Chapter Eighteen

14 1 0
                                    



Masarap ang gising ko ngayon, dahil sa nangyari kagabi. Ang saya lang isipin.

"Thank you so much, Ruthy for giving me second chance." Sabi ni Zim habang nakahawak sa mga kamay ko.

Kakatapos lang namin kumain kaya nandito kami sa dalampasigan, naka upo sa puting buhangin at nilalasap ang simoy ng hangin.

"You deserve my second chance Zimri. And thank you too, for coming back. I know meron tayong magulong love story noon, pero alam mo ba na lagi kong hinihiling na sana bumalik ka kahit na ansakitsakit pa nito dahil sa ginawa mo" sabi ko habang tinuturo ko ang kaliwanb dibdib ko.

"I'm sorry for hurting you, and I promise now, that I won't leave you again." Dama ko ang sinsiridad ng sinabi niya ang mga salitang yun. Hindi ganito si Zim noon na sobrang open sakin, dahil noon minsan lang siya kung mag banggit ng mga nangyayari sa buhay niya hanggang sa bigla nalang siya noong nawala.

"I hope so Zim."

"I love you Ruthy." Sabi niya at bago paman ako makaganti ng pag sabi niyang i love you ay agad niya nang sinunggaban ang aking mga labi. Bahagya pa akong nagulat pero kalaunan sumabay narin ako sa galaw ng kanyang labi.

Lumalim ng lumalin ang paghahalikan na ginawa namin, at alam kong ibang sensasyon na ang nararamdaman namin. Na para bang miss na miss namin ang isa't isa. At sa di ko alam na pangyayari ay bigla nalang kami nakapasok  sa kwarto niya. At alam ko na kung saan patungo ito, pero ayokong pigilan dahil talagang namiss ko rin siya...and the whole night we enjoyed making love. I know it's too fast but atleast we both know and feel that we love each other. So after that night of hunger, we feel asleep until we find our rest.


Hindi ko talaga lubos maisip na sa paggising ko sa umagang ito ay mukha niya agad ang bumungad sakin. Tulog pa siya at ang ganda niya lang tingnan.

Hindi ko alam kung paano ko siya pag lulutuan ng pagkain eh wala namang kusina ang mga silid dito. Mamaya nalang siguro kami kakain sa labas pag gising niya,

Grabe ang gwapong nilalang ng boyfriend ko. Ang matangos niyang ilong, makinis na mukha, malababaeng pilik mata at ang bibig niyang mapula pula.

"Stop staring baby" nabigla ako ng magsalita siya. So all this time eh gising pala siya? Nakakahiya, sabihin pa niya e ang harot harot ko na talaga. Sigurado akong pinamumulahan na ako ng mukha ngayon.

"Don't blush Ruthy." He said chuckling. Wala na talaga sobrang nag iinit na ang mukha ko ngayon.

*****

Nasa kitchen kami ngayon ng resort ni Zim. Maganda ang lugar at ang pagkakaayos ng mga gamit kaya maaliwalas tingnan ang kusina.

"Baby, what do you want me to cook this morning?" He ask seriously.

"Anything." Tipid na sagot ko, medyo inaantok pa kasi ako. Sino ba kasing di mapupuyat sa kalukohan nitong si Zim kagabi. Hayst masyadong maharot.

"Okay".

Nag simula na siyang magloto kaya naisipan kong libutin ang kabuoan ng kusina. Gaya ng sinabi ko kanina, maaliwalas siya dahil well organized ito. Grey ang motif ng kusina, masyadong eleganteng tingnan. I wonder kung gaano kayaman nitong si Zim, kung sabagay may-ari naman sila ng companyang pinagtatrabahuan ko.

Mga ilang minuto din ang nakalipas bago niya ako tawagin para kumain.

"Baby, breakfast is ready " masiglang sabi niya at mabilis naman akong pumunta sa kanya.

"Wow naman, siguradong masarap to Zim." Masayang sabi ko at agad nilantakan ang niloto niya. Masarap nga talaga. Naghanda lang naman siya ng bacon, fried egg, ham, bread and milk for me and coffee for him.

"So pwede naba akong maging lawfully husband ng buhay mo?" Nakangiti niyang sabi na tila nagpapacute lang naman talaga hahaha.

"Hmm. I'll think about it" mapang asar kong sabi sa kanya at kita namang nanlumo siya sa narinig.

"Joke lang Zim zim ko, syempre sa susunod oo pero ngayon hindi pa" sabi ko.

"Yeah, I know baby. I love you" malumanay niyang sabi at unti unting bumalik ang ngiti niya.

"I love you too Zim zim" i said and i saw him slowly moving towards me to kiss me but before it happens, sinubo ko agad ang bread sa bibig niya. Nakakahiya di pa ako naka pag toothbrush no, kaya no kiss until hindi pa ako nga babrush ng teeth.

"Sorry Zim zim. Later, okay?" Mahina at malambing kong sabi.

"Okay, baby. But... Make sure that we'll make it long" mapanukso niyang sabi, kaya agad akong pinamulahan sa sinabi niya. Bakit ang harot harot ni Zim?

***

Short update. Sorry for not updating for so long, babawi po ako. Busy lang sa academics. Hope you'll understand guyses. :)

#pencilcase24

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon