Chapter 18

418 2 0
                                    

<Debby>

1 week na lang at magsisimula na ang welcome festival.. Ang bilis ng oras.. Kami ni Zed? Ganun pa rin.. Away dito, ayaw doon.. Walang pinagbago.. Aie ewan! Kahit siguro ilang ulit kaming makulong sa isang kwarto, di pa rin kami magkakasundo.. Back to normal kasi lahat.. Sa set nga kung minsan, kami yung palaging star.. Eh pano ba naman kasi, kung hindi nya ako aasarin, yung teacher yung pinagtitrippan nya.. 3 days after kami nakulong, naaalala ko pa yung ginawa nya sa stage director na si Prof. Jung.. Biruin mong hagisan nya ito ng butiki! Kaya ayun! Pinatawag nanaman sya sa SAO.. Kaya heto, mag isa ako sa part namin.. Aie ewan.. Di na talaga magbabago tong kutong lupang maniac na to..

"Is everyone here?" tanong ni Prof. Jung.. 

PATAY! Wala nanaman si Zed... Haie naku! San na ba kasi nag sususuot tong lalakeng to? Haiest..

"Sir.. Wala pa po si Zed.." sabi ni TJ, isang co-cast namin..

"I see.. I know that.. Hindi muna mag prapractice si Zed ngayon.."

"Ho? Eh 1 week na lang po at magsisimula na yung play.. Pano po...."

"Don't worry, Debby.. He'll be attending the practice tomorrow.. Napag utusan lang ng Principal.. He's under suspension.."

"Eh sino po makakapartner ko?"

"Don't worry.. I have here Zed's sub.. Thomas..."

WHAT??????? Si Tom???? O_o

"Si Thomas Gonzales muna ang magiging partner mo as of the moment.."

NOOOO!!!! IT CAN'T BE!!!!

"Ok.. Magsimula na tayo.."

Nagsimula na nga kami.. Nakita kong pumasok si Zed sa TR.. Dumiretso sya ng upo sa first row.. Halatang bugnot na bugnot.. Kasi naman, suspended.. Buti nga!

"Ang love, parang tinik ng rosas.. Hindi mo mararamdaman ang sakit nito pag di mo nahawakan.."  pasimula ng narrator..

Dumating na nga sa part namin ni Zed kung saan magseselos yung character na lalake..

"Magkasama buong maghapon sina Keen at Troy.. Ngunit.."

"Keen?!" pasimula ni Tom habang sinusugod si TJ-- yung gumanap na Troy habang wala pang kapalit yung isang nag back-out na cast.. Sabi kasi ni Prof. Jung, surprise casts daw..

"Ano ba problema mo, Luis? Ba't ba nananapak ka bigla? Okay ka lang ba Troy?" pasimula ko..

Hinigit ako bigla ni Tom.. Mahigpit na pagkahila na parang tinohanan nya talaga yung mga eksena..

"A-ano bang ginagawa mo Luis?! Bitiwan mo ko!"  pasigaw kong tugon kay Tom bilang pag arte ko sa eksena..

Tititigan ko sana ang reaction ng director kung okay lang ba yung pag arte ko o nasobrahan sa ka OA.. Kaso may nakatawag ng pansin sa paningin ko.. Si Zed..

Hindi ko matiyak yung reaction niya sa mga mata nya.. His fierce eyes locked mine.. Tinitignan nya kami ni Tom na naka ball yung fists nya.. 

Teka! Ano ba kasalanan ko sa kanya?

"Hoy Debby, linya mo na.." pabulong na sinabi ni Tom.

"H-ha?" na Rico Blanco ata ako ha.. Tss..

"CUUUTTT!!!! Maganda na sana ang mga eksena.. Debby, ano ba yang iniisip mo at di ka makapag concentrate?" tanong ni sir Jung..

Tinitignan ko pa rin yung mga mata ni Zed.. Tila galit na parang ewan pa rin.. Nakakakilabot at nakakatakot..

"Let's do it from the top.." ani ni sir Jung..

The Girl Ghost Writer (Book 1- Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon