Marife wasn't feeling well. Kahapon pa masama ang pakiramdam niya. She went to the hospital yesterday to have a checkup. And unfortunately, she had a virus. Uso ang lagnat sa buong Belgium.
Nagkasakit lang naman siya simula ng umuwi sila galing Argentina. Isa siya sa miyembro ng mga ITA or International teacher's association. Isang organisasyon na naglulunsad ng libreng aral at turo para sa mga bansang may malaking kakulangan sa edukasyon. It's a large majority of teachers union and associates around the world. And she's one of the EI or Education international. EI created by the merger of two major teaching organization. Sa ngayon, more than twenty-five million teachers na ang kasama sa kanila.
Isa sa pinalad niyang makilala ay si Leah. She's from the Philippines too. Pilina gaya niya. Kasama niya itong nakapasa noon sa practice at sabay silang nabigyan ng award bilang miyembro ng ITA. Naging matalik silang magkaibigan. Sa katunayan, ito ang kasama niya sa apartment. Pero wala siya ngayon, nasa pilipinas ito. Pagkatapos ng huling mission nila noon sa sulu. Nagfile ng vacation leave si leah para makasama ang anak nito na nasa panga ngalaga ng asawa nito.
At siya naman ay bumalik dito sa Brussels para tanggapin ang misyon sa Argentina. But after that, ito siya. May sakit. Hindi siya makabangon at masakit din ang katawan niya.
Tunog ng cellphone niya ang pilit nagpapabangon sa kanya. Inabot niya iyon gamit ang isang kamay habang hawak sa noo ang cold compress niya.
Mula sa caller ID mukha ni Marie ang nakita niya. She's her youngest sister. Graduating na ito sa kursong Education. Pangarap din daw nitong maging kagaya niya. Siya nalang ang natitira nitong pamilya. Dahil namatay sa isang vehicular accident ang mga magulang nila seven years ago. Kaya siya na ang tumatayong magulang nito. Siya rin ang tumutustos sa pangangailangan nito at lalo na sa pag aaral.
Sinagot niya. "Marie.. "
Iyak at hikbi ang sumalubong s akanya. "A-Ate.. "
Tila nahulasan siya at nawala ang lagnat ng marinig ang umiiyak na tinig ni marie. Sa lahat ng ayaw niya ay ang umiiyak ito. Nabitiwan niya ang hawak na cold compress at saka mas nagpokus sa kausap. "Marie anong nangyayari? Bakit umiiyak ka?" Kinakabahang tanong niya.
Umiyak muli ito. "Ate... "
Napahawak siya sa noo. "Marie ano ba? Ate ka ng ate! Ayaw mo naman sabihin kung bakit?" Noong mamatay ang mga magulang nila ay nakausap pa niya ang kanyang ina. Mahigpit nitong bilin sa kanya na alagaan niya si Marie. Bunso ito at alam niyang mahal na mahal ng nanay at tatay nila. Ganoon din naman siya. Mahal na mahal niya ito.
"A-Ayoko na pong mag aral.. " Iyon ang narinig niyang sinabi nito.
Tila bagong gising na napakunot noo siya. Ano't nagdedesisyon ito ng ganoon ngayon. "Anong ayaw mo na? Gagraduate kana Marie susunod magrereview kana para makapasa sa board exam at kukuha ka ng ilang units dito sa Europe para makapag practice ka. Anong ayaw mo na?" Hindi maiwasang sermon niya. Noong isang araw ay excited itong ibinalita sa kanyang gagraduate itong cum laude kaya nakapagtataka na aayaw ito.
"Ayoko nang pumasok ate.. Hindi ko na kaya ang panunukso nila." Umiiyak na sumbong nito.
Pakiramdam niya ay nawala ang sakit niya. "Marie umayos kang bata ka! Ano bang nangyayari sayo d'yan? At anong tukso? Binubully kaba?"
Humikbi ito. "I'm sorry ate.. I'm sorry. "
Nagiinita ng ulong napatayo siya. "Marie! Next month nasa pilipinas ako. I can transfer you to another university kung iniisip mong ayaw mo nang mag aral dahil binubully ka. My God Marie gagraduate kana. At ngayon mo pa talaga naisip yan? Di bale nang mawala ang award mo.. Alam ko naman na matalino ka."
"Ate hindi ganoon kadali iyon..." Sabi pa ulit nito. Iniiwasan niyang magalit dahil ayaw na ayaw niyang pinagagalitan niya si Marie. Malayo siya dito para tignan palagi ang ginagawa nito. Kapag palagi niya itong pagagalitan baka magrebelde ito sa kanya. At hindi niya gustong mapariwara ang landas ng kapatid niya. Gagawin niya ang lahat para umayos ang buhay nito. Tutulungan niya itong abutin ang sariling pangarap. Dahil iyon ang ipinangako niya sa mga magulang nila. Magiging magulang siya nito.
"Paanong hindi? Marie kaya kong pakiusapan ang school na bigyan ka ng slot. Trust me. Kaya ni ate iyon. Kaya wag ka nang umiyak." Pagpapatahan niya dito. Kung pwede nga lang ay kunin na niya si Marie kaya lang mahirap makakuha ng citizenship dito sa Brussels. Dapar may five to seven years ka nang working visa dito o kaya naman ay may asawa kang citezen na dito. At hindi niya madadala si Marie dahil hindi pa siya ganap na rehistrado. Temporary registration palang siya. Dahil sa klase ng trabaho niya. Narinig niya ang huling hikbi nito bago muling nag salita.
"Ate.. Buntis ako."
To be continued...
----------
Hello teacher marife santos.. Sana po magustuhan niyo ang little surprise ko sa inyo.
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN series 8: Simmeon Tan
General FictionGENTLEMAN Series 8: Simmeon Tan Bachelor. Powerful. Wealthy and gorgeous. Ilan lang 'yan sa mga katangian kung bakit "Ilang" beses na rin muntikang mapikot ang isang Simmeon Tan. He play around. He fool around. All right. Pero given naman na daw iy...