Typo errors are a lot.Chapter 3
Hit and Drunk"Tangina, bakit ang dami mong dala?" Reklamo sa 'kin ni Garrett habang dala-dala niya ang mga cheerleading stuff ko papunta ngayon sa parking lot ng university. Tapos na kasi ang practice game kaya naman nagsiuwian na rin ang mga estudyante na nanuod kanina sa gym. Siya rin ay bitbit ang varsity bag niya.
Of course, when the College of Accountancy and Business Administration basketball team won the game, everyone in our department was really happy and shouting their lungs out. Hindi lang iyon, buwisit na buwisit din ang team ng College of Engineering dahil nilampaso sila ng CABA team. Lalo na ang Aidan na iyon slash Bakekang's new boyfriend na halatang buwisit na buwisit din habang nakatingin sa 'min ni Garrett.
Our pretending scheme is really working!
Hindi ko talaga alam na may silbi din pala sa lipunan itong si Garrett. Buong akala ko dati ay isang patapon na hayop lang ito pero hindi pala. Hello, mas walang silbi ang ex mong pumatol kay Bakekang!
I rolled my eyes. Siya kaya nagpresenta na humatid sa 'kin pauwi. Of course, para maniwala sa amin ang mga tao that we're really a 'thing', "Well, diba, it's obvious written code na ang mga boyfriend ang magdadala ng mga gamit ng girlfriend. Duh!" Though ako lang talaga gumagawa 'nun dahil ako naman talaga nagdadala ng mga gamit ko 'nung boyfriend ko pa si Aidan. Ayoko kasing mas mapagod siya lalo - lalo na kapag katatapos lang niya sa practice. I was really caring towards him.
But Garrett de Leon is a special case. Gusto ko rin kasi siyang gawing alipin.
"Kaya ka siguro hiniwalayan ni Villongco." He murmured as he immediately opened the trunk of his Nimbus Grey Audi car and without care, shoved my stuff and his varsity bag. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya.
(c) Nimbus Grey Audi
"Oh my god, my bag! Handle it with care, asshole!" Oh my god. Malamang kapag may nakarinig sa 'min ngayon ay magdududang couple talaga kami! Iniinis ako nitong asshole na 'to!
BINABASA MO ANG
Revenge of an Ex (Finished)
Teen Fiction(Finished) Sereen Lexi Dela Vega is famous for being a campus queen. She has it all - pretty, rich, a cheerleading captain with a hottie boyfriend, Aidan Villongco. But well, that was before Aidan cheated on her. Now, she wants revenge. Of course...