Chapter 23.2 [Lunch]

358 3 0
                                    

"So, how long will you be staying here sa Philippines?" asked Tom.

"Forever, I guess. How about you? Wala ba kayong planong bumalik ng Chicago?" said Julia.

Oo, andito na nga kami sa cafeteria. Medyo na bubwisit nga ako eh. Pano ba naman, pagdating namin  dito, may nakahandang pagkain na sa mesa at take note, lahat paborito ni Zed. Nakakainis nga eh. Ilang years ba'ng naging sila nitong si Zed? Ganun talaga niya kasi kakilala ito. Nakakainis. Na bubuwesit ako sa babaeng ito.

"Ako? Nagpaplano pa. Baka dun ako magtrabaho. Ewan ko lang dito kay Zed."

"Naku! Hindi ko pa alam," sagot ni Zed.

"Why? Your mom's there in US. You have a company in US."

Excuse me? Andito ako oh! OP naman ako.

"Kumain na nga lang tayo. Debby, anong gusto mo?"

"Ok na ako sa pasta. Ikaw? Di ba gusto mo tong fried chicken? Heto..."

"Wait, Debby! Don't you know ayaw ni Zed ng chicken skin? Let me remove that," added Julia.

Nakakainis tong babaeng to ha. Pasikat!

"Kare-kare, Zed."

"Debby! Allergic si Zed with shrimp. Bawal sa kanya ang bagoong."

Kalma lang Debby. Kalma.

"Heto na lang. Calamares."

"Hindi kumakain si Zed ng calamares na walang mayo, Debby," sabat ni Tom.

"You'd still remember that, Tom? Remember how Zed vomitted after eating calamares without mayo. That sucks! HAHAHA!"

"Of course! Pulang-pula nga yung mukha ni Zed nung time na iyon. HAHAHA!"

"Tumigil na nga kayo! Pinapahiya nyo ko sa harap ng girlfriend ko."

Nagpatuloy pa rin sila sa pagkukwento. Kainis. Wala akong maikwento tungkol kay Zed. Ganun ko ba talaga hindi kakilala yung sarili kong boyfriend? Sabagay, hindi enough yung ilang buwan.

"Remember when Zed had an allergic because we put shrimps on his meal?" asked Julia.

"Oo naman Julia. Halos mangiyak-ngiyak si Zed noon. HAHAHA! Tawa lang ako ng tawa," sagot ni Tom.

"Remember..."

Hindi ko na kaya to. Bigla akong tumayo.

"Debby, where are you going?" asked Julia.

"Aalis na. Dadaanan ko pa kasi si Cherry. May pinapabigay si Kaye."

"Magpapabigay?" tanong ni Tom.

"Oo, Tom. Kakatext lang ni Kaye. Sige. Mauna na ako."

"Hindi mo pa halos nagagalaw yung pagkain mo, bhe," habang hinawakan ako ng mahigpit sa wrist.

Tinanggal ko yung pagkakahawak niya. 

"Sige na. Busog na rin naman ako. Kailangan kong daanan si Cherry. Sige."

At umalis ako ng walang imik. Sinundan ako ni Zed.

"Bhe! Debby!"

"Zed? Bumalik ka na sa loob ng cafeteria."

"Ano ba'ng problema mo? May masama ba sa pakiramdam mo? Bakit ang urgent naman kung padaanan... Tatawagan ko si Kaye. Kakausapin ko yun."

"Wag na. Ok lang naman."

"Ahh hindi. Kakau..."

"Pwede ba!? (sigh) Look..."

"ANO BA'NG PROBLEMA MO?"

"Teka nga! Ba't ka ba naninigaw?"

"Kung may problema ka, kausapin mo ko! Hindi itong aalis-alis ka na lang bigla. Binabastos mo kasi si Julia sa ginawa mong yan."

"Ahh ganun! So si Julia ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan. Oh sige! Dun ka na sa kanya! Tutal mas kilala ka naman niya kesa sa akin. BREAK NA TAYO!"

Umalis na ako at tumakbo palayo. Hindi niya ako sinundan. Bumalik na sya sa loob ng cafeteria. Siguro nga. Nag-iba na sya. Ibang-iba sa Zed na nakilala ko simula nung dumating si Julia sa buhay ko at bumalik sya sa buhay ni Zed. Baka talagang kailangan namin ng space. Hindi ko alam kung hanggang kailan. Pero ito lang yung kailangan namin ngayon.

The Girl Ghost Writer (Book 1- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon