Chapter Seventeen

21 2 0
                                    


Bago kami pumunta sa sinasabi niyang resort daw ng parents niya na kung saan daw kami mag de-date ay ipinagbili niya muna ako ng damit na masusuot ko. Kung bakit kasi di niya nalang muna sinabi na sa beach pala kami pupunta edi sana di na kami bumili.

And ngayon nga nandito na kami sa Lee's Beach Resort. Mga hapon na rin ng makadating kami dito dahil narin sa layo ng lokasyon ng beach nila.

"Come, i'll show you your room." Sabi niya ng makuha lahat ng pinag utusan niya ang mga gamit na binili namin—niya kanina. Sumunod naman ako sa kanya papuntang kwarto ko daw kamo.

"Bakit parang ang dami naman yata ng mga binili natin kanina, para saan ba yan? Ang daming damit oh" sabi ko sabay turo doon sa taong may dala ng mga pinamili kanina.

"Cause we'll stay here until sunday." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tumigil sa pag lalakad, ganun din siya napatigil.

"Bakit di mo sinabi Zim!? Paano na ngayon si Luke ha? Sana pala dinala ko nalang siya papunta dito!" Inis kong sabi. Eh kasi naman baliw din tong lalaking to eh, 3araw at 2gabi pala kami mag e-stay dito pero sa buong byahe o kahit man lang kagabi ay di niya sinabi sakin. Paano na to, maghahanap pa naman si Luke sakin pag di ako naka uwi.

"Look, don't worry. I already told Yuhan about this, at kukunin niya si Luke sa unit mo. So don't worry about our son, okay?" Dahil sa sinabi niya ay gumaan ang loob ko, pero paano niya napapayag si kuya e ang busy ng taong yun.

"Okay." Sabi ko sabay lakad ulit papuntang kwarto ko.

"We're here." Binuksan niya ang pinto at talagang namangha ako dahil sa ganda ng room na tutuluyan ko. Kung titingnan mo sa labas ay parang kubo lang siya pero pag pumasok kana talagang mapapa wow ka sa ganda ng silid.

"Wow ang ganda" mahina kong sabi na bahagyang maririnig niya lang ito.

"I'm glad you like it. So take a nap, just call me if you need something. My room is just right next to your room." Sabi niya bago umalis pero di paman nag iisang minuto ay may bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito si Zimri.

"Oh by the way, be ready for our dinner date. See you, baby" at agad na umalis ulit.

Lumapit ako sa nag iisang higaan na nandito at agad na nahiga. Grabe ang lambot lang ng higaan nila. Buti naman kahit may anak na kami ni Zim ay nire-respeto niya parin ako dahil di niya naiisip na tumuloy kami sa iisang kwarto.

Binuksan ko ang phone ko at nag patugtug ng paborito kong kanta, yung Flightless bird, American mouth. Hanggang sa nakatulog ako.

****

Nagising ako dahil sa pag vibrate ng phone ko. Pagtingin ko sa screen, 5pm na pala. Grabe dalawang oras ako natulog, nakakapagod din kasi ang byahe.

Tiningnan ko ang message sa phone ko, at nanggaling ito sa walang ibang lalaking pinupusuan ko— Zim.

From: Zimzim❤️

Hey, baby. Hope you're ready. 6pm, someone will bring you here.

Maikling txt galing sa kanya pero malabagyong kilig at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Mabilis akong tumayo at dumeritso sa banyo upang maligo.

Mabilis na tumakbo ang oras at ngayon ay alas 6 na at sobrang ready na ako. Suot ko yung binili ni Zim na floral dress na above the knee ang haba. Maganda siya at maaliwalas sa tingin dahil kulay puti ito.

Habang nag hihintay ay may biglang kumatok ng pinto. Ito na siguro yung susundo sakin. Mabilis kong tinungo at binuksan ang pinto at di ako nagkamali dahil siya na nga ang susundo sakin para dalhin ako kay Zim.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon