Chapter 11

452 3 0
                                    

<DEBBY>

"Sino ka ba talaga? Ba't palagi mo na lang akong iniiwan?" hindi pa rin nagsasalita yung lalake.

"T-teka! wag mo kong iwan.. Dito ka lang.. Please...." hinawakan ko sya sa braso.. Pilit nyang tinatanggal yung pagkakahawak ko sa braso nya.. Hinigpitan ko na lang yung pagkakahawak ko.

Uie!! Ano ba!! Please?? Just stay?? Please?? Napansin ko na lang na tumutulo na yung luha sa mga mata ko. Biglang lumingon ang lalake, pinahid nya using his hand yung mga luhang tumutulo tapos hinalikan nya ako sa labi. Saglit lang naman. Pero parang totoo yung halik eh.. Ewan ko ba.. parang totoo...

"Hindi kita iiwan.. Dito lang ako sa tabi mo.."

Nagising na lang ako sa isang kwartong ang daming ilaw. Andun din sa kwartong iyon sina Kaye at Tom. Bakit sila nandito at nasaan ako? Kasama ko lang si Zed sa range kanina ha.. Pero ngayon, sila na kasama ko? Ano bang nangyari? Gusto ko sanang magsalita pero pagod pa yung bibig ko at di ko magalaw yung mga dila ko.. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Kaye.. 

"Wag ka nga munang tumayo.." galit na may halong kaba yung boses ni Kaye.. Ano bang nagawa kong mali? Yun yung gusto kong itanong sa kanila..

"Kainis ka! Pinakaba mo naman kami ni Tom.. Aba! second time na to ha... Tss.. Mas malala pa nga ngayon... Tss..." tapos sabay singhot lang si Kaye.. 

Ang pinagtataka ko lang naman, bakit wala si Zed? Asan ba sya? Gusto ko sanan syang pasalamatan eh.. Pero asan sya? Nilibot ng mga mata ko yung paligid.. Tila nabasa yata ni Kaye yung mga mata ko..

"Si Zed ba? Kakaalis lang.. Mag lulunch.. Eh kasi naman 4 PM na pero di pa naglulunch yung tao dahil sa'yo.." nakasmile na si Kaye.. Dahil sa akin? Kasalanan ko bang di sya mananghalian? 

"Magpahinga ka muna Dee.. Baka bumalik ulit yung sakit ng ulo mo.." tapos pinikit ko na lang yung mga mata ko...

<ZED>

Grabe! Nakakataranta yung ginawa ko kanina.. Nag drive ako ng mabilis para lang makarating kami sa hospital. Buti na lang naka park yung isa kong kotse sa Clubhouse. Kung hinintay ko yung ambulansya, malamang di na aabot si Debby na buhay sa hospital. Naku! Disgrasya yun!! Ako ang mananagot.. Ako kaya nung nagdala sa kanya sa range tapos mamamatay lang sya bigla.. Naku!! 

Habang nagdridrive ako, tinawagan ko ang school. Hindi ko kasi alam kung sino ang i cocontact ko.. Sa taranta ko eh yung school na tinawagan ko.. Hindi ko na rin nga halos maalala kung ano yung mga sinabi ko sa nakasagot sa phone. Grabe! Ba't ba ako nataranta ng ganun?

Naghintay rin ako sa hospital ng mga ilang oras. Ang tagal naman nila Tom.. Bakit ba natagalan sila? Di ba sila nag aalala dito kay Debbie? Anong klaseng mga kaibigan ba tong mga to? Tss... 

Nakakabagot palang mag hintay ng dalawang oras. Wala akong magawa sa kwarto. Alangan naman iwan ko to. Tss... Patay bukas lang ako ng TV. Di naman maganda yung mga programa. Tayo, upo at lakad lang yung nagawa ko. HHHAAAAAYYYY!!!!! Ba't ba parang magkakasakit yung pakiramdam ko pag nag stay pa ako ng matagal dito?? Tss.... Ano ba naman to oh!! Makaalis na nga...

Papaalis na sana ako ng room ng hawakan ako bigla ni Debby sa braso.. Hala! Gising na ba to? Tinignan ko sya pero nakapikit pa rin yung mga mata nya. 

*Dug! Dug!*

Hala! Ba't ganito? Ba't ang lakas ng dugdug? Ba't parang umiinit yung buong katawan ko? Nakapatay ba yung aircon? Pero kanikanina lang nung tinignan ko yun, eh. umaandar naman.. Pero bakit ganito? Ba't ang init? Nilalagnat ba ako? Nung chineck ko yung sarili ko, hindi naman ako mainit. Normal lang..

Nagsimula na ring manlamig yung kamay ko. Ano bang nangyayari? Ba't ganito to? Di ko maintindihan.. Ano ba to?

*Dug! Dug!*

Ayan na naman... Anak ng patola naman oh! Ano ba to? Bakit ko ba nararamdaman toh?

 "Sino ka ba talaga? Ba't palagi mo na lang akong iniiwan?" ABA! hindi nya ba ako nakikilala? Teka!! Tulog ba talaga sya? Nagsasalita? WOW HA!!

"T-teka! wag mo kong iwan.. Dito ka lang.. Please...." hinawakan nya ako sa braso.. Talaga bang tulog tong isang toh? ABA NAMAN!!! Tinanggal ko yung pagkakahawak nya pero hinigpitan pa niya ito lalo..

Uie!! Ano ba!! Please?? Just stay?? Please?? Napansin kong tumutulo na yung luha sa mga mata nya. Ba't umiiyak na sya? Ano ba nagawa ko? T_T

Ba't ba ganito yung nararamdaman ko? Lahat ng init lumabas sa buong katawan ko.. Bigla ko syang nilapita at pinahiran ko yung mga luha nya tapos hindi ko namalayang.....

Hinalikan ko sya... Napatigil na lang ako sa ginawa ko.. Napasabi na rin ako ng..

"Hindi kita iiwan.. Dito lang ako sa tabi mo.."

Teka!!! ANO BA TONG PINAGGAGAWA KO?? Ano ba to??? Ba't ba nagawa ko yun??? Ba't sa kanya pa???

*Dug! Dug!*

Ayan na naman uli.. Mas malakas.. Mas mabilis... Abnormal na ba itong puso ko? Bakit ganito??

"Zed!!" tawag sa akin ni Kaye... "Ayos lang ba sya? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nya..

"Ba't ngayon lang kayo? O-okay naman sya.. Pahinga lang yung kailangan nya..." 

"Ba't namumula ka? May lagnat ka ba?" I totouch na sana ni Kaye yung forehead ko pero pinigilan ko sya..

"W-wala!! A-alis muna ako.. Gu-gutom lang to.." Dali-dali na akong lumabas ng room..

Bakit nga ba namumula ako? Bakit nga ba ang init ng pakiramdam ko? Bakit nga ba pinagpapawisan ako? Ano ba to? Ang lakas ng kabog sa dibdib ko... Magpapacheck up na lang kaya ako... TSSSSSS..... Baka gutom lang to.. 3 PM na kasi pero di pa ako naglulunch... Gutom lang ako...

AAAAAHHHHHHHHHH ZEEEEDDD!!!!!! ANOOOO BAAAA!!!!!!! 

Napangiti na lang ako habang nagdridrive na parang wala sa sarili... Nakalimutan kong kumain at dumiretso na ako ng school para kunin yung mga bag ko.. Tss... Ewan ko ba... Ba't ba palagi ko na lang iniiwan kasi to? Alalm ko namang pag nabagot ako, cutting agad solution ko... Makapagdala na nga ng bag next time.. Tss.... kainis kasi yung pabalik-balik eh...

Naiisip ko pa rin yung mga ginawa ko kanina...

*FLASHBACK*

  "Sino ka ba talaga? Ba't palagi mo na lang akong iniiwan?" ABA! hindi nya ba ako nakikilala? Teka!! Tulog ba talaga sya? Nagsasalita? WOW HA!!

"T-teka! wag mo kong iwan.. Dito ka lang.. Please...." hinawakan nya ako sa braso.. Talaga bang tulog tong isang toh? ABA NAMAN!!! Tinanggal ko yung pagkakahawak nya pero hinigpitan pa niya ito lalo..

Uie!! Ano ba!! Please?? Just stay?? Please?? Napansin kong tumutulo na yung luha sa mga mata nya. Ba't umiiyak na sya? Ano ba nagawa ko? T_T

Ba't ba ganito yung nararamdaman ko? Lahat ng init lumabas sa buong katawan ko.. Bigla ko syang nilapita at pinahiran ko yung mga luha nya tapos hindi ko namalayang.....

Hinalikan ko sya... Napatigil na lang ako sa ginawa ko.. Napasabi na rin ako ng..

"Hindi kita iiwan.. Dito lang ako sa tabi mo.."

*END OF FLASHBACK*

*Dug! Dug!* 

WAAAAHHHH!!!!!! BUMABALIK NA NAMAN!!!! AYOKO NAH!!!!!!!!! MAKAUWI NA NGA!!!!! WAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!

The Girl Ghost Writer (Book 1- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon