Chapter Nine

28 4 0
                                    


Balik na po sa dati ang lahat.
Enjoy reading.:)

*******

PRESENT...

This is it. It's my first day to be Mr. Lee's partner. At sobrang uncomfortable, dahil alam niyo naman diba, may past kami.

Papasok palang ako ng companya eh talagang kinakabahan ako na ewan. Gusto kong tumae, umihi at kung ano pa sa sobrang kaba.

Pagsakay ko ng elevator pinindot ko kaagad ang number 10. Nasa 10th floor kasi ang office ng CEO. Mas bati nang di ko siya tawagin sa pangalan niya, di ako kumportable.
Pagkarating ko sa floor kung saan nan dun din siya eh hindi ko alam kung kakayanin ko bang humakbang papuntang opisina niya.

Pagkapasok ko sa entrance papuntang office niya, nadaanan ko ang magiging pwesto ko. Mukha ngang magiging sekretarya niya ako. And now I am facing the door of his office. Nagdadalawang isip ako kung kakatok ba ako o hindi. Pero dahil sabi ni vice na magpakita daw muna ako sa CEO bago ako pumunta sa pwesto ko kaya kumatok na ako.

Tok..tok..tok

"Come in." Rining kong sabi niya. Kinakabahan naman akong pinihit ang doorknob.

Pagkapasok ko nakita kong naka upo siya sa kanyang swivel chair. At busy na naka tingin sa mga papeles na nasa harap niya.

"Go-good morning S-Sir." Medyo utal kong sabi. Napatingin naman siya agad sakin. At ganun parin ang expression ng mukha niya.... Cold.

"So you're my partner? " mahinahon niyang sabi. Mukhang di niya ata alam. Pero akala ko siya yung pumili sakin na maging partner niya. Bakit ang awkward marinig ng word na partner. Parang iba ang ibig sabihin pag kaming dalawa lang ang nag uusap.

"Y-yes sir." Sagot ko naman . Hindi ako makatingin ng diritso sa kanyang mga mata, kaya naka tungo lang ako.

"Okay." Tipid niyang sabi. Tumango naman ako at akmang lalabas na sana ng bigla siyang mag salita.

"Yesterday... The baby... is he---" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.

"MY son...sir." Agad kong dugtong sa sasabihin niya nang hindi man lang nakatingin sa kanya. At agad akong lumabas.

Pagka upo ko sa magiging pwesto ko, agad akong yumuko.

Nakita niya nga si Luke. Paano nato. Sana hindi niya maisip na anak niya si Luke, baka ano pang gawin niya.

Biglang tumunog ang teleponong nasa mesa ko. Sinagot ko naman.

"Hello, this is Chuba-Chuhu company, CEO's secretary speaking.." Sagot ko sa tawag.

[ It's me the vice president. I'll give you all the schedules that Mr. Lee will be attending today. Ipapahatid ko sa secretary ko mamaya.]

At agad na ibinaba ni vice ang tawag.

So ito na, starting today, everything will change.

*****

Naging busy ako whole day sa pag sama at pag take note sa lahat ng magiging lakad ni Zi-- Mr. Lee. Medyo hindi ko na naiisip na siya pala ang boss ko dahil sa dami ng ginagawa. Sabi ko na nga ba eh, magiging julalay lang ako nito tsk.

"RUUTHH!!" Pasigaw na tawag ni Mr. Lee sakin. Ano na namn kailangan nito. Agad naman akong pumasok sa loob ng opisina niya.

"Yes Sir?" Agad na tanong ko ng makapasok ako sa loob.

"Why did you let Ms. Seravoza to have a meeting with me?!" Galit niyang sabi. Kung di ko lang to boss kanina ko pa to sinakal.

Paano ba kasi kanina pa niya ako laging sinisigawan, kala mo ano nang nangyari.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon