"On that night, I was looking at the dark sky. Thunder and lightning striked and tears ran down to my face as the rain fell to the ground. I don't understand why I'm here. 'Boom!' I heard gunshots. They shoot the man who tried to save me. I ran as fast as I can. I was trembling, cold and scared. My feet is full of dirt and wounds. I heard footsteps coming towards me. I called for help but no one answered. i fall to the ground. The man was after me taking his gun out of his pocket and pointed it on me. I beg for mercy but he didn't listen to my plea. Instead, he put it on my heand and..."
*BOOGSH*
"AAARRRRAAAYYY!!!! BA'T MO KO HINAMPAS NG LIBRO? SAKIT NUN HA! GUSTO MO BA MASAPAK?"
"EH KANINA KA PA DI NAKIKINIG EH. NAGTATALAK AKO DITO NA PARANG TANGA! ANO BA KASI YANG SINUSULAT MO HA?!
"Ha? eh... W-wala..." sabay tago ko sa bag ko. "Tsaka pwede ba? Wag mo nga akong sigawan. Di naman ako bingi eh."
Ganyan po talaga kami ni Kaye. Sobra kung magbangayan at magkulitan. Palibhasa kasi magkababata at para na ring magkapatid. Alam ko lahat about her ganun din po siya sa akin. Pero isa lang ang bagay niya hindi ko pinapahawak sa kanya. Itong notebook na ito.
"Eh ano ba kasi yang ginagawa mo?" pag uusisa ni Kaye.
"Sabing wala eh. Kulit talaga nito."
"Lahat kasi ng bagay alam ko pwera lang iyang notebook na yan."
"Paki mo ba dito? eh simpleng notebook lang naman to ha."
"Simple. Tss. Kung hindi lang talaga kita mahal at bespren..."
Hinalikan ko lang sya sa pisngi. Si Kayenah Smith ang kaisa-isang taong tinuring ko ng kamag-anak. Maganda, mahinhin at super habulin ng lalaki. Kaya siya crush ng campus dahil sa ganda niya.Ewan ko ba kung paano ako nakarating sa kanila. Ang alam ko lang kasi eh ulila na ako sa ama at ina dahil namatay raw sila sa aksidente. Yung mga magulang na ni Kaye ang umampon sa akin. Pero tila yata kakambal ko si kamatayan. Wala pa kasing isang taon na paninirahan ko eh namatay yung mga magulang niya sa isang car accident. Kaya ayon. Ni isang kamag-anak walang kumupkop sa akin pagkatapos ng trahedya. Buti na lang mayaman sila at lahat ng ari-arian eh pinamana kay Kaye.
"Pahalik-halik ka pa! Hampasin kaya ulit kita. Hmmppfftt!"
"Sori na po kasi."
"O sya. sige na. So? Ano na?"
Ah! Oo! Dadating yung anak ng yaya ni kaye na kababata rin namin. Si Thomas Gonzales. Anak siya ni yaya Coring na galing America. Siya yung crush ko at talaga namang patay na patay ako sa kagwapuhan nya nung mga bata pa kami. Alam ko namang hanggang ngayon kapatid pa rin turing nun sa akin. Mas matanda siya sa min nga dalawang taon. Moreno, matangos ang ilong at kulay brown yung mata niya. Kaya bansag namin sa kanya noon eh "Brown Eyes". Crush niya si Kaye. Yung mama niyang si yaya Coring na ang tumayong legal guardian namin ni Kaye at siya din yung humahawak sa Trust Fund naming dalawa since minor de edad pa kami. In short, pinag-aral niya yung anak niya gamit ang trust fund nami. Ayos di ba?
<AUTHOR'S NOTES: TIGNAN NYO NA LANG SA SIDES YUNG MGA PICS NG CHARACTERS.. :)>
"HOY!! Ano na? Nakakainis ka naman eh!"
"Huh? Ahh.. Err.. Uhm.. Di ako pwede eh! May lakad ako sa Sabado."
"San ba kasi yang lakad mo? Eh halos every saturday ka na lang umaalis ha. Tapos pagsundo lang kay Tom, di mo pa ako magawang samahan? Importante ba talaga yang lakad mo?"
Naman! super importante nitong lalakarin ko. Baka matanggal ako sa trabaho pag di ko pa nabigay itong nobelang ginagawa ko sa boss kong publisher. Tama po yung dinig niyo. PUBLISHER. Ako nga pala si Debline Sy. Tawagin niyo na lang akong Debby. Ang bagal ko talagang mag intro sa sarili ko. Ako ay 17 pa lang. Ka age ko lang si Kaye. Magkasunod pa nga yung mga birthday namin eh. Sumusulat ako ng nobela at kahit anu-ano pero lahat ng sinusulat ko ay wala sa pangalan ko. Isa kasi akong ghost writer. Kung physical features eh naku! Sobrang magkaiba kami ni Kaye. Kung siya ubod nga ganda, ako naman eh nasa katamtaman lang. Hindi naman kasi ako naniniwala sa panget kasi lahat naman tayo eh ginawang maganda ng Diyos. Scholar po ako sa school habang si Kaye ay hindi. Talagang opposite kami ni Kaye. Kung si Kaye mahinhin at girly, ako naman ay brusko at boyish. Ako yung tagapagtanggol ni Kaye sa mga nang-aaway sa kanya sa skul. 3 years na akong ghost writer. Hindi yung ghost writer na nagsusulat ng ghost stories pero yung ghost writer na nagsusulat using his/her pen name lang. Iyan lang kasi ang mahirap sa isang ghost writer. Hindi mo maangkin yung mga gawa mo kasi di mo naman pangalan ang nakasulat bilang author. Bukod sa maliit yung sweldo eh hindi ka rin nakikilala ng tao. Pero okay lang yun. At least may income. ;)

BINABASA MO ANG
The Girl Ghost Writer (Book 1- Completed)
Teen FictionIsang ghost writer, napa inlove at napabago si Mr. Bad Boy... May pag-asa pa kaya ang love story nila kung itong si Ms. Ghost Writer ay napaka bitter kay Mr. Bad Boy?