Page 18

28 3 1
                                    


"Umagang umaga nakasimangot ka diyan." Pambungad sa akin ni mama.

Day-off ko ngayon at bukas na ang punta namin sa resort. Sa restaurant na kami magkikita-kita. Nag rent ang management ng mga Van para sa gagamitin naming transportasyon. This day makes me idle. Instead of doing something productive it makes me stay vain.

"Ma!..." Sigaw ni Marco

"Oh napano ka?"

"Si ate ang tanungin mo niyan hwag ako. Don't me." Loko-lokong sagot ni Marco.

Napakalokong bata.

Dahil sa alam kong sa akin na naman patungo ang usapan ay dali dali akong umakyat sa taas.

Nagbasa nalang ako ng libro para may magawa naman ako kahit papaano. Inihanda ko na ang mga kakailanganin ko para sa two days vacation namin sa Villa Grand Resort. Aagahan ko nalang bumyahe bukas para makatulong pa ako sa gagawin namin at dahil wala naman nabanggit si Caleb na susunduin niya ako.

I wore my off shoulder white knitted romper and pair it with my white sandals. Mas lalo ako pumuti sa suot ko at medyoay pagkaiksi pa ito kaya nag cycling ako. Habang sina Yana naman ay naka summer dress at ang iba naman ay nagshort lamang.

Habang tumutulong ako sa pagprepare ng mga kailangan namin sa resort katulad ng mga palarong gaganapin. Hindi na kami nagluto ng makakain dahil na rin sa cover parin ito ng management namin. Susulitin ko na rin ang magbabad sa pool baka sakaling umitim naman kahit papaano ang balat ko.

It wasn't a typical day for us. Other groups we're planning to get tan and others will look for some 'chicks'. While me and Yana will go to pool until sunset and play volleyball.

"Yv 'ilang bikinis ang dala mo?" Yana asked me as she continue of what she's doing.

"Five." Sagot ko. Dalawa ang bagong bili at dalawang bathing suit na hindi ko pa nagagamit at naitambak lang, samantalang ang isang pair naman ay bigay ni Mariah sa'kin kahapon.

"Anim sa'kin." Sabi naman ni Giorgia at ganoon rin daw si Yana kaya sabay pa silang tumawa.

Samantalang ang mga lalake naman ay busy sa pagbubuhat ng mga gamit na dadalhhin namin doon.

I also brought bohemian tops and dress to complete my summer vacay.

Sumakay na kaming lahat ng masiguro namin na kumpleto na kami. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tignan kung may nagtext ba sa akin. But unfortunately there's none. Caleb never texted me this day and even yesterday. Katabi ko si Yana na nasa gilid. Dahil wala akong magawa at isang oras din ang itatagal ng byahe namin ay nag headset nalang ako para makinig ng kanta at para makatulog narin.

"Yvonne! Yvonne!" Sigaw sa akin ni Ma'am Lucy kaya agad kong minulat ang aking mga mata.

"Tumawag sa akin si Caleb at tinatanong kung kasama raw ba kita. You better text him now." Utos nito sa akin habang nakakunot noo pa ito.

Nakarating na pala kami kaya siya nakapunta dito sa sinakyan namin. Pati sina Giorgia ay napabalingkwas sa sigaw ng manager namin. Bumubulong pa si Yana na kesyo istorbo daw ito. Dala na rin siguro ng pagkabigla.

I look for his message and damn he filled my inbox again. Kapag titignan siya ay parang hindi siya yong tipo ng lalake na magsasayang ng oras para magtext. Nagmessage nalang ako na nakarating na kami. Hindi pa naman namin napag uusapan ang tungkol dito kaya hindi ko alam kung sasama ba siya o hindi.

I put my sunglasses on before getting out inside the car. Just so I'm ready when the sun rays engulf me. Pagkababa ko palang ay may humila na agad sa akin. Ni hindi ko pa nakukuha 'yong maliit na maletang dala ko!

Magagalit na sana ako ng makita kong si Caleb pala ito at nakakunot ang noo as usual.

"What?!" Iritang sabi ko habang inaabot ko ang maleta ko. Tumabi naman ito sa akin at siya na mismo ang nagbitbit nito. Tinignan ko ang mga kasama ko at halos maglaway ang mga gaga habang sinisipat ang katabi ko. Pati nga si sir Erwin hindi magkamayaw sa pagtitig rito. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil kahit ako naman ay ganoon din.

With his sweat short and a  white fitted sando that makes his biceps be visible in everyone and his fucking almost 8 packs! Who wouldn't be get stunned?! Kung ako nga lang ay gusto kong balutin nalang niya ang sarili niya dahil humahakot na siya ng napakaraming mata.

He held my hand and then he lead the way.

"Nakakahiya." Pabulong na sita ko rito.

"Why? You don't want those men seeing you with someone? Huh?" Eh?

Dahil sa gamit niya ang relong bigay ko at gamit ko rin ang akin ay siguradong iba ang iisipin ng makakakita dito.

Yan naman ang gusto mo diba?

"Tsk.." Yan nalang ang nasabi ko.

"You didn't wait for me. I should be the one with you while the long ride." Makasabi naman siya ng long ride eh isang oras lang kaya ang byahe. I just rolled my eyes.

"Wala ka naman sinabi at kaya kong pumunta sa restaurant mag isa. You should not do it often. Baka masanay ako." Sagot ko. Tiyaka ko lang narealize ang sinabi ko kaya bahagyang pumula ang mukha ko. Para ko naring sinasabi ang hinaing ko.

"Actually that's what I want." Sagot nito at isinuot sa din nito ang sunglass niya. Damn whatever you wear you really look so goddamn hot!

Tinignan ko sina Honey at nagulat nalang ako ng kanya kanya silang kuha ng picture namin dalawa at pati pala ang mga ibang tao rito.

Napadikit ako sa kanya at humigpit amg kapit ko rito kaya agad naman itong tumingin sa akin.

"Hmmm why?" Umiling lang ako kaya agad niyang inilibot ang mata niya.

His jaw clenched as he saw what people doing. They were taking picture of us and I'm sure some of them will upload it and will make issues about us. Hypocrites.

Nagtuloy tuloy parin ito ng lakad not minding those people around us. We let the managers get our room numbers. Bale tatlong tao ang magkakasama sa isang kwarto. Dahil nag usap usap narin kami nila Yana at Giorgia na kami ang magkakasama sa kwarto.

"I could get your own room if you want."

"Caleb." I said in a warning tone.

"Fine."

Nasa kwarto na kami at inaayos ang mga gamit namin bago kami lumabas at kumain sa Seafood resto.

"Ang swerte mo talaga!" Kilig na kilig na saad ni Giorgia.

"Kung ako lang ang may dyowa na ganoon ka hot? O my! Araw araw ako maglalaway!" Segunda naman ni Yana.

At nagtuloy tuloy na nga ang mga papuri nila kay Caleb. halos lahat daw ng babae ay nakatitig sa kanya kanina.

Sana nga dyowa ko siya! Kaso hindi. Walang ganon.

To Tame the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon