Chapter Two

44 3 0
                                    


" Everybody please listen. You only have 2 days left to pass your works. I need to collect that as soon as possible. Kinakailangan na kasi na may malagay na na bagong designs sa bagong magazine na e re- release sa susunod na linggo. Hope you'll do your best. That's all and go back to your work." Sabi nung vice president ng companya.

Pumunta kasi siya sa sa lahat ng blocks na nandito sa companya, at kami ang huling block na napuntahan niya. Kinakailangan na kasi nila ang mga bagong designs na magagawa namin. Ilang araw nalang kasi e ipapalabas na ang magazine na tungkol sa fashion na kung saan ang mga mapipili nilang mga design na galing sa amin ay maaaring maipaloob dun.

"Hay, magiging busy na naman tayo nito. Puyatan na naman ang role natin ngayon, papangit na naman ako." Malungkot na sabi ng ka opisina namin.

"Kala mo naman maganda ka. Don't worry hindi ka papanget kasi panget ka na naman talaga. Relax girl." Pang aasar na sabi ni Elise. Kahit kailan talaga ang babaeng ito, tsk.

"Mag trabaho na nga lang kayo. Puro kayo asaran eh." Sita ng isa pa naming ka opisina, si Sabrina ata yun.

And ayun nga naging busy lahat sa mga kanya kanyang trabaho. At dahil ako nga ang may mataas na posisyon sa block namin, laging akong busy sa pag che- check ng mga ginagawa nila kung okay na ba. Pagkatapos e balik din ako sa gawain ko.

Minabuti kung tiningnan ang guhit ko ng isang pang fashion na damit. Okay naman na siguro to. Gabi na at talagang nag over time kaming lahat. Dapat kasi 7pm lang uwi namin, pero ito at als 9 na ng gabi at kakatapos pa lang namin sa mga ginagawa namin. Napag desisyunan ko rin na pauwiin na sila, alam kung pagod na rin sila kaya umuwi na kami.

" besty, una na ako ha. Ingat ka sa daan." Paalam ni Elise bago sumakay ng taxi.

Malayo kasi yung bahay ko sa bahay ni Elise kay hindi kami sabay kung sumakay. Habang nag aabang ako ng taxi, may bigla akong nakitang babae na muntik ng nasagasaan.

Peeeeeepppppppp!!!

(Busina yun ng isang kotse.)

"Aaaahhhh" sigaw ng babae na muntikan ng masagasan. Lumabas naman yung may ari ng kotse.

" baliw ka ba ha, kung gusto mong mag pakamatay sabihin mo at ililibing kita ng buhay. Tsk" sabi nung lalake.

" so-sorry po." Pag hingi ng paumanhin ng babae. Bat ba siya nag so-sorry, baliw ba siya? Siya na nga tung muntik ng masagasaan eh.

Hindi ko na pinansin ang mga nangyari at sumakay na ng taxi. May naalala na naman kasi ako ng makita ko yung pangyayari kanina. Ugggghhh!! Bat ba kasi lage ko siyang naaalala.

Past...

Uwiian na kaya nag hihintay ako ngayon ng taxi. Kaso may bigla akong naalala. May bibilhin pa pala ako, kailangan ko pang mag grocery. Total malapit lang naman ang mall dito lalakarin ko nalang.

Patawid palang ako ng may biglang bumusina .

Peeeeeppppp!!!!

Napasigaw naman ako sa lakas ng busina. Walangju nasa  tama naman akong daanan ah.

Lumabas ang may ari ng kotse at binulyawan ako. And guest what??

" hoy babae, what do you think you're doing?! Bulag ka ba ha--IKAW?!" Singhal niya sakin.

"IKAW?!" Gulat ko ring sabi. Paano ba naman kasi siya yung naka bungguan ko sa mall nung isang araw. Pag nag kataon nga naman.

"Hey lady, what's you're problem? Can't you see my car ? " sita niya ulit sakin. Aba at siya pa talaga 'tong galit.

Dating TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon