Noong gabing tinapos natin ang lahat,
Saksi ang kalawakan kung gaano kabigat
ang bawat hakbang ko papalayo sayo.
Nung gabing yun mailap ang mga tala,
Na para bang nananadya ,
na kung anong dilim ng aking kalooban,
Ay siya ring dilim ng kalangitan,
At sumabay pa 'to sa aking kalungkutan." patayin mo ngayan Elise" utos ko kay Elise. Bakit ba kasi yan pa yung natipuhang e patugtug. Okay naman kasi yung kanta , kaso nga lang may pa free pang spoken words tsk ( natatamaan ako.)
" Ano ka ba , Ruth. Don't tell me 'di ka pa nakakamove-on? Tsk itigil mo na kasi yang kahibangan mo! Nadadamay pati kanta tsk."
Tama nga siguro si Elise, di pa ako nakakamove-on. Paano nga ba, paano nga ba bawiin ang puso ko sa taong inalayan ko na nito? Na kung saan hanggang ngayon naaalala ko parin ang dating kami. Kung saan nakatira parin ako sa dati naming alaala.
BINABASA MO ANG
Dating Tayo
RomanceThe story of two strangers who become lovers and ended up being strangers...AGAIN. "May pag- asa pa kayang mag simula tayong muli? O hindi na talaga natin kayang ibalik, ang dating ikaw at ako, ang dating tayo."