Chapter Ten

31 2 0
                                    


Nandito ako ngayon sa sala kasama si Luke. Walang pasok kaya maspinili ko nalang na e gugol ang oras ko kasama ang anak ko. Nanunod ng palabas ngayon si Luke, habang ako ay di makapanuod ng maayos dahil may iniisip.

Napagmataan kong dito rin pala mismo sa building na ito ang condo ni Zim. Nalaman ko yan kahapon sa isa sa mga staff . Nasa 6th floor ang unit niya, magkasunod lang pala kami. Kaya ito ako ngayon double ang pagbabantay sa anak ko, mahirap na at baka mag kita sila ulit.

"Mommy! Mommy I want to have like that po" sabi niya habang tinuturo ang laruang  ipinapakita sa t.v.

"Okay baby, tomorrow bibili tayo."

"Yeheyyyy , yeheeyyy" masayang nag tatalon with matching palakpak ang ginawa ni Luke. Grabe ang kulit niya na, parang kailan lang nasa tiyan ko pa siya .

"Stop na baby, manuod ka na ulit." Sabi ko sa kanya. Tumugil rin naman agad siya.

"Baby wait for me ha, alis lang ako sandali bili muna ako ng favorite mong cake ha?" Sabi ko sa kanya. Na ubusan na kasi kami kahapon ng cake kaya bibili muna ako para may snack siya mamaya.

"Okay mommy."

"Okay sige, si yaya muna kasama mo ha. Hintayin mo ako at wag kang lalabas ng condp ha?" Sabi ko ulit. Mas mabuti na yung sabihan siya na wag lumabas, baka mag kita pa sila ulit.

"Yaya ikaw muna po mag bantay kay Luke, aalis po muna ako. Babalik lang din po agad ako. At wag niyo po siyang palabasin yaya ha." Bilin ko kay yaya. Baka kasi pabayaan niya na naman si Luke.

Pagkalabas ko sa unit ko, agad din naman akong sumakay ng elevator. May kasabay akong babaeng naka yuko at parang umiiyak. Hindi ko nalang pinansin at nag hintay nalang ako na makarating sa ground floor.

Saktong pag bukas ng pinto ng elevator ay agad naman akong lumabas at kasunod na lumabas naman ang babaeng umiiyak. Tiningnan ko siya at parang pamilyar ang kanyang pigura. Di ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

Hindi ko napansing sa direksyon ko pala siya papunta at hindi niya nasadyang mabunggo ako, dahil naka yuko siya't umiiyak.

"So-sorry miss.." Sabi niya, at tumingin siya sakin.

Hindi ko maiwasang magulat nang tumingin sakin yung babae. Hindi ko nagawang kibuan ang babaeng nasa harap ko ngayon.

"Miss ,sorry talaga ." Sabi niya ulit at ganun parin medyo umiiyak pa siya.

"O-okay lang." Sabi ko at agad namang umalis ang babae.

Hindi ko alam pero bakit siya nandito? Hindi kaya magkasama sila?..

***

Wala sa sarili kong inabot ang binili kong cake. Pabalik na ako ngayon sa condo pero hangang ngayon iniisip ko pa rin yung babae. Tama kaya hinala ko na baka magkasama sila--- tsk, eh ano naman kung mag kasama sila diba?

Pero bakit parang kumirot ang dibdib ko nung makita ko siya kanina? Dahil ba siya yung dahilan kung bakit nagkaganito yung buhay ko? O dahil hanggang ngayon naaapektuhan parin ako. Hayst ewan ko di ko na alam , bakit ba kasi bila bila nalang sila bumabalik pagkatapos ng tatlong taon, tsk.

Papasok na ako ngayon sa unit ko, at agad naman akong sinalubong ni Luke.

"Mommy where's my cake?" Tanong agad ng anak ko at binigay ko naman agad yung binili ko.

Dumeritso ako ng kwarto ko at nahiga ng bahagya. Iniisip ko parin yung nakita ko kanina. Ano ba kasi ginagawa niya dito at bakit siya umiiyak? Tsk. Bakit ko ba sila iniisip.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon