Chapter Thirty One

57.2K 1K 28
                                    

"Cheers!"

Everybody was cheering for her. Everyone was happy for her. "Cheers to soon-to-be Mrs. Tan!" Dex lifted his glass and made a toss for everyone. Si Dex ang nagiisang lalaki sa bridal shower niya. Noong una ay ayaw pumayag ng mga kababaihan na makasama ito sa party. Dahil hindi pa nila alam ang totoo. Pero nang magladlad ang kaibigan niya. Game na pumayag ang lahat.

Wala namang masama na makasama nila si dex. There is no dirty games in her party. Sa katunayan, kwentuhan at kamustahan lang sila. Picture dito, picture doon. May mga pagkain at alak. Sa dating condo ni Leah ginanap ang party.

Kinalabit siya ni Leah, it's almost twelve midnight na. Lasing na ang iba. Leah offered her unit para ioccupy ng mga hindi makakabalik sa kani kanilang mga hotel rooms. Some of her friends are from Brussels. Mga kasamahan nila sa trabaho at ang iba naman ay mga dati niyang kaklase. "Your party was a blast!" Komento ni Leah.

Iniwan daw nito si Alpha kay Lucas. Lucas was very kind. At halata dito na bumabawi itong pilit sa kaibigan niya. "Thanks to my two fairy God sisters!" Na sinabayan niya ng tawa.

Sumabat si Dex na nasa tabi na pala niya. "Akala ko ang sasabihin ay fairyGodmother, sasabunutan kita."

Sasabat sana siya ulit ng hilahin na siya ng ilan sa mga kaibigan niya para daw sa pagbubukas nuya ng regalo. Lahat sila ay may kanya kanyang dalang regalo. And she's starting get nervous, thinking by the gift. "Go Marife!" Naghiyawan ng mga ito ng isa isa na niyang buksan ang mga iyon.

As what her expecting, puro mga lingeries iyon. Mga iba't iba ang desenyo at kurba. May halos kuyukot nalang niya ang makikita. Sinabi ng mga ito na iyon daw ang suotin niya sa unang gabi nila ni Simmeon. Parang iniimagine palang niya ay kinikilabutan na siya. Hindi siya sanay magsuot ng mga ganoong klaseng damit. Kung damit nga bang matatawag ang mga regalo sa kanya.

Sumandal siya sa sasakyan ni Leah. Medyo nalasing siya dahil sa kasayahang iyon. Some of her friends stay in leah's unit. Ang iba ay pinili na bumalik sa hotel ng mga ito. "Thanks for the party." She said. All she want is, to hit her bed and sleep.

"No biggie.. You deserve the party. Isa pa huling gabi mo nang single. Bukas taken kana." Masuyong sabi ni Leah. Ihahatid siya nito at ni Dex.

Tumingala siya at sinubukang ipikit ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano at saan magsisimula. Bukas na niya sasabihin kay Simmeon ang lahat. At ipinagdarasal niya na sana ay tama ang gagawing desisyon niya. Na sana ay matanggap nito ang pagkakamaling ginawa niya.

Dumantay ang palad ni Leah sa balikat niya. "He loves you. Matatanggap niya iyon. Kung hindi man ngayon. I'm sure mauunawaan ka niya."

"Tama... Di ba nga ang sabi mo. Opinyon at ang lahat ng gusto mo ang pinakikinggan niya. I'm sure maiintindihan ka niya." ani ni dex.

Tumulo ang luha niya. "Hindi ko alam ang kahihinatnat ng lahat ng ito. Natatakot ako na baka kamunghian niya ako. Paano nalang kung hindi niya ako maintindihan? Na pinaniwala ko siya sa maling akala. Na hindi ako nagsabi ng totoo sa kanya?" Aniya sa dalawa.

"Ssshh.. Nagawa mo lang 'yon dahil mahal na mahal mo ang bata. At isa pa, kahit anong mangyati ay legal kang ina ni VJ. No one can change it." Tumango siya. Pero hindi naman niya habambuhay maiitago ang bagay na iyon.

Magiging mag asawa na sila bukas. Hindi tama na itago niya dito ang totoo. Isa pa, kailangan din niyang marinig mula dito kung naaalala pa ba nito ang kapatid niya. "Hindi ko alam. I don't know how to explain to him, na hindi ako ang ina ni VJ. Na hindi ako ang nagluwal sa kanya kung di si Marie. That Marie choose to gave her Son to me dahil alam niyang hindi siya magtatagal. Ayokong lumaki si VJ na hindi niya nalalaman ang totoo. I want him to know about his real mother."

Hinawakan ni Dex ang palad niya. "Kung nasaan man si Marie. Alam kong masaya siya sa ginagawa mong pagpapalaki sa anak niya. You've been a good and dedicated mother to him. Na halos ibigay mo na ang lahat sa kanya. At saludo ako sayo. Hindi lahat ng gaya mo ay kayang gawin ang ginagawa mo. Kung paano mahalin ang batang hindi sayo nagmula." Hindi man siya ang nagluwal kay VJ. Sa puso naman niya ito nanggaling.

Ang isang sanggol na sayo lumaki. Aariin mo siyang parang isa mong supling. Ganoon daw kapag ina. Ganoon daw kapag nasubukan mong maging ina sa isang batang kahit di sayo nagmula. Sa lahat ng pagkakamaling nagawa niya, dito siya hindi nagsisisi. Dahil may natutunan siya, wala naman pala sa hirap ng buwan o dami ng sakripisyo sa pagdadala sa isnag sanggol sa iyong sinapupunan ang basehan ng pagiging ina.

Nasa pagmamalasakit, pagaaruga at pagmamahal mo iyon sa kanya. Na maiisip mong gawin ang mga pinakamahihirap na bagay para lang protektahan at alagaan siya. Hindi madaling trabaho ang maging ina. Pero pinakamasarap siya kahit wala kang sweldo. Child is a God gift. Child is love. Mali mang panahon siya nabuo. Kapag nakita mo kung paano siya ngumiti. Marinig ang kanyang tawa. Ang nakakataranta niyang pag iyak. Walang magiisip na isa iyong bunga ng pagkakamali. Because God never creates a Mistake. Mistake is a blessing that you should learn. That you should acknowledge. That you should accept.

Sa pagkakamali naman daw kasi laging naguumpisa ang tama.






To be continued...

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon