Chapter Fifteen

13 1 0
                                    


After he greeted Luke, he then smile while looking at me.

"Hi" he casually said. Ano kayang nakain ng taong to at ganun nalang kong makangiti sakin. Pero ang gwapo niya.

"Hi" sabi ko and ngumiti ng bahagya.

Bigla siyang lumapit sakin at bahagyang inilahad ang kanyang kamay. At heto ako ngayon di ko alam ang gagawin dahil naguguluhan parin kung bakit niya nilalahad ang kanyang mga kamay.

"Come, i have something to tell you." Sabi niya at sa hindi maintindihang kadahilanan ay napahawak ako sa kanyang kamay. Para akong kinukuryente habang hawak ang kanyang kamay.

Pumunta kami sa veranda ng unit ko, nakatulog narin kasi agad si Luke pagkatapos silang mag usap ng daddy niya kaya okay lang na iwan na muna namin siya.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng veranda ay nalasap ko kaagad ang malamig na hangin. Madaling araw na kasi kaya masyado nang malamig sa labas. At speaking of madaling araw , bakit ngayon napiling makipag usap ni Zim eh anong oras na ngayon.

"A-Ahh Zim, anong sasabihin mo?" Sabi ko sa kanya, nakatingin lang siya sa tanawin ng lungsod at mukhang malalim ang iniisip.
Hindi siya nag salita kaya nagsalita ako ulit.

"Hmm Zim alam mo kung di mo naman sasabihin pwede naman buk----"

"I want to court you." Napanganga ako sa sinabi niya. What the!

"A-he-he Zim naman nag bibiro " sabi ko at pekeng tumawa. Nakakaloka siya sobra, ano bang nakain ng taong to at pinagtitripan ako.

"I'm not joking. Im serious, i want to court you. And I don't care kung papayag ka o hindi, basta liligawan kita." Sabi niya ng diritsahan.

"Bakit naman ata biglaan Zim? Ayoko naman kasi na maging dahilan mo ay yung liligawan mo lang ako dahil may anak tayo. Ayoko ng ganun Zim." Sabi ko ng nakayuko. Totoo naman kasi diba pangit naman siguro kung yun ang maging dahilan ng pangliligaw niya. Gustuhin ko mang magkabalikan kami pero ayoko namang maging one sided love lang ang peg namin no.

"I love you Ruth, I still do. And I think it's already enough reason para ligawan kita." Sabi niya ng seryoso at unti unting ngumiti ng nakakahulog panty. At ako naman nganga na naman ang peg ko, ilang beses na ba ako napanganga sa mga sinasabi niya. Pero as in seryoso niyang sinabi na mahal niya parin ako, at sino ba naman ako para di kiligin. Unti unti rin akong napangiti dahil sa sinabi niya.

"Okay" sabi ko ng maluwag na nakangiti. Sabihin niyo nang easy to get ako pero ano ba kayo sinabi ko na naman yata dati diba na kung bakasakaling bumalik siya sakin at mahal parin namin ang isa't isa ay tatanggapin ko siya.

"Okay? What do you mean by Okay?" Sabi niya ng nakakunot noo pero nakangiti parin.

"Okay, as in okay pumapayag na akong ligawan mo ako." Sabi ko at walang humpay na ngumiti.

Pagkasabi ko nun ay unti unting nagliwanag ang kanyang mukha. At bigla akong niyakap na para bang miss na miss niya ako. Yumakap din ako sa kanya, matagal ko nang hinihintay na dumating ang araw na to.

"Oops tama na , nangliligaw ka palang." Sabi ko at natawa naman siya sa sinabi ko. Dapat maging pakipot ako ng kaunti hahaha.

"Okay, I'm sorry baby." Sabi niya na hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Okay lang." Sabi ko at tumitig sa kanya at ganun din ang kanyang ginawa.

"I'm sorry for what happened before. I didn't mean it. " sabi niya at biglang nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng halo halong emosyon.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon