Chapter Thirteen

26 2 0
                                    


Nagliligpit na ako ngayon ng gamit ko dahil tapos na ang work time ko. Pero si Zim e nasa loob parin ng office niya. Ilang araw na nga ang nakakaraan simula ng magkita sila ng anak namin. Mag papaalam na ako sa kanya ng uuwi na ako.

Kumatok muna ako bago pumasok at nakita ko siya na busy sa ginagawa niya sa mga papeles na nasa harap niya.

"Excuse me Mr. Lee. " bigla naman siyang napatingin agad sa akin.

"Oh ikaw pala Ruthy." Sabi niya. Oo nga pala lage niya akong tinatawag na Ruthy, kaya medyo nakakailang kasi yan yung tawag niya sakin dati nung kami pa.

"Ahmm sir mauna na po ako sa inyo." Sabi ko sa kanya at agad na tumango sinyales ng respeto. Tatalikod na sana ako ng mag salita siya bigla.

"Okay hatid na kita." Sabi niya na ikinagulat ko. Bakit niya naman ako ihahatid ? Alam kong pareho lang ang pupuntahan namin dahil nasa magkaparehong building yung condo namin pero duh bakit may pahatid hatid effect pa siya.

" n-no sir, I'm fine." Agarang sabi ko sa kanya.

"No. I insist, total pareho lang naman tayo ng pupuntahan. So will you let me? I will not accept a NO. So let's go." Sabi niya, pero bakit ang sungit niya atang mag salita? Kungsabagay lage naman eh.

So yun na nga hindi na ako nakatanggi at sumabay nalang sa kanya sa pag uwi. And now nag babyahe na kami pauwi. Medyo matraffic parin ngayon kasi alas 7 palang ng gabi, marami pang nakabyahe.

Nababaliw na ako dahil binabalutan kami ng sobrang katahimikan -_____-. Bakit pa kasi ako pumayag na sumabay sa kanya eh.

"You okay?" Biglang sabi niya kaya nagulat ako.

"Y-yes s-sir." Medyo mautalutal kong sabi.

"Let's have a dinner first before going home." Sabi niya habang naka tingin sa daan.

Hala bakit niya naman ako papasamahin sa pagkain niya. Wala pa kayang sweldo kaya di ako pwedeng gumastos ng pag kain ko, baliban nalang kung para kang Luke.

" ah wag na po sir." Mabilis kong sabi kasi nga oo gutom na akonpero sa bahay nalang ako kakain tsaka baka maghintay si Luke dun.

"I told you, I am not accepting a No and I don't want you to reject me." Ehhh kasi nga kasi si Luke tsaka... Naiilang pa rin ako sa kanya.

"Ano po kasi sir si Luke walang kasama. Gusto ko sanang sabay kami k-kumain." Sabi ko na medyo nahihiya pero pilit siyang kinukumbinsi.

"I'll buy him his food so don't worry." Seryosong sabi niya .

"Pero kasi si----" di ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil bigla naman siyang nag salita agad.

"I'll pay for your dinner tonight. So please ." Bakit ba ang kulit ng taong to. Iniiwasan ko nga yung mga ganitong moment eh kasi nga ano... Dati alam niyo na.

Di na ako naka imik sa sinabi niya. Wala rin naman kasi akong laban kaya shut up nalang ako.

Mga ilang minuto lang nakarating na kami sa... Promise di kayo maniniwal sa pinuntahan namin.

"Let's go." Sabi niya at agad na bumaba ng kotse niya.

Bumaba din naman agad ako at sumunod sa kanya.

"Welcome to Jollibee " nakangiting sabi ng isang lalake habang binubuksan ang pinto. Akala ko ba ayaw niya dito...dati?

"Anong gusto mo? Ganun parin ba yung paburito mo? Do you still love eating their spaghetti ang chickenjoy? " sabi niya at bigla ko naman siyang tiningnan.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon