Page 32

20 1 2
                                    


Aaminin kong namimiss ko na siya. Ang ngiti nito na ako lang ang nakakakita. Ang mga pangaral nito sa akin na hindi mo aakalain na makakaya niyang sabihin ang mga korning salita sa akin. Pangalawang araw ko na dito at wala parin akong naiisip na paraan para patayin ang oras. Hanggang ngayon ay hindi parin ako nagpaparamdam sa kanya. Kahit ilang araw lang. Gusto kong pag isipan mabuti kung tama pa ba ang daan na tinatahak ko.

My phone is ringing again.

Sinilip ko ang nasa screen ay si Sir Erwin ang tumatawag. Ilang beses na nila akong tinatawagan. Ni hindi nga ako nagbabasa ng mga messages sa inbox para hindi na malito po ng husto. Napabuntong hininga na naman ako ng makita kong tumatawag ulit si Sir Erwin. Kahapon pa sila ah. I wonder if what are they thinking now?

Sinagot ko ang tawag dahil sa gusto ko lang. Oh yes right.

"Hello sir." Bati ko dito.

"OH JUST FUCKING HELL----- I mean thank god you answered." Bumuntong hininga ito.

"Bakit hindi ka pumapasok? Alam mo bang parati kaming pinag iinitan ni Sir Caleb? Bakla pumasok kana!" Pagmamakaawa ng nasa kabilang linya.

"Sorry sir kung lumiban ako ng ilang araw at baka sa mga susunod pang araw but if you want you can just terminate me. Maiintindihan ko po 'yon." Pangbabalewala ko pakiusap niyang pumasok ako.

Seriously? Kahit kailan si Caleb ay dinadaan niya sa init ng ulo ang lahat.

"Nahihibang kana ba? Baka ako pa ang mapatalsik kapag ginawa ko 'yan!"

Napabuntong hininga na naman ako.

"Papasok nalang po ako bukas."

"Oh my freaking hell! Thank you!"

"But please Sir. Huwag mong sabihin kay Caleb."

Sumang ayon naman agad ito sa kondisyon na sinabi ko. Hindi ko mailarawan kung paano ang mukha ni Caleb habang nanggigil.

Dumating na si Lyka sa trabaho. Napaaga yata 'to?

"Nasaan si Isaac?" pang uusisa ko dito. Humalakhak lang ito na para bang may ginawa na namang kalokohan.

"I ditch him! He's talking to that girl again! Hell I'm going to wait for him!" Reklamo nito. Kanina lang tumatawa ngayon naiirita na.

"Paano mo naman nalaman?" Eh hindi naman sila magkasama sa trabaho kaya paanong nakita niya?!

"I have my sources girl. Got a huge connection everywhere!" Humalakhak pa ito kaya napangiwi ako.

Nagyaya ito ng inom kaya napa oo naman ako dahil halatang gustong gusto niyang maglasing. Sino ba naman ako para tanggihan siya hindi ba?

The girl she was referring is Isaac's workmate who I think is has the hots for Isaac. Gwapo si Isaac. Malamang maraming magkakagusto sa kanya. Halos parati ngang kaming tinutukso noon dahil sa hindi kami mapaghiwalay. Parati nalang kaming pinagkakamalan na magsyota. Madalas pa ngang awayin ako ng mga babae dahil kay Isaac. Humupa lang ito ng parati na akong sumasama kay Caleb kasi wala naman nakakakita sa amin kaya wala ding issue na tungkol sa amin. Yong hiling lang talaga ni Caleb na sunduin ako sa classroom kaya pinagsabihan ko na itext nalang ako kapag ganoon. Mahirap na.

"Sige girl mag imagine kana lang diyan wag na tayong uminom!" Reklamo ni Lyka sa akin.

"Pasensya. May naalala lang ako."

Napangiti ako ng makita ko si Isaac na may dalang bulaklak. Lunapit siya kay Lyka at hinagkan ang kasintahan nito bago ibigay. Parang may tumusok sa puso kung kaya't napangiwi ako. Kailanman ay hindi ko yata mararanasan ang mabigyan ng bulaklak galing kay Caleb. Caleb abhor those kind of stuffs.

So sa harap ko talaga? Wala bang konsiderasyon 'tong si Isaac?

"Umalis ka nga! Ibigay mo 'yan sa babae mo!" Pabalibag na ibinalik ni Lyka kay Isaac ang bulaklak af nagdabog na pumasok sa kanilang kwarto.

"Damn. Ang hirap naman maging gwapo cupcake." Turan nito sa akin. Napairap lang ako. Tama ba naman kasing inggitin ako? Nakita niyang may pinagdadaanan ang tao.

"Go chase her!" Pagtataboy ko dito at tumawa lang ito ng mahina tsaka sinunod ang sinabi ko.

Narinig ko silang nagtatalo pero nagagawa parin tumawa ni Isaac sa kabila ng away nilang dalawa. Tsk Kahit kailan ay gago talaga siya.

Uminom nalang ako  mag isa. Iisipin ko nalang kung paano ang gagawin ko bukas para hindi na ako mangalap pa kung kelan ay nandoon na. Ano kaya ang nangyayari na doon? Halata talagang kinakabahan si Sir Erwin habang kausap ko siya. Nakakahiya naman sa kasama ko at sunod sunod na ang straight duty nito.

Napabuntong hininga nalang ako habang nagsasalin ng alfonso sa baso ko. Kahit kailan talaga ay loner ako. Lumabas na ang dalawa sa kwarto habang nakapout si Lyka at tumatawa lang si Isaac. Panay ang pang iinis nito kaya nakasimangot ang isa.

"Uuwi na ako ng bukas kailangan na kasi ako sa restaurant." Pagpapaalam ko sa dalawa ng umupo sila nasa gilid ko si Lyka at nasa harap naman namin si Isaac.

"Ihahatid na kita kung ganoon." Habang tumatango pa si Lyka.

"Sino maghahatid kay Lyka?!"

"Girl okay lang! Kaya ko naman mag isa saka Day off rin naman ni Isaac baka pumasyal na din yan kay tita." Pangungumbinsi ni Lyka.

"Uh huh." Sagot lang ni Isaac na galing sa kusina para kumuha ng baso dahil dalawa lang ang naihanda ni lyka kanina.

"Pasensiya na talaga. Nahihiya talaga ako." Nahihiyamg sabi ko sa dalawa. Sino ba naman ang hindi diba? Sinundo na nga ako ihahatid pa ako pauwi!

"So papasok kana bukas?" Tanong ni Lyka na humilig pa sa akin.
"Mamimiss kita. Balik ka  ha!" Dagdag pa niya.

Nangiti naman ako sa kanya.

"Oo naman no! Sa susunod kasama ko na si Yana para  masaya!" Pagchicheer ko dito.

OA naman na napasinghap si Isaac.

"That's a total disaster. Nong lumabas tayo halos ako ang tampulan ng asaran." Nakasimangot na reklamo ni Isaac.

Tumawa lang kami ni Lyka.

"Maghahanda na nga ako ng isasagot ko sa mga posibleng itatanong niya." Napangiwi ako sa naisip kong mukha ni Yana kapag nakita niya ako bukas.

Humalakhak naman si Isaac dahil siguro pareho kami ng naiisip? Samantalang humagikhik naman si Lyka.

"Siguradong hindi ka makakasingit sa sunod sunod na tanong niya!"

Napuno ng tawanan dito sa loob ng kanilang bahay.

"Ready kana ba? You should now get ready to taste his wrath woman." Pag iiba ni Isaac sa usapan.

"What're you trying to say?"
Sagot ko naman. Tumungga pa si Isaac ng ilang baso bago magsalita.

"Pinapahanap kana niya."

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon