Chapter Eight

25 3 0
                                    


At this chapter mas e fo-focus ko po muna ang isang pangyayari sa PAST , walang halong pangyayari sa present. Hope you'll like this chapter. Thank you and enjoy reading. :)

******

PAST....

Waaaahhhh 3 months na kaming mag syota ni Zim, and today is our monthsary. Pero kaninang umaga  pa ako naghihintay sa kanya na bakasakaling pumunta siya dito, like what he alway do every monthsary namin. Kahit sa text man lang di ako binati.

Nakakalungkot naman. Siguro busy siya, sabi niya kasi teni-training na siya ng daddy niya para mahanda siya the next few years. Siya na daw kasi ang mag mamanage ng company nila soon.

Di rin naman niya sinasagot tawag ko, maski nga text ko di niya nire-replyan.

"Iiyak na ba ako?" Tanong ko sa teddy bear na bigay ni Zim nung 1st month namin.

"Bakit ayaw mo sumagot Zimibear? Sagutin mo ako huhuhuhu pareho lang kayo ng daddy Zim mo. Ang pangit niyo huhu." Pero syempre charoot charoot lang yung iyak ko at yung sabi kung pangit si Zim.

Pero kasi nga huhuhu di man lang niya naalala ang araw na to huhuhu. Bwes*t siya , matumba sana siya! Pero joke lang kawawa naman kung ganun.

Beep.... (Vibrate yan ng phone )

From: Baby Zim <3

Hi baby. Sorry if I did not text you the whole morning. Naging busy lang ako.
Ipapasundo kita sa driver , please be ready.


"Bwes*t siya bakit ngayon pa lang siya nag text.!" Inis kung sabi pero take note ha nag susukat ako niyan.

Ano bang susuotin ko? Hindi niya naman kasi sinabi kung saan ako pupunta. Malay mo mag ba-ball room dance pala kami, pwede din meron ako ditong damit para dun.

Ito nalang. Kinuha ko yung color blue kong dress. Simple lang siya, parang mag sisimba lang pero maganda.

Maya maya lang na rinig kong tumawag si mang boboy (yung driver) at sinabing nandyan na siya. Bumaba narin agad ako.

At somewhere down the road.... 😂

"Manong saan po tayo?" Tanong ko kang mang boboy. Nasa isang resort kasi ako dinala. Wag naman sana akong rape'pin ni mang boboy, joke lang hihihi.

"Ah maam sabi ni sir, pumasok daw po kayo diyan tapos po liko kayo sa kanan tapos po sa kaliwa naman tapos kaliwa ulit at kanan naman. Dun po makikita niyo po si sir." Nakangiting sabi ni mang boboy. Ano bayan di ko gets sinabi niya.

"Sige manong salamat po." At pumasok na nga ako sa isang pintuan ng isang malaking bahay, though di naman ganun kalaki at parang rest house lang.

At ayun nanga pag pasok ko deritso muna akong nag lakad at sabi nga ni manong una kanan daw. At maya maya kaliwa naman . Sa kalagitnaan ng pag lalakad ko nakalimutan ko ang sinabi ni manong. Kala ko ba di kalakihan ang bahay na 'to bat naliligaw ako.

Hinanap ko ang daan pa punta kay Zim. Ano ba yan pina pahirapan naman ata ako ni Zimiboy na yun.

~pen pineapple, apple pen...

Tumunog bigla phone ko, at si mang boboy ang tumatawag.

"Oh manong bakit po?"

[ah ma'am sabi ni sir ka pag naka liko napo kayo sa unang kanan at unang kaliwa pwede na lang daw po kayo dumiritso. At yung pintuan po na malaki, pasok daw po kayo at nan dun na po ang lokasyon ni sir.]

"Salamat po manong." Agad kong pinatay ang phone ko.

Walang ya, pwede naman palang dumiritso lang pinapagud  pa talaga akong lumiko sa kung saan. Tsk.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon