Kalkulado niya ang oras at ang bawat hakbang niya. Natatakot siya na baka sa oras na magkaharap silang dalawa ay tuluyan na siya nitong iwan. Itinaas niya ang laylayan ng suot na wedding gown at dahan dahang humakbang papasok ng airport.
"He said na aalis siya." Jorge said. Hindi maubos ubos ng mga luha niya.
Hinawakan niya ang kwelyo ng suot nitong damit. "S-Saan siya pupunta? Please tell me!" Puno ng pagmamakaawa ang tinig niya.
Kinuha ni Jorge ang kamay niyang nakahawak dito. "I don't know.. Basta ang sabi ng sekretarya niya kaninang umaga ay nagpabook ng ticket si Simmeon."
Tumingin siya sa paligid niya. Nakita niya si VJ na panay ang iyak. Karga karga ito ng yaya niya. Nararamdaman siguro ng anak niya ang ginawang pag alis nimg ama nito. Humarap siya kay Jorge. "Hahanapin ko siya."
Pinagtitinginan siya ng mga tao na nasa loob ng Airport. Bakit nga ba hindi? Suot niya ang wedding gown niya. Pero wala siyang pakialam. She needs to see her groom. Kailangan nilang mag usap. Pila ang mga taong magche-check in palang.
Inisa isa niyang tignan ang mga iyon. Nagbabaka sakali siya na isa doon ay si simmeon. Pero bigo siya. Kahit anino ni simmeon ay hindi niya doon makita.
"Hindi naman ako mawawala kapag nahiwalay tayo sa isa't isa. Dahil kapag nawala ka sakin. Babalikan ko iyong mga panahon na masaya tayp at maaalala kita." Simmeon caressed her hair. Malapit na siyang makatulog dahil sa ginagawang paghaplos ng mga daliri nito sa buhok niya.
Kanina pa kasi ito nagdadrama. Na panay ang sabi ng mga gagawin nito kapag nagsawa na raw siya dito. As if naman mangyayari iyon. E ilang araw nalang ikakasal na sila. "So you mean, babalik ka ng Brussels? Marami tayong memories doon." Aniya dito.
Humalik ito sa noo niya. "Brussels is the memorable one. Kaya babalik at babalik ako doon."
"Brussels..." Pabulong niya.
Nasisiguro niyang sa Brussels ang punta ni simmeon. Kailangan niyang sundan ito doon. Humakbang siya papalapit sa check-in counter pero mabilis siyang hinarang ng mga security na naroroon. Magtatanong lang naman siya. Aalalmin lang niya kung nakasakay na ng eroplano ang binata.
"Ma'am ang biyahe po ng eroplanong sinasabi niyong papunta doon ay kanina pa nakaalis." Ani ng gwardiyang nakaharang sa kanya.
Pinanlambutan siya. Kung ganoon,nahuli pala siya. Hindi na niya maaabutan ang binata. Napapaiyak na inakay siya ng dalawnag gwardiya paupo sa isang upuan na naroroon. "Tatawagan ho namin ang pamilya niyo para masundo po kayo." Wala siyang nauunawaan sa sinasabi ng mga ito. Nahuli siya ng dating. Hindi niya inabutang makita ang lalaking sana ay papakasalan siya. "Ang tanga tanga mo Marife! Dapat noon palang sinabi mo na ang totoo! Ang tanga mo!" Naiinis na inihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha. Wala siyang pakialam kung kumakalat na ang make up sabuong mukha niya o magmukha na siyang zombie. "Kung sana umpisa palang naging tapat kana. Kung sana simula palang sinabi mo na. Na hindi ikaw ang ina ni VJ. Edi sana hindi kayo humantong sa ganito." Panay ang daloy ng masasaganang luha s akanyang mga mata. Napapatingin ang mga tao sa paligid niya. Alam niyang nagagalit ngayon si Simmeon sa kanya. Iniisip nito na masama siyang tao.
"Didn't i tell you that the wedding is off?"
Napakislot siya ng makarinig ng pamilyar na tinig mula sa likuran niya. Agad na nagrigodon ang dibdib niya sa kaba at pinaghalo halong emosyon. He's here! Mabilis siyang lumingon sa likuran niya. Upang mas lalong kabugin ang dibdib niya ng makita niya si Simmeon na nakatayo sa likuran niya at may maletang hawak.
Dahan dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo at pinahid ang luha sa mga mata niya. Humagod ang paningin nito sa kabuuan niya at tumigil sa mga mata niya. "You cried." Mahinang usal nito.
Bakas sa mukha nito ang lungkot at pagod. Pati narin ang bahagyang pamamaga ng mga mata nito. Pinawi niya ang luha sa mga mata at pilit pinalilinaw ang paningin niya. Gusto niyang makita ang kabuuang hitsura nito. Baka kasi nanananginip lang siya at himdi pala pala totoo ang lahat.
But it's real. Nasa harapan nga niya ito. "I-Iiwan mo ako.." Nanatiling may distansya sila. Malungkot siyang sumalubong ng tingin dito. Hindi niya mabasa ang nasa saloob doon. Humakbang siya ng ilang hakbang papalapit. "I'm sorry.. Hindi ko sinasadya. I didn't mean to hurt you and lie to you... I'm sorry.. Naisip ko kasi.. K-Kapag nalaman mong si.. M-Marie ang ina ni VJ.. Kukunin mo siya sakin. He's the only one i have.. Siya nalang ang pamilya ko. Natatakot ako na baka kunin mo siya sakin ng ganoon ganoon na---."
"So you judge me already. How makes you think na alam ng isip mo ang kaya kong gawin?" Walang gentleness sa pananalita nito pero wala siyang nadaramang pagkasuklam o galit doon. O baka naman nagaassume na naman siya.
Nagyuko siya ng ulo. Isa lang ang gusto niyang malaman. Dahil di man nito sabihin. Alam niyang galit ito sa kanya at sa ginawa niya. Hinayaan niyang mamukal muli ang luha sa mga mata niya bago hinarap muli ito. "M-Mahal mo pa rin ba ako?"
To be continued...
---------
#ILoveYouGoodbye
I have a little game. Kung sino ang unang makakahula ng Exact date kung kailan itong kwentong ito nagsimula(date ng ipost dito sa wattpad) Ay siyang pangalang ipapalit ko sa isang series ng Gentleman. Hehehe.. Siyang makakapartner ni jorge sa GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe hula time na! Hehehe
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN series 8: Simmeon Tan
General FictionGENTLEMAN Series 8: Simmeon Tan Bachelor. Powerful. Wealthy and gorgeous. Ilan lang 'yan sa mga katangian kung bakit "Ilang" beses na rin muntikang mapikot ang isang Simmeon Tan. He play around. He fool around. All right. Pero given naman na daw iy...