Chapter Twelve

29 2 0
                                    



Papunta ako ngayon sa opisina, absent ako kahapon so dapat maaga akong pumasok. Pero medyo kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Pero simula ng malaman ng anak ko na daddy niya ang taong pinag ta-trabahuan ko, hindi ko na alam kung anong magiging kalabasan ng buhay namin ngayon.

Pagkarating ko sa opisina, ay dahan dahan akong pumunta ng pwesto ko at umupo upang di malaman ni Zim na nandito na ako. Baka kasi tanungin niya ako tungkol kay Luke.

Okay na sana ang lahat ng biglang tumunog yung phone ko.

~pen pineapple apple pen...~

Tsk, sino naman kaya 'tong tumatawag. Number lang kasi.

"Hello, this is Yshnaira Ruth Hermosa, what can I do for you ?" Mabilis kong sabi.

[come inside]

Mahinahun at mahinang sabi ng tumawag.

"Excuse me? Wrong num---"

[It's Izanami, please come inside... In my office. NOW]

Sabi niya at binaba na agad ang tawag. Huhuhu sabi na nga ba eh , pero paano niya nalamang nandito na ako? Tsk.

Agad naman akong kumatok at pumasok sa opisina niya.

"Y-Yes sir, ano po ang kailangan niyo?" Medyo kabado kong sabi.

"About yesterday, your son -- OUR son told me that you're sick. Is that true?" Talagang diniin niya ang OUR , kung maka OUR parang tinulungan niya akong mag alaga dati.

"It's MY son sir, and yes it's true that I'm sick." Kung diniin niya ang pag kakasabi ng our mas diniinan ko naman ang pagsabi ng MY. Akala niya huh.

"It's OUR son. NOT only yours but also MINE."

"Paano mo nalaman?" Mahina kong sabi sa kanya. Paano niya nga ba kasi nalaman.

"Yuhan told me. He said nabustis daw kita kaya ginulpi niya ako. At the first place di ako naniwala, pero ginawa ko ang lahat para malaman ang totoo. Pinadala ko ang yaya ni Luke upang mabantayan ang bata at upang maka kuha ng buhok nito at syempre binigyan ako ng pahitulot ng kuya mo kaya sinabi niya sayo na sa kanya galing si yaya." Sabi niya ng matamang tumitingin sa akin, habang ako ang tulala at nakikining sa susunod niyang sasabihin.

"Remember the day when you saw Luke talking with me at the park? That day kinuha ko ang sa yaya niya ang suklay na ginamit niya kay Luke na may buhok na nakasabit. Pina DNA ko, at doon ko nalaman na anak ko nga siya."

Lumapit siya sa akin, hindi ko alam kung galit ba siya o ano basta ang alam ko hindi parin mag sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya.

"Now Ruth , you tell me NOW! Is he my son? Gusto kong marinig sa mismong bibig mo ang mga salitang dapat dati ko pa na rinig."  Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, imbis na mag salit ay napaluha ako.

"Tell me Ruth, tell me" mahina niyang sabi habang pinupunasan ang aking mga luha.

Tumango ako at mas lumuha pa.

"Why ? Why did you not tell me?" Mahinahon niyang sabi .

"INIWAN MO AKO!!!" Sa puntong ito hindi ko na makayanan pang hindi maluha ng maluha at sinigawan siya. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat at ng lumaon ay nakita kung parang nan lumo siya.

"Iniwan mo ako Zim!! Iniwan mo ako ng walang paalam na aalis ka na pala, na iiwan mo na pala ako!!!" Sabi ko ng hindi parin tumitigil ang pag agos ng aking mga luha. Nakita ko siyang mas lumapit sa akin. At dahan dahang pinunasan ang aking luha at idinikit ang aming mga noo. Pero lumayo ako.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon