Chapter Seventeen

63.3K 1.3K 47
                                    

Dedicated to wind09

Hello dear. Thank you for reading this series.

---------

Chapter Seventeen

She silent her phone at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. May klase pa siya sa dalawang university na pupuntahan niya. Katakot takot na sermon pa ang inabot niya kanina bago siya idinismiss kanina ng manager nila. Nagkaroon na naman pala ulit ng reassignment kaya napunta na naman sa kanya ang Regular Teaching Program.

"Pupusta ako, yung jowa-jowaan mo yang text ng text sayo." Kasama niya si Dex. Ito ang tumatayong evaluator niya ngayon.

Napatingin muli siya sa cellphone niya. Nangako siya sa binata na sasamahan niya ito at si VJ na pumasyal ngayon pagkatapos ng tanghalian. Ineexpect kasi niya na makakapagtime out siya after lunch pero hindi niya alam na may evaluation ngayon. Hindi niya magawang sagutin ang text ng binata dahil hindi naman niya alam ang sasabihin dito.

"Nangako kasi ako." She said and she sighed. Ibinaba niya ang marker na hawak at tinanaw ang mga nakayukong estudyante na busy sa seatwork na binigay niya.

"I'm sure he'll understands you." Hinawakan nito ang kamay niya. Babawi nalang siguro siya sa isang araw.

Umupo si Dex sa isang bakanteng silya. "Are you really sure d'yan sa pinapasok mo?" Alanganin siyang tumango. Hindi rin niya masagot ang tanong nito dahil iyon din ang tanong niya sa sariling isip. "Bakit kaya hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo? Baka mas maintindihan ka pa niya habang maaga pa."

Umiling siya. "No.. Hindi magiging ganoon iyon. I'm sure he will loath me. He will take VJ away from me. At hindi ko iyon kakayanin." Emosyonal na sabi niya. When it comes to VJ nagiging senti siya. Nagiging emosyonal din.

"So, okay na sayong magpakasal kahit hindi mo siya gusto?" Sinalubong niya ang mga tingin nito. Lumunok muna siya bago muling nagsalita.

"Maliit na sakripisyo ang pagpapakasal ko sa kanya kung ang kapalit naman ay habambuhay kong makakasam ang anak ko. It's all that matters now Dex. Nangako ako kay Marie na hindi mawawala sa akin Si VJ. At gagawin ko ang lahat matupad lang iyon." Desidido na siya. Hindi naman siguro makakaapekto sa pagiging mag asawa nila kung sakali na magpakasal sila kahit di nila gusto ang isa't isa.

She pushed the door open and went in. Tahimik ang buong kabahayanan nila. Ginabi siya ng uwi dahil may review pa siyang inasikaso kanina. This is the reason why she's often got some vacation. Ayaw niya kasing natatambakan siya ng trabaho.

Tinungo niya ang kusina at ibinaba doon ang take out niyang pasta and cheese roll na binili niya sa isa sa mga paborito niyang restaurant. Hinubad niya ang coat na suot at saka lumakad papasok sa kwarto niya. Hindi niya napigilang mapangiti dahil nakahiga sa kama si Simmeon habang nakadapa sa dibdib nito si VJ at mahimbing na natutulog ang dalawa. May nakakalat ding bedtime story books. Naalala niya na noong nagiimpake ng gamit ito ay sinadya nitong magdala ng mga libro. Para daw tumalino si VJ.

Isa isa niyang niligpit ang mga libro at inilagay iyon sa isang gilid. Dahan dahan siyang umupo sa gilid ng kama at isinampa ang mga paa doon. Yumuko siya at saka dinampian ng halik sa ulo ang sanggol.

I'm sorry baby.. Pinaghintay kaba ni mommy?  Mahinang bulong niya sa tenga ng bata. Tila naunawaan nito ang sinabi niya dahil biglang kumunot ang noo nito. A vision of Simmeon frowning face ang siyang nakikita niya.

Mag ama nga kayo.. Natatawang hinaplos niya ang noo ni VJ. Wala namang basehan ang pagiging isang tunay na ina. Sa kagaya niyang itinatago ang tunay na relasyon nila ng bata. Masama bang angkinin ito na parang siya ang nagluwal? Kapag nawala ito sa kanya, baka maging kagaya siya ni sisa na nabaliw dahil sa paghahanap kay Crispin at basilio.

Kapag ba hindi ikaw ang nagluwal sa isang bata, hindi ina ang tawag sayo? Paano nalang ang mga babaing walang kakayahan magluwal ng sanggol pero may kapasidad na magmahal at mag alaga ng isang bata. Hindi ba nanay ang pwedeng itawag sa kanila? Nang mamatay ang mga magulang nila ni Marie hindi lang basta ate ang naging role niya sa buhay nito. Naging ina at ama rin siya. Siniguro niyang binubusog niya sa mga bagay na hindi na mararanasan ni Marie dahil ulila na sila.

Promise baby.. Hinding hindi ako mawawala sayo. Pangako ko 'yan. Muli niyang dinampian ng halik sa noo si VJ bago hinubad ang sapin sa paa at humiga sa tabi ng mga ito. Idinantay niya ang isang braso sa likod ng bata at saka nakangiting ipinikit ang mga mata.






To be continued...





--------

#TheFamilyThatSleepsTogetherWokeUpTogether

I'm losing my head! Waahh.. Eto yata yung story na sinulat kong nasa ending na yung isip ko pero wala pa sa climax yung naiisulat ko. Hahaha.

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon