Chapter 4

4.2K 114 2
                                    


My days went well. Well it did went well kasi hindi nagpakita sa akin ang dem-.... I mean ang boss ko. Sorry, hindi ko pa lang din talaga makalimutan lahat ng ginawa nya sa akin kahit pa nga ba nagsorry na sya at nasampal ko na. Hindi ko lang talaga pwedeng iwanan ang trabaho ko. Unang una malaki ang sweldo, pangalawa, may contract ako at alam ko kung saan ako pupulutin once na hindi ako sumunod sa kontrata.

Busy ako sa pag-aayos ng mga files na pinapa segregate ni Sir Liam ng dumating si RAM sa opisina. Nakakapanibago na hindi man lang nya ako sinulyapan sa table ko. Bad mood?, well wala naman ako pakialam kahit pa ano ang gawin nya. Sabi nga nya gawin ko kung ano ang trabaho. Fine with me, wag na wag nya lang akong bubuwisitin pa.

After one minute, nakita kong pumasok si Ms. Tania, may hawak syang kape. 

"Para kay RAM yan?" Tanong ko sa kanya na nakatingin sa cup na dala nya.

"Yes, nagulat nga ako sa akin tumawag." Nagtataka nyang tanong.

"Ako na ang magdadala nyan." Sabi ko sa kanyang nakangiti.

"Sige baka mamaya may maghanap na sa akin sa post ko." Sabi nya sa akin.

I knocked three time before entering his office.

He's busy signing the papers in front of him. Ni hindi nya nga ako nilingon habang pumipirma sya.

"Put my coffee on center table Tania, thank you." He said without looking at me.

"You're welcome RAM." I said in a low voice.

Bigla syang lumingon sa akin, maybe he didn't expect na ako ang magdadala ng kape nya.

"Bakit ikaw ang may dala nyan?" Tanong nya sa akin. His voice cold.

"Busy po si Ms. Tania, kaya sabi ko ako na lang ang magdadala. Paliwanag ko. What's wrong if ako ang magdala ng coffee, in the first place ako naman dapat ang gagawa nito, hindi ko nga alam bakit hindi ako ang inutusan nya.

He didn't answer.  Kunuha nya ang telepono at tinawagan si Ms. Tania.

"Tania in my office!" I can hear his mad voice.

"Sandali lang Sir wag mo naman pong pagalitan si Ms. Tania, ako naman ang nag presin-!"Naputol ang sinasabi ko ng bigla syang tumayo at sumigaw.

"I don't need your opinion here.Get out." He said pointing the door.

Namutla ako sa sinabi nya. Bakit parang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. After a week ng hindi nya pagpapakita sa akin, ganito naman.

I walked out of his office feeling restless. Nakasalubong ko si Ms. Tania and mouthed sorry to her. Ako naman talaga ang may kasalanan tapos sya yung mapapagalitan.

After a few minutes,lumabas si Ms. Tania.

"Ms. Tania, Im sorry po kung napagalitan ka dahil sa akin" I said trying to hold her. Baka kasi pati sya magalit sa akin.

"Hindi naman ako pinagalitan, wag ka mag isip. Well medyo pinagsabihan lang ako pero okey lang yun. Ako yung may kasalanan, may rule kasi dito na kung kanino iutos sya talaga ang dapat gumawa."Paliwanag nya sa kin.

"Pero trabaho ko naman talaga ang ibili sya ng kape. Nagtataka nga ako kung bakit sayo nya inutos yun." I said trying not to hurt pero nararamdaman ko yung pait sa boses ko.

"Hayaan mo na. Medyo maiinit ang ulo, may hindi kasi sya nagustuhan sa isang kameeting nya kaya siguro mainit din ang ulo nya pagdating dito. Magtrabaho ka na lang." She said to calm me.

My day ended na hindi man lang ako kinakausap ni RAM. Oo ayaw ko syang makausap at makaharap pero may trabaho ako at alam kong kailangan kong makipag interact sa akin, pero hindi ko alam kung bakit hindi nya ako pinapansin man lang.

Umalis sya na hindi man lang ako nililingon. Para lang akong hangin sa opisina.

Ang yabang talaga nya. E di huwag! kung ayaw nya akong kausapin wala akong pakialam. 

Umalis akong may bigat sa dibdib. Hindi ko alam if ano yung mararamdaman ko. Parang gusto ko nga kausapin yung HR head na ilipat na lang ako sa ibang department kesa naman makasama ko ang mahirap espelengin na tao na yun.

"Panty queen, uuwi ka na?" Nagulat ako sa taong nagsalita sa gilid ko. Ang kapal din ng lalaking to ha. Pagkatapos ng pagsigaw at pagdeadma nya sa akin sa opisina tatawagin nya talaga ako para asarin. Pwes, deadma din sya sa akin.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep, nararamdaman kong nakasunod sa akin ang kotse nya kaya naman binilisan ko ang lakad ko na halos tumakbo na ako.

"Hatid na kita." Sigaw nya sa akin habang sumusunod.Deadma lang Faye, yan ginawa nya sayo maghapon. 

"Panty Queen! Ano ba hahatid na nga kita." Sigaw nya sa akin. Halos mapapikit ako sa mga sinasabi nya. Madami ng nakakarinig. Pila pa sa sakayan ng jeep. Lumapit sya sa akin at hinila ako papunta sa kotse nya.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako. pagkatapos mo akong hindi pansinin maghapon tapos ngayon mangbubuwisit ka!" Sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa tao sa paligid ko. Nakakainis lang talaga ang lalaking ito, napaki bipolar lang di ba.

"Hatid na kita, kain muna tayo ng dinner bago kita ihatid sa apartment mo." Sabi nya sa aking nakangisi.

Sarap sapakin ng mukhang yan diba. 

"Hindi porket boss kita pwede mo na namang paglaruan ang damdamin ko!" Sigaw ko sabay hatak ng kamay ko sa kanya.

"Wait, panty que--"!

"Stop calling me that! Hanggang kelan mo ba ako babastusin ha?!" Putol ko sa sasabihin nya. He really wants to pull out every strength. Hindi ko na mapigilang hindi maiyak. He's always making me cry and hurting me to the highest level.

"Hey." He reach for my hand and hugged me.

Hindi ko na napigilan pa sya ng yakapin nya ako ng mahigpit. Pinipilit ko kumala sa kanya pero hindi nya ako binigyan ng pagkakataon.

"I'm sorry....I" He said and hugged me tight.

I didn't move, pero hindi ko din tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin. Masyado akong nastress ngayong araw na ito. Hindi ko alam if ano ang dapat kong maramdaman, pero kanina narealized ko na kahit masaya ako na hindi nya ako pinapansin sa opisina, nasasaktan ako na parang hangin lang ako sa harapan nya.

"Let's go." Bulong nya sa akin at inakay ako papunta sa kotse nya.



My Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon