Katakot takot na diskusyon pa ang inabot nila before Simmeon agreed to let Dex to took care their child. Ngayong gabi na kasi ang Charity party na pupuntahan nila. Hindi naman nila pwedeng isama si VJ kaya naisip niya. Ihahabilin muna nila ito kay Dex. Dex apartment was only train away sa lugar nila. Hindi naman mahirap puntahan.
Tuwang tuwa pa nga si Dex ng makita ang anak niya. Noong una ay ayaw pumayag ni Simmeon dahil sabi nito anong alam ng isang lalaki sa pag aalalaga ng bata? Bukod sa kanya. And when dex finally introduced his self to Simmeon. Doon nito nalaman ang maitim na lihim ng kaibigan niya. At ang hitad niyang kaibigan ay inamin sa harapan ni Simmeon na crush niya ito.
"Your friend is a wayward sick!" Komento ni Simmeon habang lulan sila ng sasakyan patungong Carrefour de l'Europe kung saan gaganapin ang party na pupuntahan nila.
Tumawa lang siya. "Ganoon talaga si Dex. Actually, noong hindi ko pa alam ang preferences niya. I'm also one of those cheering bug na baliw na baliw sa kanya." Napangiti siya after reminiscing about what happen before.
"So you mean nagkacrush ka sa kanya?" He frowned. Na kinakulat niya.
"Umm, Yeah.. P-Pero matagal na 'yon. I'm totally over him." Itinaas pa niya ang kanang kamay tanda na nagsasabi siya ng totoo.
Tumango ito. "Good. Because i won't allow you to admire any other male species." Natigalgal siya. Pero mabilis nitong nasundan ang sinasabi. "Kapag nakasal na tayo."
She released a deep breath. Tumahimik na lang siya at hindi na nagtanong pa. Pagdating nila sa Hilton Brussels Grand Place ay dumeretso agad sila sa function hall. Nag uumpisa na pala ng dumating sila.
Lihim niyang sinipat ang sarili. She was wearing her old simple navy blue dress. Off-shoulder iyon. Umabot lang iyon sa tapat ng tuhod niya. Mauuna na sana siyang humakbang ng maramdaman niya ang braso ni Simmeon na rumolyo sa baywang niya. "Let's go.. " Inakay na siya nito sa paglalakad. Nag uumpisa na ang bidding.
"I'm glad you came hija." Humalik sa pisngi niya si Mrs. Montecillo ng makita sila. "And you too, Mr. Tan. It's good to see you here."
"Bonsoir Madame." Good Evening. Ngumiti ito at saka inakay silang dalawa papunta sa isang bakanteng mesa.
"Susunod na ang Quartier Bois De La Cambre. And i wish to all the stars na makuha mo siya. Malapit na ang birthday mo." Natutuwa siya sa pagiging mabait ng ginang sa kanya.
"Naalala niyo pa po pala." Nahihiyang tugon niya. By the end of this month ay madadagdagan na naman ng isang taon ang edad niya.
Tumingin ito kay Simmeon. "What about you Mr. Tan? Did you prepare something for her birthday?" Siya ang nahihiya sa kadaldalan ni Mrs. Montecillo. Walang alam si Simmeon sa birthday niya kaya nahihiya siya.
Game na ngumiti ang binata sa ginang. "Of course madame." Nang tignan niya si Simmeon ay kinindatan lang siya nito na ikinainit naman ng pisngi niya. Magsasalita sana siya ng may lumapit na babae sa lamesa nila. "Anyway, meet my daughter Xiael." Pagpapakilala nito sa babaing katabi nito.
Ngumiti siya at mabilis naman na ngumiti din ang babae sa kanya. She look nice. "Hi Marife.."
Nakipagkamay siya dito. At bumaling din ito kay Simmeon na mabilis na kinakunot ng noo nito. "S-Simmeon?"Ang binata ay ganoon din. Halata ang gulat at pagtataka sa mukha ng binata. "Trixia!"
"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong niya. Bakas sa mukha ni Xiael ang di pagkakinali. Nagpalipat lipat ang tingin niya kay Mrs. Montecillo, sa anak nito at kay Simmeon.
Nakita niya ang pagtigas ng mukha ni Simmeon habang nakatitig kay Xiael na nagiiwas ng tingin. May nararamdaman siyang kakaiba. At bakit ba pakiramdam niya ay hindi lang basta magkakilala ang dalawa?
Alanganing ngumiti si Xiael sa kanya. At hindi naman niya alam kung gaganti ba siya o ano. She just narrowed her eyes to her. "Mom..marife.. Excuse me." Hindi na niya nakitang nilingon nito si Simmeon. Alam niyang magkakilala ang dalawa base sa mga ipinakita ng mga ito.
Nag paalam si Mrs. Montecillo na susundan lang daw nito ang anak nito. Siya naman ay saka humarap kay simmeon na nakatingin lang sa nilakaran ng mag ina. "Kilala mo siya?" Kagaya ng kanina ay hindi agad ito nagsalita. Nanatiling tikom ang mga labi nito.
Pero sa huli ay bumuka din iyon. "She's my ex-girlfriend."
To be continued...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN series 8: Simmeon Tan
General FictionGENTLEMAN Series 8: Simmeon Tan Bachelor. Powerful. Wealthy and gorgeous. Ilan lang 'yan sa mga katangian kung bakit "Ilang" beses na rin muntikang mapikot ang isang Simmeon Tan. He play around. He fool around. All right. Pero given naman na daw iy...