Dedicated to raylen21
Hello dear.. Thanks for reading this series.
Guys, My apology para po sa mga nakakaramdam ng confusion about this series. It's kinda very weird story kaya pagpasensyahan na po natin. May mga surprise twists po ito na hindi pa natin nalalaman. Salamuch po.. Happy reading.
------
Chapter Nine
Hindi maikakaila na mag ama nga ang dalawa. VJ and Simmeon has a lot of same facial features. Pareho sila ng ilong, mata labi maging ang hugis ng mukha. There's no need for paternal test para masabing ito ang ama ni ni VJ. Hindi niya sigurado kung natutuwa ba si Marie ngayon dahil sa ginawa niya. Pero malinaw naman na sinabi ni Marie sa kanya na aksidente lang ang nangyari sa kanila ng binata. Lasing silang dalawa. And they don't know what they're doing because they were drank.
Karga karga ni simmeon ang bata habang nakaupo ito. Gising si VJ. And he was laughing everytime that his father will tickle him. Hinahawakan nito ang ticklish spot ng bata kaya tumatawa iyon. And this is the first time she heard the baby to laugh like that. Hindi na niya nagawang itama ang mali nitong akala.
"There is something in me that telling me that i might you get pregnant. Hindi nga ako nagkamali." She saw how his eyes poured with guilt. Hindi niya magawang itama ang maling akala nito dahil nakikita niya ang saya sa mga mata nito. For Pete sake! How can she get pregnant kung virgin siya? Immaculate conception? "Nang magising ako. Hinanap kita. I swear hinanap kita. And i didn't find you. At dahil umasa akong makikita kita ulit. Sinubukan kitang hanapin dito sa pilipinas. Nagiguilty ako kasi nakuha ko ang bagay na iniingatan mo ng ganoon lang. We were both stranger hindi natin kilala ang isa't isa." Hindi niya alam kung paano ba ipapaliwanag dito ang lahat. Wala siyang masabi. At hindi niya alam ang sasabihin.
"Three times nang may nagpakilala saking babae na nabuntis ng anak ko. Palagi ko siyang sinasabihan na mag ingat siya. Natatakot ako para sa kanya. What if hindi niya gustong magkaanak agad? You know.. He loves playing around." Katabi niya ang ginang na nakaupo sa sofa. Habang nakatingin sila sa mag ama. "But looking at him now, hindi ko inaasahan na magiging ganyan siya kasaya."
Yes, halata sa mukha ng binata kung gaano ito kasaya sa presensiya ni VJ. Hindi rin niya inaasahan ang pagtanggap na gagawin nito. "So anong plano niyo ng anak ko? Magpapakasal na ba kayo?" Para siyang nabulunan kahit wala naman siyang kinakain. Nanlalaking mga matang napatingin siya.
"H-Hindi naman ho kami ng anak niyo. Nandito po kami para m-makilala niyo ang bata." Simple lang niyang tugon. Tumango tango naman ang matanda.
"Nabanggit ni Simmy sakin kung paano kayo nagkakilala. Sa dubai right? And he said, pagkatapos daw ng gabing iyon ay bumalik na siya dito sa pilipinas. I'm sorry kung dumaan ka sa bagay na iyan ng hindi nalalaman ng anak ko.. If he had knew.. Ako mismo ang magtutulak sa kanya para alalayan ka. Because i know how hard to carry the baby inside our womb." There's a sympathy over her voice.
Napatingin siya sa wrist watch niya. "Problem?" ani ng ginang.
Nahihiyang tumingin siya dito. "K-Kailangan na po namin umalis. Maghahapon na po." kailangan na nilang mag ina na umuwi. Sa isang subdivision sa pasay sila umuuwi. Noong mamatay ang mga magulang nila. May luma silang bahay sa bulacan pero naibenta na iyon at noong nakakaya na niyang magpundar ng mga kagamitan saka naman ginawang malaking grocery store ang dating bahay nila. Balak pa sana niyang bilhin iyon para maparenovate niya. Kaya nagsikap nalang siyang makakuha ng bahay sa isang subdivision.
At nang magkolehiyo naman si Marie. Ikinuha niya ito ng condo malapit sa unibersidad na pinapasukan nito. Isa iyon sa problema niya ngayon. Hindi kaya ng pusp niya na ibenta iyon dahil marami silang memories doon. Madalas doons a condo sila ni marie nagbobonding.
Kaya naisip niya. Kapag nasa Brussels na silang mag ina ay ipparenta niya ang unit ni Marie. Para mamintina pa rin iyon. "Aalis na kayo?" Malungkot na sabi ng ginang. Lumapit siya kay simmeon at kinuha ang bata.
"Can you stay a little longer? Ihahatid ko nalang kayo. " Sabi ni simmeon. Umiling siya. May paper works na iniemail si dex sa kailangan niyang paglamayan ngayong gabi iyon.
"I'm sorry... Gagabihin kasi kami ni VJ. At isa pa baka sipunin ang bata dahil sa hamog." Sabi niya. Hinawakan ng ginang ang kamay ng bata at hinaplos ang ulo niyon.
"Bakit hindi muna kayo sa bahay ngayon? Bukas ko na kayo ihahatid pauwi. I just want to be with my Son.. At least tonight."
To be continued...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN series 8: Simmeon Tan
General FictionGENTLEMAN Series 8: Simmeon Tan Bachelor. Powerful. Wealthy and gorgeous. Ilan lang 'yan sa mga katangian kung bakit "Ilang" beses na rin muntikang mapikot ang isang Simmeon Tan. He play around. He fool around. All right. Pero given naman na daw iy...