Chapter Thirty Five

71.3K 1.3K 90
                                    

"M-Mahal mo pa rin ba ako?"

He saw her tears. Noon ang sabi niya sa sarili niya. Ang mga luha niya ang kahuli-hulihang bagay na gusto niyang makita sa mga mata nito. Pinigil niya ang sariling wag humakbang papalapit dito at ikulong ito sa mga bisig niya.

"Hindi siya ang ina ni VJ."

"What? Paanong hindi?" Jorge eyes widened in disbelief. Lumagok siya ng alak bago mapait na ngumiti.

"She lied to me. Nagsinungaling siya. Hindi niya sinabi ang totoo. Naalala ko na ngayon ang kapatid niya. Pero hindi ko naisip na posible ko palang mabuntis siya." Hinawakan siya ni Jorge sa balikat.

"You have to talk to her first. Bukas na ang kasal niyo. You can't back out. Masasaktan mo siya ng husto."

"At hindi ba ako nasasaktan ngayon?  Noon, nang sabihin ko sa kanyang sinubukan ko siyang gamitin para sa kandidarura ko. Nagsabi ako ng totoo. Natatakot ako na baka maging dahilan iyon para tanggihan niya ako. Na baka hindi niya ako piliin lalo pa't may nakaraan sila ni Albert. At ngayon, malalaman ko na sa aming dalawa siya pala ang may pinakamalaking kasinungalingan." Masakit pala. Masakit na masakit.

"Pare alam kong mahal mo siya. Hindi mo naman siya minahal dahil siya ang ina ng anak mo. Minahal mo siya---."

"Precisely! Minahal ko siya hindi lang dahil ina siya ng anak ko. I love her more than anything. Pero ang pinakamasakit iyong niloko niya ko! Na kung hindi ko pa sila aksidenteng narinig hindi ko pa malalaman." Mapait na sabi niya.

"I'm sorry." Napatingin siyang muli dito. Patuloy na tumutulo ang mga luha sa mga mata nito. Hindu nababagay ang luha nito sa damit na suot nito ngayon. Plinano nila ang araw na ito. Pero hindi ang mga pangyayaring ito. Lumunok siya para kontrolin ang namumuong emosyon sa kanya. "N-Nang mamatay si Marie.. Ang sabi ko, ikaw ang dapat sisihin ko.. Kung hindi siya nabuntis ng dahil sayo. Buhay pa sana siya. Gustong gusto niyang ipalaglag noon ang anak niyo. Pero pinigilan ko siya. H-Hindi kasalanan ng bata ang pagkakamali niya. Ang pagkakamali niyo." Gusto na niya itong ikulong sa mga bisig niya. Mas lalong nadaragdagan ang sakit na nararamdaman niya dahil sa nakikita niyang umiiyak ito.

When the Man loves his Woman. Kasama doon ang maramdaman niya ang sakit sa tuwing nasasaktan ito. "N-Noong una.. Ayokong makilala mo ang anak k-ko.. Kasi sisinisi kita kung bakit nawalan ako ng isang pamilya. Pero ng makita ko kung paano mo alagaan at mahalin si VJ. Sinabi ko, walang mali sa desisyon mo Marife. Hanggang sa natakot na akong aminin sayo ang totoo dahil nakita ko kung gaano mo kamahal ang bata. Na kapag nalaman mo ang totoo, kukunin mo siya saakin at ilalayo."

Tama naman ito. Wala itong karapatan sa anak niya kapag nagkataon. Tita lang siya. Pero ina siya ni VJ. Magkamali man ito ng paulit ulit, hindi mababago ang katotohanang ito ang naging ina ng anak niya. "I-Isang tanong, isang sagot. Please gusto kong malaman. Para malaman ko kung tama pa ba ang ginagawa ko ngayon. M-Mahal mo pa rin ba ako. Despite, everything you learned about. A-Ako pa rin ba?" Dama niya ang sakit sa lahat ng sinasabi nito. Kung nadudurog ang puso nito. Paano pa kaya ang sa kanya.

