Is It Real?

1 0 0
                                    

Entry #9 (02.6.17)

Hi Diary,
    Di ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi naman.. Biruin mo yung hiniling ko kay god parang binibigay niya na sa akin.. To think na parang last night ko lang yun ipinagdasal..

Unexpected talaga to diary.. Hindi ko akalain na mag offer o mag tatanong si Lister na kung gusto ko daw ba ng ganun??..

Oi.. Wait baka iba iniisip mo ha.hihi..
Ganto yun..

Kaninang magtatakipsilim, tumambay siya.. Kala ko nga hindi nanaman siya pupunta dito kasi two nights siyang walang tambay.. Ang alam ko may ginigawang silang work ni Mik..

Kaninang mga hapon pumunta naman siya , kaso hindi siya pumasok sa may bilihan sa store. Si mik lang ang bumili...hindi nga ako pinansin eh. Siguro nahihiya lang yun kasi hindi pa siya nakaligo, madungis pa.. Nalungkot tuloy ako at Napa isip nanaman ng malalim..

Pero may kutob naman ako na babalik siya..at nangyari nga yun.. Kanina ngang mag
Tatakipsilim na, Nadatnan niyang nag iinom si Tony Amid. Ayun. Niyaya siya, pero tinanong mo na niya kung pwd daw ba siyang uminom..

Can IGanun tanong niya.. Humingi muna ng permission.

Deep inside natutuwa ako kasi although sabi ko sa kanya 3nights ago na.. Congrats, wala ng rules, nag paalam pa din Siya.. Haayy I know gusto niya pa din yong feeling na sinasaway siya.. Nag katampuhan nanaman nga kami nung time na yun. Kasi siya..pasaway sabi ko sa rules na bawal nga uminom pag di pa nag dinner.

Ngayon, Pumayag din naman ako kasi bukod sa gusto kong pangatawanan ng wala ng rules o bawal... e Alam Kong wala siyang inom this fast two nights.. At sabi niya pa lumabas daw ako mamaya.. We need to talk daw..

After ko mag dinner at mag freshen up, lumabas na ako. Tumayo naman siya at umihi bago niya ako nilapitan sa may bakod.

Ayun..usap kami sabi ko, last na yung iniinom nila kasi pangatlong redhorse na yun.

Extra sweet siya ngayon kasi nga may ininom. Panay hawak sa kamay ko at hinahalik halikan...Ang bango daw. Nag polbo kaya ako bago ako nag luwas..hihi. Pansin Kong lasing na siya, umamin siya kaya daw ganun kasi bago daw siya pumunta dito, nag di kantong maliit na sila ni Ryan, naligo daw siya para di ko daw mahalata.. Ang Galing nga kasi diko nga nahalata..

At heto na yung sinasabi ko kanina diary.. First, he ask me kung MAHAL KO daw ba siya??

Gosh...

Shocks..

Nagpatumpik timpik pa ako bago ko sinagot na..

OO Kaso nga Menomzoned niya kamo ako..

Paulit ulit pa siyang nag tanong, Kung mahal ko pa daw siya. Alam niya siguro before na may feelings ako.. Masaya siya sa pag amin ko.

Sabi niya may narealized daw kasi siya.. Masyado siyang na hook sa mga sinasabi ni Vice Ganda sa showtime.. Mga facts about Love.. And he told me na nakikita niya daw sakin si Vice.. Sa attitude sabi niya before. Saka funny daw ako.. Mga ganun..

He asks me kung gusto ko daw maging kami nalang at brenebreak na daw niya Ang momzoned.. Meaning, he can love me back.

Sabi ko sa kanya lasing lang siya at bukas mahihimasmasan na siya.. Sabi niya naman kahit daw siya lasing Alam niya mga sinasabi niya at kanina daw bago pa man siya malasing napagisipan niya na yun..isa pa proven and tested ko naman yun.

I don't know what to say, ayun na yung pinagdasal ko na Sana ma experience ko na maging kami.. Pero may  alinlangan pa rin ako kasi nga sabi ko sa kanya, masasakal lang siya sakin kasi ngayon nga hindi kami pinagbabawalan ko siya. Sabi niya naman ayos lang naman daw yun. Sabi ko pa. Parang habo ko na maging jowa Ang friend kong boy na gusto ko kasi mag be break up kami, kapag friends lang walang break up..

Pero parang gusto ko din na maging kami.. Gusto kong maranasan as he's partner....
Naguguluhan ako sa sarili ko.. I don't know what I want..

Sabi niya pa halos lahat daw kasi ng mga kaibigan niya ang alam, kami nga daw.. Saka kahit sa bandang sa may kanila yun ang Alam.. Tinatanong pa nga daw kung ayos kami??

Ganun din naman daw ang naiisip ng iba kaya totohanin nalang daw namin..

Sabi ko paano pag di nag work? Back to normal??

Hindi siya naka imik at tila natahimik..

Tinanong ko kung bakit ? Dahil ba sa sinabi ko..

Hindi pala..

Narinig ko nalang na naiiyak na siya dahil doon sa pag broke up ng X GF niya few days ago lang..

Sabi niya, mahali niya daw talaga yun. almost two years kasi sila kaso LDR  sila.. Nasa manila yung girl.. Gusto niya daw maging sila ulit.. He will try to reconcile with her.

Ayon, anong dapat Kung maramdaman Doon? Honesty diko Alam, Basta sinubukan ko nalang palubagin Ang loob niya na everything will be OK. In time.

Umiyak namaman siya..he is trying to hold his tears not to fall but he didn't succeed.  Nag paalam na siya na uuwi nalang daw siya.. Itutulog niya nalang daw to.. 8pm palang sana.

Haaayyyyyss.....

Ganito nalang, di ba pag dating sa love, fair naman..? E di pag na open niya ulet yung offer na yun di go na ako.. Saka ako lang daw kung ayaw ko e ayos lang naman.

Ee parang gusto ko.. Sasabihin ko nalang na itatry namin ng maybe a week o month Kung walang works ei, di back to normal..:)

Bahala na. Please help me god.

Sign off:
02.06.17
11:54pm

Diary Ni MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon