyo?"... Yun lang naman yung mga nakakarinding tanong nila. HAH!! Asa pa silang mabait yung kutong lupang yun! TSSS...
Nakatingin pa rin si Kaye sa akin ng naka SMILE! TEKA! Ba't ba sya nag smile? Talaga bang ganun ako ka JOKE para sa kanya? Ano ba iniisip nun? Makausap na nga. Hmmp..
"Hoy Kaye! Ba't ba nakangiti ka, ha?! may dumi ba tong mukha ko o nang-aasar ka lang?" sabay nagtinginan yung mga classmates kong nakadikit pa rin sa akin para i COMFORT kuno ako.
"W-wala.. Eto naman oh! Galit kaagad.. Tatanda ka nyan agad.. Tapos papangit kasi magkakawrinkles ka. Yan na nga oh! may wrinkles ka na." sabay tayo sa inuupuan nya at sabay turo sa face ko.
"T-teka! Wag mo nga ako mahawak-hawakan dyan! Tse!" Inalis ko agad kamay ni Kaye. Teke! Ba't ba ako galit ngayon sa kanya?
"Grabeh! nagtatantrums ka na naman. Eto naman oh! Di na mabiro. Tawa ka na kasi." Sabay kurot sa pisngi ko. Mahina lang naman yung pagkakurot nya. Medyo napatawa rin ako nung nilubayan na ako ng mga makukulit na parang ewan kong mga kaklase.
"AYAN!! Ang cuuuuuuutttteeeee mo..." napahalakhak din si Kaye sa ginawa nya. Hay! Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko tong babaeng to. Pero ipinapasalamat ko rin sa Diyos na naging kaibigan ko itong weirdong toh. Ang sweet noh? Medyo corny nga lang yung dating.
Bumalik na sya sa upuan niya at may hinabilin lang sya sa akin.
"Ayoko munang sumabay sa'yo pag-uwi. May dadaanan pa kasi ako." sabay talikod nya sa akin.
Tama ba narinig ko? DADAANAN? TekA! Nag-iba ata hangin ngayon ha. Noon kasi, pag di ako nakakasabay sa kanya, nag aalburuto na sa galit yang si Kaye. Ewan ko ba sa kanya ngayon. Bigla-biglang mag-iiba. HAHA!! Ang weird. Pero mabuti lang rin naman yun. At least I have an excuse to see Mr. Dominguez for the letter. Naalala ko lang bigla yung mga letter na sinulat ko kanina sa CR..
HAAAAYYY!!!! Natapos rin yung araw ko na peaceful. Wala kasing asungot na kutong lupang nakaharang at nag-aaligid sa paningin ko at sa dinadaanan ko. Eh talagang umiinit na yung dugo ko sa kanya since the day I bumped into him sa hallway. TSS... Di kasi sya gentleman. Napaka wala nya.. as in.. WALEY!!!
Nauna na si Kaye umuwi. Naalala ko rin na may dadaanan sya. Ako naman eh dumiretso na sa boss ko. Dahil na sasave ako ng pera, nilakad ko na lang since malapit rin naman sa school. Mga 3 kanto pa ang dadaanan para makarating dun sa work ko. Hindi malayo, di ba?
![](https://img.wattpad.com/cover/1110252-288-k816630.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Ghost Writer (Book 1- Completed)
Fiksi RemajaIsang ghost writer, napa inlove at napabago si Mr. Bad Boy... May pag-asa pa kaya ang love story nila kung itong si Ms. Ghost Writer ay napaka bitter kay Mr. Bad Boy?