Humakbang siya papalapit dito. Ilang pulgada ang layo mula dito ay tumingala ito sa kanya. Sinalubong niya ang lumuluha nitong mga mata. "Do you think, pipiliin kong bumalik kung hindi kita mahal?" There, nasabi na niya. Nasaktan lang siya. Pero hindi ibig sabihin noon ay nawala na ang nararamdaman niya dito o nabawasan man lamang.

Namilog ang mga mata nito sa kanya. "M-Mahal mo ako? Parin?" Tila hindi ito makapaniwala.

Binitiwan niya ang maletang hawak at kinuha ang isang palad nito. "I'm sorry... I'm sorry.. Ng dahil sa akin nawalan ka ng pamilya.. I'm sorry kung inisip kong niloko mo ako.. I'm sorry kung nagisip ako ng masama tungkol sayo.. Kick me. Slap me.. Karapatan mo iyon. I leave you on the day we've both promise. Hinayaan kong maghintay ka sa simbahan. I'm sorry kung inisip kong iwan ka muna---pansamantala." Inakala niya na kapag nakalayo siya ay pansamantalang mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Pero hindi pala. Mas lalo lang palang nadaragdagan.

Hindi na niya ito pinigilan ng yakapin siya nito. Umiyak ito sa mga bisig niya. "Akala ko mawawala ka na talaga sakin. Ang isipin palang na baka mawala si VJ sakin ay sobrang sakit na. Pero ang maisip kong mawawala ka. Mas masakit pala." Hinayaan niyang umiyak ito sa mga bisig niya.

"Ssshh.. I'm sorry.. Nandito na ako. Hinding hindi ako mawawala. Kahit paulit ulit kang mag sinungaling sakin. Natuto na ko. Palagi kong uunahin ang pakinggan ka." kapag mahal mo ang isang tao. Masaktan ka man ng paulit ulit. Wala kang ibang gagawin kung di isipin at unahin siya. Pakinggan at unawain siya. Ganoon pala ang oag ibig. Hindi lang marunong tumanggap. Marunong din palang magbigay. "Mahal na mahal kita.. I'm sorry for all the pain i've caused to you. For all the tears. I'm sorry honey.. " Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito bago dahan dahang bumaba sa labi nito. Lalapat pa lamang ng...

" 'lanya, pinahabol mo pa kami. Di ka naman pala tutuloy!" Sabay silang napalingon kay Jorge.

Halata ang iritasyon sa tinig nito. Lihim siyang napabungisngis. Mula sa likuran nito ay sumulpot ang kanilang wedding coordinator. "Mr. Tan and Ms. Santos.. Delayed na po ng dalawa at kalahating oras ang kasal. Itutuloy pa ba natin?" Noon nagsink in sa isip niya ang lahat. Fool you Simmeon. Yung kasal niyo nga pala. Humarap siya kay Marife. Nagtatanong ang mga mata nito. Natatakot na baka hindi na niya ituloy ang pagpapakasal dito. "Magpapakasal pa rin tayo." Nakangiti niyang saad dito. Nagliwanag ang mga mata nito.

"Ang arte mo pare! May pa-running away running away groom ka pang nalalaman. Ilang oras nalang nasa Youtube kana at pinagkakaguluhan kayo." Tawang tawang pambubuska nito sa kanya. Saka sila sabay na lumingon sa paligid. Halos magtago na sa likuran niya si Marife dahil panay nakatutok sa kanila ang mga cellphone ng mga taong naroroon sa airport.

Umiling iling nalang siya. "Tara na nga.. Excited na ako sa honeymoon natin."

kapag mahal mo ang isang tao. paulit ulit man siyang mag sinungaling sayo. may isang bagay ka lang tatandaan, mahal ko siya kaya handa akong makinig sa kanya.




End...




--------

Epilogue will be posted tomorrow.

Kung may isang bagay man akong natutunan sa kwentong ito. Iyon ay ang matuto kang makinig, magtiwala at magpahalaga. Hindi pala sapat na nasaktan ka kaya ka gagawa ng bagay na ikakasakit din ng iba. Di lang pala isipa ng dapat natin pinapalawak. Pati pala ang damdamin natin. Para hindi tayo kainin ng galit o anuman. Ikaw anong natutunan mo? Share mo naman. Hehehe

Thank you so much guys.
Ai:)

GENTLEMAN series 8: Simmeon TanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon