Chapter Twenty Six

55.2K 1.2K 56
                                    

"Ex boyfriend huh?"

Nagyuko siya ng ulo. Manang loida bring her son inside the bedroom kaya malaya silang makakapagusap ni simmeon. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" Again, hindi niya magawang salubungin ang mga tingin nito. Kalahati ng mga nangyari ay kasalanan niya. Because, she never tell him her connection with albert.

Kanina, hindi niya alam kung paano aawatin ang dalawa. Nagmumurahan ang dalawa sa harapan niya. Calling each others names. Umabot na rin sa puntong nagkakasakitan sila. Hindi niya alam kung sino ang unang aawatin sa mga ito. Na kung hindi pa lumakas ang iyak ni VJ ay hindi pa mauunang huminto si Simmeon. "I-I'm sorry.." She can't believe that she was saying those words to him now. Kanina lang ay naririnig niya iyon kay Albert and now, sinasabi naman niya kay simmeon.

Nanatiling nakatayo ang binata. Hinahaplos ang panga na may sugat. Sinubukan niyang gamutin iyon pero tumanggi ito. "Bukas ko nalang susunduin ang anak ko." Nataranta siya ng tumalikod ito at padaskol na hinablot ang jacket nitong basta inihagis sa upuan kanina.

And he stormed out of the house. Mabilis siyang tumayo at hinabol ito. "Simmeon please.. Mag usap muna tayo. Diba magdidinner pa tayo?"

Nanguuyam na tumingin ito sa kanya. "Dinner? May dinner pa nga ba? After you EX BOYFRIEND ruined my plans!"

Hindi naman niya pwedeng isisi kay albert ang lahat. Kailangan nila iyon. Maling pagkakataon nga lang sila nag usap. Ngayon niya naintindihan ang lahat kung bakit siya nito iniwan. Pero hindi ibig sabihin niyon ay babalik na sa dati ang lahat. Pero kung sana sinabi niya ng maaga kay simmeon kung sino si albert sa buhay niya. Maybe, hindi magiging ganito ang ending ng lahat. "I hate liars.. Alam mo naman siguro iyon. Ang gusto ko lang naman ay magsabi ka ng totoo. Noong una ko kayong makita. Tinanong na kita kung sino siya. And what was you said? I Don't  know him. I believed in you. Dahil naniniwala akong si Albert ang lumapit sayo. But now! At talagang humarap pa siya sayo para sabihing magpapakasal na kayo. At isasama pa ang anak ko!" Bakas ang tinitimping galit sa tinig nito.

Umiling siya. "Hindi iyon ganoon. Please.. Mag usap muna tayo." Pumatak na rin ang mga luha niya.

"Mahal mo ba siya?" Natigilan siya sa tanong nito.

"When we get older. Promise magpapakasal tayo. Bubuo tayo ng pamilya. Maybe six or eleven children." Nahampas niya sa braso si albert.

"Grabe! Ang dami.. Anong akala mo sakin paanaking baboy?" Pairap na sagot niya. "Pero syempre dahil mahal kita. Magpapakasal ako sayo. At pangako kong ikaw lang ang mamahalin ko."

"Silence means yes." Bumakas ang lungkot doon. "Kapag niyaya ka niya ng kasal. Hindi ako papayag na isama niyo ang anak ko. Sa akin sasama ang anak ko. And no man can be a father to him unless it's me." Tumigas ang anyo nito. Buo na sa isip nito ang lahat. That he conclude a decision without letting her to explain. "Don't worry i will file a visitation rights for you. Pero hindi lalaki ang anak ko kasama ang ibang lalaki."

Iniimagine palang niya ang sinasabi nito ay nadudurog na ang puso niya. Parang pinupunit at pinipiga. Hindi naman ang ibig sabihib ng paglilinaw ni albert sa nakaraan nila ay papayag na siyang mag pakasal sa binata.

Lumunok siya. "H-Hindi mo ba ako mahal?" Nilakasan na niya ang loob. Kung hindi ang magiging sagot nito. Papayag siyang maputol ana ng koneksyon nila. Pero hindi ang koneksyon nilang mag Ina. Hindi man sa kanya pinutol ang pusod ng anak niya. Sa puso niya ito dumurugsong.

Tumingin ito sa malayo. "There's no use for knowing what i felt for you. Hindi ba't siya ang mahal mo? Magpapakasal nga kayo diba?" nasasaktan siya sa sinasabi nito. Nakakaya nitong sabihin sa kanya ang bagay na iyon dahil hindi pa nito naririnig sa kanya ang gusto niyang sabihin. Tuluyan na itong tumalikod. Binuksan ang sasakyan.

Akma na itong sasakay ng magsalita muli siya. "How can i marry him kung iba naman ang mahal ko? Kung iba naman ang gusto kong pakasalan at hindi siya?"

Noon ito humarap sa kanya muli. Tumutulo ang luhang lumapit siya dito at kinuha ang palad nito. "Ikaw ang mahal ko at hindi na siya. Oo may nakaraan kami, pero matagal nang tapos ang bagay na iyon. Mahal kita... Please Maniwala." Nanatiling nakatingin ito sa kanya.

Binitawan niya ang isang kamay nito at pinahid ang luha sa mga mata niya. It's now or never, kumbaga. Huminga siya ng malalim bago sinalubong ang nauulap nitong mga mata. "Will you marry me Mr. Tan?"






To be continued...





------

Public Announcement: Malapit na po tayo sa wakas. Hehehe

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon